Kabanata 23: Missing In Action

2.4K 50 45
                                    

Wilzen's P.O.V.

"Wait, what?!" inis kong tanong sa kabilang linya habang dahan-dahan kong itinigil ang sasakyan. Kasama ko si Gwenn dahil nangako ako sa kanya na ide-date ko siya for dinner once na makabalik na siya mula sa shoot niya for a local commercial. But from what I see, mukhang mapopostponed pa ata.

"I'll get back to you. We need to fix that as soon as possible." at pagkasabi ko nun ay inioff ko na agad ang cp ko.

"What's the problem?" tanong ni Gwenn ng mapansing biglang nagbago ang mood ko.

"Two companies have backed out. Damn! I knew it. The competitors will poach it!" napasandal na lang ako sa kinauupuan ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa pagkainis. Imagine? Days na lang ang bibilangin ko at magaganap na ang event tapos bigla-bigla may ganitong balita na dadating? Seriously?

"Hey, calm down. I know there's still a lot of companies out there who would want to participate in the event." She hold my hand convincing me that everything will be fine. I look up to her and I felt guilty knowing na hindi ko na naman siya mapaprioritized sa sitwasyong tulad nito.

"Don't look at me like that. I understand. We can go out some other time naman eh." slang niyang sabi. Kahit nakangiti, alam kong malungkot siya dahil hindi na naman matutuloy yung planong lakad naming dalawa kaya lalo tuloy akong naguilty dahil nakita ko kung paanong tumamlay ang mga mata ni Gwenn. Pero paano? I'm sure nakarating na agad kay Papa ang balita and I need to talk to him as soon as possible at hindi ko pwedeng pagsabayin ang priorities ko kay Gwenn at ang problema ko sa kumpanya.

"I'm sorry." I grabbed her hand then kissed it. She just smiled at me as if she was telling me not to worry.

"It's fine. We can still hang out naman eh." sagot niya.

"Okay, I'll just drive you home." tumango lang siya at muli kong inistart ang kotse.

Matapos kong ihatid si Gwenn sa condo niya, dumiretso agad ako sa Hills Mansion. I already prepared myself for the not-so-good-mood ni Papa dahil sa pagbaback out ng ilang kumpanya para sa big event na ilang araw na lang eh magaganap na. I tried to keep calm habang papasok ako sa loob ng mansion at tama nga ang hinala ko, nakaabang na sa akin si Papa with his unpleasant expression on his face.

"Good that you're here. We need to talk." seryoso niyang sabi.

"Yes, Dad."

"At my office." sabi pa niya bago tumalikod. Sumunod ako sa kanya at nang makapasok na kami sa opisina niya, ramdam ko agad ang tensyon sa pagitan namin.

"I've heard what happened. At alam mo na ayaw ko ng kahit anong kapalpakan Wilzen. Three days from now gaganapin na yung event, so tell me. How are you going to fix that?" inis niyang tanong habang diretsong nakatingin sa akin. Biglang nag-init ang pakiramdam ko pero hindi ko na lang pinatulan ang pagkainis ni Papa sa halip ay sinikap ko pa ding maging professional sa harapan niya.

"I already have back up plans for that. My team is already working on it." paliwanag ko kahit ang totoo eh namomroblema ako kung saan ako hahanap ng kapalit para sa dalawang kumpanyang nagback out.

"Make sure na maayos mo ito Wilzen. Ayokong makarating pa ito sa press so you need to take action on this as soon as possible."

"Yes, Dad." sagot ko sa kanya na ngayon eh nakasandal na sa swivel chair niya.

"That's all. You can go now." hindi na ako muling nagsalita at lumabas na ako sa opisina. Dumiretso na ako sa kwarto ko at agad na pumunta sa shower room.

Geez..hope this cold shower will rub off
my problems.

The next day came and I felt the heaviness inside my head. Kagabi ko pa iniisip kung paano ko maayos ang problema ko but it ended up negative na lalong nagpasama ng mood ko ng umagang iyon. Pagkadating na pagkadating ko sa opisina, sinabihan ko agad ang secretary ko na magset ng meeting para sa Marketing at Advertising Department. At exactly 9:00 am, sumunod na din ako sa conference room na nasa 8th floor ng building. Everything was set and the employees were already there when I went in except..Callie. Hindi ko tuloy maiwasang mapakunot ng noo habang inililibot ko ang paningin ko sa loob ng conference room.

"Where is she?" tanong ko kay Jamie ng makalapit ako sa kanya.

"Sino po Ma'am?"

"I mean Callie. Where is she?" napansin ko naman na parang may hesitation pa siya kung sasagutin ang tanong ko o hindi.

"A-ah eh, on leave po siya ngayon Ms. Wilzen." dahil dun eh bigla akong nakaramdam ng inis. She's supposed to be here at alam naman niya na madaming kailangang tapusin tapos sinabayan pa niya ng pagli-leave. Dahil siguro sa pressure at halo-halong isipin, hindi ko tuloy napigilang magtaas ng boses.

"What?! I need her now! Tawagan nyo siya and tell her na madami pa tayong kailangang tapusin ngayon. Hindi pwedeng wala siya dito." inis kong sabi kay Jamie. Dali-dali naman itong nagdial sa cp niya at sinubukang tawagan si Callie. Ngunit matapos ang ilang beses na pagdadial, mukhang wala pa ding sumagot sa kabilang linya.

"Ah-eh Ms. Wilzen, hindi po sumasagot si Callie."

"Fine. Nasasayang ang oras, wag mo nang tawagan. Let's just proceed to the meeting." inis at seryoso kong sabi kay Jamie at pagkatapos eh pumunta na ako sa unahan para simulan ang meeting. Obviously, her absence really worsened my mood and I'm sure, nahalata yun ng mga ka-meeting ko.

This day is indeed a stressful day!

-----------------------------------------------------------
A/N:

Sakit ng lalamunan kooooo! :( Anyways, happy reading guys!

- Queen Jae



Fall BackWhere stories live. Discover now