"Thank you for bringing her home, Gio," Mom sincerely thanked Gio.

"No problem, Tita," he said. "I also don't want anything bad happen to Iarra."

Nilingon ko si Gio at kita kong seryosong-seryoso siya habang nakikipag-usap ni Mommy. Ngayong nakikita ko siya ng mas maayos sa liwanag ay napuna ko na ang pagbabago sa kayang hitsura.

Gio looked even more mature now as his facial features became more define. I can also see his stuble that's almost visible, but it made him more handsome. Hindi ko inakalang mayroon pa pala siyang igu-guwapo dahil guwapo na siya noon pa. Bago pa lang siya umalis, kahit madalas kaming nagbibiruan ay aminado akong napakagandang lalaki niya.

Nang lumapat ang kanyang tingin sa akin ay agad lumambot ang kanyang seryoso at matigas na ekspresyon. Nginitian ko siya at isang tipid na ngiti ang kanyang ibinalik sa akin.

"Halika na sa loob at magpalit na muna kayo ng damit ni Iarra. Baka magkasakit pa kayo parehas," pag-aya ni Ate Ariana at nilingon si Kuya Diego. "Diego, pahiramin mo muna ng damit si Gio."

Tumango naman si Kuya Diego at inaya na si Gio papasok ng mansyon. Agad akong sumunod sa kanila ngunit nang pumasok ang dalawa sa kwarto ni Kuya Diego ay tumungo na ako sa aking kwarto. I took a quick hot bath and wore comfortable clothes. Bahagya ko ring inayos ang aking hitsura bago nagdesisyon na bumaba sa aming sala kung saan nandoon na silang lahat.

"So you really came all the way from England?" Ate Ariana curiously asked Gio. "You didn't stay in Manila for a while? Tito Emman's there with your mother."

Hindi ako tumuloy sa aking paglalakad papunta sa kanila upang tahimik munang makinig ng kanilang usapan. I feel like my presence won't let them talk much about other things since their attention and focus will be all on me.

"I stayed in Manila for about two hours to wait before I board my flight going here," sagot ni Gio.

"Do your parents know your home?" Mommy asked him.

"I already told my Mom about it before I booked my flight home," he said. "They'll come home next week. May kinakailangan lang silang tapusin ni Daddy sa Manila."

"How about your studies, Gio?" Si Kuya Diego naman ngayon ang nagtanong. "Paniguradong hindi ka pa tapos sa Masters mo. Kailan ang balik mo niyan sa England?"

It felt like my heart was being clenched by a fist while thinking of him leaving again. Kung nagawa ko siyang hayaang umalis noon, puwede bang pigilan ko na siya ngayon?

"Summer vacation namin ngayon sa England," sabi niya. "Titingnan ko pa kung kailan ako babalik... I'm not yet sure about it. Siguro ay depende sa kalagayan ni Iarra."

My lips parted when I heard his answer. Mas lalo kong itinago ang sarili ko para hindi nila mapansin ang aking presensya at pakikinig. Gusto kong marinig lahat ng kanyang sasabihin.

"Kalagayan ni Iarra?" Ramdam na ramdam ko ang pagiging kuryoso ni Ate Ariana sa kanyang boses.

"Don't tell me, Gio..." Si Kuya Diego. "Huwag mong sabihin na isa si Iarra sa mga dahilan kung bakit ka biglang umuwi ng Pilipinas?"

I bit my lower lip so hard that I can almost taste the blood from my lips while waiting for him to answer.

"She's the only reason why I came home," he corrected Kuya Diego's assumption that I'm only one of the reasons.

Hindi ko alam kung bakit kahit masaya ako na nandito siya ay labag din ito sa aking loob. A part of me was thankful and happy that he came home for me, but the remaining parts were feeling guilty because of it. Hindi biro ang ginawa niyang pag-uwi nang dahil sa akin lalo na't wala naman talaga siyang plano na ganoon. His plan was to stay there until he finishes his Masters and come home after.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now