Kabanata 25: I'm Sorry

2.2K 48 34
                                    

Wilzen's P.O.V

"Hey..what's wrong? I thought the problem was solved already? Bakit sad ang mukha mo?" slang na tanong ni Gwenn habang ang dalawang kamay niya ay ipinalibot sa leeg ko. Andito kami sa condo ko and she decided to stay here until the day of the said event.

"It's nothing. I'm fine." sabi ko at bahagya akong ngumiti. I reached the bottle of wine on the table and took a single sip of it.

"Don't worry, all is set now. And tomorrow is our last day of preparation so, cheer up okay? I believe in you Zen. You can do it again." then she gave me a quick kiss on my lips. Hindi ko masabi sa kanya na hindi naman yun ang inaalala ko. What I am thinking is, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Callie bukas. I feel so guilty of what I have said lalo pa at siya pala ang magbibigay solusyon sa problema ko.

"Sometimes, I really do hate myself."

"I agree."

Napatingin ako kay Gwenn at napansin kong nagpipigil siyang ngumiti.

"What?" takang tanong ko. Inalis niya ang pagkakayakap niya sa leeg ko bago nagsalita.

"I also do hate you sometimes when you do this." She pouted her lips and made a frowning face.

"..and this." This time, she raised her right eyebrow and folded her arms. Doon ko lang narealized na ginagaya niya pala ang mga ekspresyon ko kapag naiinis o nagagalit ako. Hanggang sa hindi na napigilan ni Gwenn ang sarili at napatawa na ng tuluyan.

"You know what, don't be too stiff hon. Huwag laging naiinis agad. Ikaw din, it will make you ugly daw." napangiti na lang ako sa sinabi niya.

She's right. Maybe, I should know how to control my mood from now on.

The next morning, it was an awkward day for me. Pagpasok ko pa lang sa Centerfolds, nahagip na agad ng paningin ko si Callie. Abala itong nakikipag-usap sa planning team habang hawak-hawak ang isang folder. Inintay kong matapos ang pag-uusap nila bago ako pasimpleng lumapit sa kinaroroonan niya.

"How's everything?" bahagya pa siyang nagulat ng marinig ang boses ko.

"Doing good, Ma'am. Everything falls according to plan. The whole set was up, the models are all prepared. And for our guests, Ms. Lauren told me that they were all properly informed already including those companies who will be collaborating with us tomorrow." pormal niyang sabi.

"Is there anything you need to add or change up to, Ma'am?" tanong pa niya.

"Ahm nothing. This is great enough." sagot ko habang bahagya kong tinatapik ng kamay ko ang kaliwang braso ko. As if, nakabawas yun sa kabang nararamdaman ko.

"If you'll excuse me Ma'am, I'll just talk to our coordinators there." paalam niya sabay tingin dun sa kabilang dulo ng arena. Halatang umiiwas siya sa mga tingin ko. Maybe, she is still pissed at me because of what happened yesterday.

"Yes, sure."

Wala na akong nagawa kundi ang sundan na lang siya ng tingin habang papalayo. I should have said sorry. Hinayaan ko sana siyang mag-explain at lalong-lalo na, hindi dapat ako nagalit sa kanya.

Haay, I'm so stupid.

Napahawi na lang ako ng buhok at nagdesisyon na magcheck na lang muna ng e-mail ko. Baka kasi may mga bagong update regarding bukas. Humanap ako ng pwesto sa mga seats na naroon at saka binuksan ang ipad na dala ko. Ngunit sa kabila ng pagiging abala ng lahat, hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan. Seryoso itong nakikipagcoordinate sa team at doon ko narealized na mali talaga ako nung sinabi ko sa kanya na nadisappoint ako sa paghired sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Hanna.

"Hello, Hanna? I have a question." tanong ko habang ang mga mata ko ay nakatingin sa direksyon ni Callie.

"Yes, sure Ms.Wilzen. What is it?"

"Does pizza makes you feel good?"

Alam kong weird ang tanong ko pero gusto ko lang malaman since hindi naman ako mahilig sa pizza. And from what I heard, most girls love it.

"A-ahm yes. Why, Ma'am?" takang tanong ni Hanna.

"So, what's your favorite flavor?"

"I love them all actually but the Texas BBQ Chicken is in the top list." sagot niya na tila nagde-day dream na ata ng pizza.

"Great. So, what I wanted you to do is, make a call now at magpadeliver ka ng pizza dito sa Centerfolds. Good for 35 persons sabihin mo. And, um-order ka na din ng para sayo."

"Okay Ma'am. Thank you." paalam niya habang may halong excitement ang boses niya.

Ten minutes later, dumating na yung pinadeliver ko. I saw six boxes of pizza at isa-isa ko na itong pinabuksan sa kanila.

"Everyone, let's take some break muna. Pizzas are waiting." tawag ng empleyadong nasa may kalapit ko. I forgot his name if it's Mark or Marco. I'm not sure. Sa dami ba naman ng empleyado ng D'élégant, hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila.

"Thanks Ms. Wilzen." mahinang sabi nito habang abot tenga ang ngiti. Tumango lang ako bilang tugon. Mayamaya ay isa-isa nang naglapitan ang mga empleyado including Callie. Saktong naghahatian na ang lahat dun sa limang box habang si Callie eh hindi pa din pala nakakakuha. Napatingin naman ako dun sa isa pang box na nakatapat sa akin. Mayamaya ay lumapit na din si Jamie na hindi pa din pala nakakakuha. Napatingin siya dun sa natitirang box na nasa may tapat ko pero mukhang nagdalawang isip ata na kumuha doon dahil nakita niya ako.

"Go, get it. Sa inyo talaga yan. Hindi pati ako mahilig sa pizza." sabi ko. Mayamaya ay tinawag niya si Callie na agad namang lumingon. Sakto namang napatingin siya sa akin kaya medyo awkward siyang lumapit sa direksyon namin ni Jamie.

"Oy, Callie kumuha ka na dito. Favorite mo 'toh di ba?" narinig kong sabi ni Jamie. Napangiti naman ako ng malaman kong favorite pala niya ang pizza. Sakto naman na napatingin ulit si Callie sa akin kaya ang ginawa ko, mabilis kong inilipat ang tingin ko sa cp at nagpanggap na busy ako sa pagtetext. Mayamaya ay nakita ko na din siyang kumuha ng isang slice ng pizza.

After fifteen minutes of break, everyone started to get back to their designated work. Naiwan si Callie na kasalukuyang umiinom pa ng tubig. Nilapitan ko siya bago marahang nagsalita.

"I just wanted to say...I'm sorry. I'm too harsh and insensitive yesterday."

Lumingon siya sa akin at ibinaba niya ang hawak niyang bottled water.

"Ayokong isipin mo na masama akong tao. Its just that, I'm too pressured right now to the point na hindi ko na iniisip yung mga sinasabi ko. And I'm really, really sorry for that." paliwanag ko.

"It's fine. I understand. Besides, the pizzas are too good kaya bigla akong nakamove on about yesterday." biro niya. This time, she smiled at me and is now looking directly into my eyes.

"So, am I forgiven?"

"Well, unless you'll allow me to eat another slice of pizza." nakangiti niyang sabi. Napangiti na din ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya.

-----------------------------------------------------------
A/N:

Hello :) Wishing everyone a Happy Day! :) Keep reading! :***

- Queen Jae

Fall BackWhere stories live. Discover now