"Po?'' ako.

"Ah, wala wala. Sige Janna magpahinga ka muna, okay? Kakausapin ko muna si Drake." saka tinakip niya ako sa balikat.

"Opo."

Drake's POV

Fvck. Hanggang kelan ba niya ako sasaktan nang ganito? Wala ba siyang nararamdaman para sakin? Kahit katiting man lang? Sh*t. Pinaghintay pa niya ako dun sa mall. And I got stucked by that ugly maid! Sinama ko lang naman siya para siya yung tagabitbit ng mga ipamimili ko sana para kay Xandra. Pero hindi siya dumating... Pinaasa niya akong dadating siya.. Urgh. 

Nakahiga lang ako sa kama ko.. Hoping that I would die soon. Xandra was my first love.. But she didn't loved me back. Ayaw daw niya ng mga gangsters na katulad ko.. Pilit ko namang magbago para sa kanya but I just can't do it.. I love being..like this.. I just can't get her, yknow? Lahat na ginawa ko para mapasaya siya pero di man lang niya yun na-appreciate... Should I just give up on her?

*tok tok*

(-__-) 

I'm too lazy to open that damn door.. "Come in.."  walang gana sagot ko at napaupo.

Si omma pala... I guess she knew why I'm acting like this again..

"I've heard from Janna you went to see Xandra at the mall.." panimula ni omma saka tumabi sakin.

"Tch.."

"Sweety, marami pa namang babae diyan.. Huwag mo nalang pilitin si Xandra na mahalin ka.. Masasaktan ka lang. Give up, Drake."  she said as she held my hand. Binawi ko naman ang kamay ko.. I hate being cheesy.

"Don't call me sweety.. Coz I'm not sweet. I'm okay kaya pwede ka nang makalabas."

"Are you sure, anak? Let's go get some tea if--"

"I said GET OUT!"

-__-*

Agad namang lumabas si omma sa kwarto ko. I hate having people inside my room. I know I should not have shouted at her but I just can't help it. She's just my second mother..

Well, I guess I made up my mind.. I'll try--WILL forget her. I need to get ready for school tomorrow..

Ugh, school sucks.

 Janna's POV

Janna na ang gagamitin ko simula ngayon. Sana di ako madulas kundi naku, buking na! Papunta na ako ng kwarto ko nang narinig ko ang malakas na music. Wow, grabe naman toh magsoundtrip. Abot hanggang kabilang barangay eh.

Mas nilapitan ko pa ang pinto ng kwarto ni Drake. Papasok ba ako? Ay, wag na. Re-raypin lang ako nun. Dejoke lang. Pag ginawa niya yun, ipapakidnap ko siya sa mga alien kong kaibigan. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pinto..

Whoaa, ang ganda ng tugtog. Parang alam ko yung kanta. Yung "Crooked" by GDragon? Kyaaahh!! Crush na crush ko kaya si GD :"> May resemblance nga sila ni Drake eh. Shems~

Enjoy na enjoy pa sana ako sa pakikinig ng music nang biglang bumukas ang pinto at namudmud ang mukha ko kay...Drake! Oh shet, what to do? Baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya! 

"Err, h-hello?"  kumaway ako sa kanya. He looked angry and pissed kaya yumuko nalang ako at nagsorry.

"Sorry po sir Drake.."  paawa effect kong sabi pero agad namang napalitan yun. "Kyaah!! Crush ko kasi si GD eh! Fan ka rin pala niya? Naku, magkakasundo tayo dyan! Ayoko kay Ahn Sohee para kay GD, gusto ko si Dara para sa--MMM!!!"  

Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko. Iritadong-iritado niya ang ekspresyon ng mukha niya. Agad naman niya iyon binitawan.. Hayy, kala ko di na niya talaga bibitawan. Sarap na sarap pa naman ako sa pag-amoy ng kamay niya. Ang bango eys!

"What the fvck were you doing just earlier? Are you planning on going inside my room?" taas-kilay niyang sabi. Naku, galit na talaga siya. Psh. Siya kasi eh! Ang lakas ng music tapos natukso pa ako dahil si GD pala ang pinakikinggan niya..

"Sinabi ko na kanina. Di ka nakikinig?" nagtatakang sabi ko. 

"Urgh! Whatever. J-Just move. You're blocking my way."  agad ko namang sinunod ang utos niya.

Hmm. Ganito pala ang isang Drake Jang na pinag-uusapan ng lahat sa school ko dati.. Ang lalaking matagal na raw ako gustong makalaban.. 

Papasok na sana ako ng kwarto ko nang nakita ko si Mdm. R. Ngumiti ako sa kanya at bumati.

"Hello po, Mdm. Anong kailangan niyo?"  magalang kong sabi.

"School na kasi bukas ni Drake. Malapit narin ang finals nila pero hindi talaga niya sineseryoso ang pag-aaral niya eh.."

Anong ibig sabihin ni mdm?di ko G.

Nakatingin lang ako sa kanya. Naghihintay sa mga susunod na sasabihin niya.

"Sabi mo rin nung interview, top acheiver ka noon sa previous school mo.. Napag-usapan narin namin toh ng asawa ko. Kaya kung okay lang sa yong mag-aral ulit, gagawin namin para sa'yo. Para narin may makabantay kay Drake sa school niya.."

O____O

OH MY GD! Totoo?! Mag-aaral na ulit ako? Oh my G to the D talaga!! Oo! Gustong-gusto ko po! Gangster man ako noon, hindi ko parin pinababayaan ang pag-aaral ko. Aweee.

"Talaga ho?! Nakuuuu, salamuch po! Malaking utang na loob ko po toh sa inyo!"  masigla kong sabi. Napahawak pa ako sa kamay ni mdm R.

"You deserved it, hija." aniya.

Falling for the Gangster [On-Hold]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum