Kabanata 10

66.6K 755 31
                                    

Kabanata 10

Wipe

Celine Vergara is beautiful. She screams elegance and classy. At sa tuwing naiisip ko na maganda siya ay tila nawawalan ako ng lakas ng loob para harapin ang takot ko. Fear that no one will accept the way I am. Not that I want people to recognize me, it's just that I was adopted and I am scared that if people find out, they will creeped out. Am I overreacting now?

"Have a seat, Celine. I cook you your favorite adobo." Magiliw na sinabi ni lola at iginiya siya sa dining table. Nasa likod niya si Silver. Nang mapansin na nakatingin ako ay kaagad akong umiwas.

Uupo na sana sa aking pwesto ngunit mabilis na nakaupo doon si Celine Vergara. Mahinhin niyang inayos ang kanyang damit. Nang makita ako sa likuran niya ay nginitian ako. Kinagat ko ang ibabang labi. Umikot ako para maupo sa kaliwang bahagi ng dining table at doon naupo. Si Silver ay nakatayo sa aking gilid ko. Inusog niya ang upuan sa aking tabi at piniling maupo.

May pinag uusapan si lola at Celine Vergara na hindi ko maintindindihan. Natatawa sila kapag may isang bagay na naalala.

"Senyora I was so young back then..." natatawang sabi ni Celine Vergara.

Kinuha ko ang sandok para magsalin ng kanin sa aking pinggan.

"Do you want this?" Turo ni Silver sa isang putaheng nasa hirap nito.

"Uh... ako na." kumuha ako sa putaheng tinuro niya. Napansin ang biglaang katahimikan. Napagtantong nakatingin na sa akin ang lahat. Si Celine Vergara ay mariin ang tingin sa hawak kong sandok bago sa akin. Hindi nagbago ang kanyang itsura.

"Marcus I want that." Turo nito sa putaheng unang inalok sa akin ni Silver.

Nagsimula akong tahimik na kumain. Pahapyaw na tinatanong ako ni lola tungkol sa aking pag-aaral na sinasagot ko naman.

"You're taking business? That's great!" Magiliw na sinabi ni Celine Vergara.

"Yes, I need to supervise lola's business." I casually said.

Si-nerve na ang panghimas sa gabing 'yon, nang matapos ay tinulungan ko ang mga kasambahay para mailagay yun sa lababo.

"Hey, are you okay?" Si Silver. Maingat ang naging tanong niya. Sumunod pala siya, hindi ko napansin. Nasa likuran niya ako at pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Doon ka nasa labas baka hinahanap ka ni Celine Vergara." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"You want me to help you?"

"Ano naman maitutulong mo? Marunong ka maghugas?"

"No. But teach me."

"Hindi tinuturo ang paghuhugas. Basic lang 'yan." Sagot ko.

Sumilay ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. "Alright. Hindi na kita guguluhin."

Inirapan ko siya. Tinuloy na lang ang paghuhugas.

"Marcus, senyora is looking for you." Si Celine Vergara ng sumilip sa pinto. Pumungay ang mga mata nito ng tumingin kay Silver. Napunta ang tingin niya sa hawak ko tapos ay ngumiti.

It's annoying how she always smile. Para ang dali ng buhay para sa kanya. She can have this and that and she can decide what she really want.

Geez, Chacha! Because she's born with a silver spoon!

Sa pagkakasabi pa ni lola ay iisang anak na babae daw ito ng pamilya nila. She's also the only apo of their clan. Then I wondered why the engagement party was cancelled. She's beautiful and Silver is handsome. They were match made in heaven. Pareho pang makapangyarihan ang buong pamilya nila. Kung sakali ay magiging isa ang kompanya nila.

Unwavering Love (Major Revision)Where stories live. Discover now