Kabanata 23: Why So Serious?

2.1K 48 21
                                    

"Okay ladies, another round. Let's make it perfect para matapos na." narinig kong sabi ni Ms. Wilzen habang eksperto niyang pinapanuod ang mga modelong kasalukuyang naglalakad sa entablado ng Centerfolds. It was Sunday morning yet we're still here, working for additional day dahil ilang days na lang at gaganapin na ang event. From what I see, alam kong pressured din ngayon si Ms. Wilzen dahil sa biglaang announcement ng event. Hindi naman kasi pwedeng palampasin ito ng D'élégant dahil malaking kumpanya ang makikilahok dito kaya ganun na lamang ang paghahanda ng bawat team.

"Ma'am excuse po, may snacks po tayo if ever na nagugutom po kayo." sabi ng isa sa mga trainee ng D'élégant habang itinuturo ang mesa na ilang hakbang lang ang layo mula sa kinatatayuan ko.

"Ah okay. Thanks." sagot ko. Gusto ko sanang tapusin muna ang rehearsal ng mga modelo pero bigla naman akong nakaramdam ng pagkagutom kaya kumuha na din ako ng merienda. Akmang babalik na ako sa pwesto ko nang makita kong sinenyasan ng isa sa mga staff ang technical crew na itigil muna ang tugtog. Kasunod nito ang pagbaba ng mga modelo sa stage. Para namang may sariling isip ang mga mata ko na kaagad ay hinanap si Ms. Wilzen.

Mukhang masama ata ang timpla ng isang ito ah. Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan si Ms. Wilzen na nakaupo sa kabilang dulo malapit sa harapan ng stage. Bahagya pa itong nakahawak sa sentido niya habang tila may sinusubukan itong tawagan sa cellphone nya.

"Isa pang mineral water at brownies please. Thank you." sabi ko sa babaeng kumausap sa akin kanina.

Fine. Bahala na nga.

Lumakad na ako papalapit sa kinauupuan ni Ms. Wilzen bitbit ang mineral water at brownies na kinuha ko at dahan-dahan ko itong iniabot sa kanya.

"Merienda po Ma'am." naiilang ko pang sabi sa kanya. Napaangat naman siya ng mukha at pagkatapos ay tumingin sa mga hawak ko.

"Thanks." matipid niyang sagot. Nagtaka naman ako sa ikinilos niya. Masyado siyang seryoso ngayon at halos hindi ako pansinin.

Maybe, wala lang talaga siya sa mood ngayon. At isa pa, bakit ba ako nabobother na di niya ako pinapansin?
Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at mayamaya lang eh naramdaman kong may dumatig sa akin. Si Jamie.

"I saw it."

Nilingon ko siya at nakita ko ang nakangiting mukha ni Jamie na parang nanunukso.

"Ang alin?" kunot-noo kong tanong.

"Yun oh." sabay nguso niya sa direksyon ni Ms. Wilzen.

"Loko, dinalhan ko lang ng merienda si Ma'am wala kasing nag-aabot."

"Ah okay." sabi niya sabay kagat sa hawak niyang brownies.

Lumipas ang ilang minuto na halos si Jamie lang ang nagsasalita sa aming dalawa dahil abala ako sa pagmamasid kay Ms. Wilzen na hanggang ngayon eh mukhang wala pa din sa mood.

Hmm..ano kayang problema nun?

"What can you say?" bigla naman akong napalingon ng marinig kong nagsalita si Jamie.

"Sorry. What is it again?" tanong ko. Bahagya namang napahawak sa noo si Jamie.

"Haay..nevermind."

"S-sorry. I'm just --" natigil ako sa pagsasalita ng makita kong may isang babae na papalapit sa pwesto ni Ms. Wilzen. She wears glasses and looks classy in her floral embellished silk dress. Bago pa man ako makapagtanong kung sino ang babaeng yun, naunahan na ako ni Jamie at siya na ang nagsalita.

"If you're wondering who's that woman, her name is Gwenn Williams.One of the D'élégant's most sought-after models."

The woman took off her glasses before leaning in with Ms. Wilzen who stood up immediately.

Wait..she looks familiar. Saan ko nga ba siya nakita?

Inisip ko na lang na baka naman nakita ko siya somewhere in magazines or billboards kaya familiar siya sa akin since model nga siya. Kasalukuyan silang nag-uusap at tila komportable sila sa isa't isa na parang matagal ng magkakilala.

"And yes, they are somewhat close to each other." dagdag pa ni Jamie. From what I see, mukha ngang close ang dalawa dahil hindi naman ganun makipag-usap si Ms. Wilzen sa ibang modelo or maybe because "asset" nga siya ng kumpanya. Mayamaya ay sabay ng umalis ang dalawa at pumunta na sa backstage.

"Oy, natulala ka na jan." sabay siko sa akin ni Jamie.

"Nothing. CR lang ako."

"Okay."

Wala masyadong tao ng pumasok ako sa cr kaya nagawa ko pang magretouch ng ilang minuto. Mayamaya eh narinig ko na muli ang nakakaengganyong tugtog mula sa labas.

Mukhang simula na ulit ng rehearsal.

Lumabas na ako at hindi nga ako nagkamali. Nagsisimula na muling rumampa ang mga modelo. Mas maganda at mas masigla ang kanilang paggalaw at lakad kaysa kanina. Hinanap ko si Jamie at saka tinungo ang direksyon niya. Walang itulak-kabigin sa mga modelo dahil sa naggagandahan nilang itsura at tindigan. Idagdag pa ang paglakad nila na tila hindi sumasayad sa sahig.

"There she goes." mayamayang sabi ni Jamie. Kasabay nito ang paglabas naman nung babaeng kausap kanina ni Ms. Wilzen. From the way she moves I must say, she really knows well how to gracefully walk in heels.

"Ganda niya 'noh?" narinig kong sabi ni Jamie.

"Yeah." sagot ko. Pero deep inside, gusto ko sanang sabihin na mas nagagandahan pa din ako sa mukha ni Ms. Wilzen.

Halos tatlong oras pa ang itinagal ng rehearsal hanggang sa isa-isa ng nag-pack-up ang mga modelo. Naiwan naman kaming nasa Marketing at Advertising Department para magmonitor sa pagseset-up ng venue. Habang abala ang lahat sa kani-kanilang gawain, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin si Ms. Wilzen.

"Uhrmm." napalingon naman kami ni Jamie at bumungad sa amin si Ms. Wilzen at ang kasama nito, si Gwenn. Ngumiti naman sa amin ang modelo habang seryoso naman ang mukha ni Ms. Wilzen.

"Ms. Jamie, kayo na munang bahala dito. I have to go. And Ms. Almonte.." lumipat ang tingin niya sa akin kasabay ng blankong ekspresyon ng mukha.

".. pakiforward na lang sa akin nung ginawa mong activity design para macheck ko kung may adjustment pa tayong gagawin. I need it tomorrow." pormal niyang sabi.

"Ah yes Ma'am." sagot ko at pagkatapos eh tumalikod na ito, kasunod si Gwenn.

"Sa tingin mo okay lang kaya si Ms. Wilzen?" tanong ko kay Jamie habang sinusundan ng tingin ang dalawa.

"I don't know. Eh lagi naman siyang nakapoker face kaya mahirap malaman kung okay lang ba siya or what." kibit-balikat niyang sabi.

"I see."

Itinuloy ko na lang ang ginagawa ko ngunit sa isip-isip ko, nagtataka pa din ako kung bakit parang may iba sa ikinilos niya kanina.

-----------------------------------------------------------
A/N:

Anjan pa ba kayo readers? Y_Y Sorry sa napakatagal na update. Medyo nahirapan akong magsulat these past weeks. Di ko alam kung bakit..So ngayon, bumabalik na ulit ako sa pagsusulat and hopefully mawala ng tuluyan yung writer's block ko. Anyways, thank you sa mga nagcocomment at nagpPM sa akin na mag-update na. Somehow, nakatulong yun para ituloy ko yung kwento ni Wilzen at Callie. :) Binabasa ko yun lahat. :"> xoxo

- Queen Jae

Fall BackWhere stories live. Discover now