"O-Opo, Sir." Naka-yukong sambit ni Manang Claire.

"Sit."

Pikon na tinignan ko si Xander... Problema nito? Sinunod ko nalang siya at sinimulang kumain. "Hub, hindi mo naman kailangan gawin 'yon." Sabi ko.

"Then why did we hire her if she is not going to do her job?"

Tama nga naman! "Pero, Hub..."

"Just eat, Wife."

Ibang set kasi ng mga katulong ang na-hire ni Xander. Mas maganda na daw na puro bago para wala ng isyu. Tapos nag-hire din siya ng yaya ni Larzene. Pero, ako mismo ang pumili, siya lang ang pumayag na i-hire sila.

Ayaw ko ng dalagang katulong.

Kaya puro may edad at may pamilya ang pinili ko. Ang dami kayang kumakalat na chismis diyan na merong mga dalagang mga katulong na pumapatol sa kanilang lalaking amo! Ayokong mangyari 'yon 'no.

Parehas kami ng ginawa ni Besh.

Nag-reklamo nga ang mga asawa namin pero, okay na rin 'yon at least mapo-protektahan namin ang asawa namin. Ayoko ng higad dito sa bahay!

"Mommy!"

Anak namin, tumatawag sa akin. "Yes, baby?"

"I love you, Mommy!"

Aww. Ang sweet talaga ng Baby ko! "I love you too, baby!"

"How 'bout me, baby?" Nagmama-kaawang tanong ni Xander.

"I love you, Dad!"

Xander pinched our daughter's nose. "I love you too, my precious one!"

"Hub, sasama kami ni Larzene papunta sa DVG." Sabi ko.

Matagal na kasi namin pinag-planuhan ni Larzene na sasamahan namin si Xander na pumasok sa opisina. Okay lang kahit isang buong araw kaming nandoon, mag-dadala naman ako ng pang-palit na mga damit ni Larzene e.

"Are you sure, Wife?"

"Yup, pwede bang itong araw na ito ay ibigay mo sa amin ni Larzene na tumambay sa opisina mo?" Malambing na saad ko sa kanya.

"Pero, hindi ba kayo—"

"Nope, hindi kami mabo-bored. Dadalhin ko nalang ang mga laruan niya para malibang siya." Paliwanag ko. "Is it okay for you, Hub?"

He smiled at me. "Definitely."

===

SINIMULAN ko ng ihanda ang damit na susuotin ko mula sa aking closet. Siyempre, 'pag humarap ako sa mga tao na nandoon dapat ako lang ang dapat na pinaka-maganda. Huh!

Dapat nilang makita kung gaano ka-swerte si Xander na ako ang asawa niya!

Kaso, ayaw kasi ni Xander ang masyadong liberated na damit, 'yong tipong may onting butas ang damit ko! Ayaw niya talaga ng ganon! Pero maski ako rin naman, ayaw ko rin ng ganon na klaseng damit.

Naniniwala kasi ako na mas maganda talaga ang babae kapag natural na kagandahan ang kanyang ipinapakita. I only chose the dress that is simple. Black fitted tube ito sa taas samantalang ang skirt naman nito ay above the knee. Sinamahan ko na rin ng puti na blazers.

Baka hindi ako payagan na ilantad ang balikat ko.

"Wife." Halos mapatalon ako sa gulat ng may nag-salita sa likod ko.

Hinarap ko siya. "H-Hub..." N-Naka-tapis lang pala ng tuwalya si Xander! Napalunok ako.

Amoy na amoy ko tuloy ang bagong ligo ko na asawa. Ang bango! Napalunok ulit ako. Ayokong tumingin sa baba! Y-Yung abs niya kasi e! Baka matukso ako at baka hindi ko papasukin si Xander sa trabaho!

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Where stories live. Discover now