"Yes... nasa files ko na 'yon, Celine."

Tumingin siya sa akin saglit bago lumabas. Sinundan ko siya ng tingin hanggang huminto siya malapit sa pinto ko. Nakapamewang siya at halata ang iritasyon sa mukha.

Bakit niya pa kailangan lumabas? Masyado bang private 'yon na hindi ko dapat malaman?

Inubos ko na lang ang binigay niyang pagkain pagkatapos ay ininom ko narin ang gamot na binili niya.

Pinikit ko ang aking mata at sinubukan na makatulog pero ang pangalan ni Celine Vergara na nakita ko sa cellphone ni Silver kanina ang aking nakita. Pinilig ko ang aking ulo at pinilit na kalimutan 'yon.

"Kainis naman, ah!"

Bumukas ang pinto sa driver's seat at pumasok doon si Silver. Nilagay niya ang cellphone sa pagitan namin.

"You're done."

Hindi ba obvious?

Nilagay niya ulit sa aking noo ang palad niya. "Hindi ka na mainit. Lagnat laki lang yata."

What the?! Ano ako bata? Minsan talaga kung ano-ano lumabas sa bibig niya. At hindi ko 'yon nagugustuhan.

Nag-seatbelt muna siya pagkatapos ay binuhay niya na ang makina.

Nacurious ako sa pinag-usapan nila ni Celine Vergara. Kating-kati ang labi ko na magtanong sa kanya ngunit nag-aalinlangan ako.

Ang assuming ko naman masyado! Di kaya about sa engagement nila? Naisip nilang mahal parin nila ang isa't isa? Ipagpapatuloy na siguro nila.

"Whatever you are thinking right now that's nothing." He said all of a sudden.

Nahigit ko ang aking hininga sa lantaran niyang sinabi. Naibitin ang pag-iisip ko at ilang sandaling natulala. Natakot ako para sa sarili na malaman niya kung ano ang iniisip ko.

"I-I just..." Tumingin ako sa labas. "wanted to go home..." bulong ko sa hangin.

"Yes, Chacha. We are going home."

Gabi na ng makarating kami sa mansyon. Binaba ni Silver ang bintana at sumaludo sa kanya ang guard. Naalala ko tuloy si Manong guard noon na muntik kong awayin dahil ayaw akong papasukin. Pagkarating ko kasi dito sa ay siya namang pag-alis ni manong guard dahil magreretire na daw ito.

Sinalubong kami ni senyor at ni Celine Vergara na nasa likod nito. Kung todo postora ito na akala mo ay mamasyal, e nasa bahay lang naman siya buong maghapon. I wonder why, kung nasabi niya na kay lola ang pambabastos ko ayon sa kanya.

"Marcus I'm calling you kanina hindi ka sumasagot." Sabi nito ngunit hindi nakaalis sa pansin ko ang sandali niyang pagsulyap. Palihim ko siyang inarapan. Lumapit ako kay senyora ubang magmano.

"Marcus texted me that you've been sick, apo. Are you okay now?" Lola cupped my cheek and even touch my forehead to feel if I am still sick.

"Ayos na po ako, La. Binilhan kasi ako ni Silver ng gamot." Sinadya kong nilakasan ang huling kong sinabi para marinig ni Celine. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa aking gilid.

Pake ko? Ikaw ang nauna sa atin, e!

I don't really want to compete with her pero masyado niyang pinapakita na superior siya kaysa sa akin at nasasaktan ang ego ko doon.

Dahan-dahan akong lumapit kay Silver. Tumigil ako ng magtapat kami. Kinakabahan ngunit pinakita kong kaya ko.

"Thank you kanina. I owe it you." Sambit ko.

Nilagpasan ko si Celine Vergara na madilim na ang paningin. Sa pagpasok ko sa mansyon ay rinig ko ang pagmamaktol nito kay Silver. Ang lalaki naman ay mukhang walang pakialam sa kanya.

Unwavering Love (Major Revision)Место, где живут истории. Откройте их для себя