Kabanata 13: Stolen Glares

2K 33 0
                                    

Wilzen's P.O.V

"Meanwhile, luxury retailing is likely to enjoy strong growth of 9.8 per cent in 2018-2023, continuing at a brisk 8.5 per cent in the years 2023-2028." tila walang katapusang pagsasalita ng isa sa mga board of directors ng kumpanya. Magdadalawang oras na akong nakikinig at nakikipagpalitan ng opinyon sa mga kasamahan ko pero mukhang mahaba haba pang usapin ang mangyayari.

"Peak season is coming and we need to double our production and hopefully, those of our clients will all be accomodated." pagpapatuloy nito.

Abala ako sa pakikinig hanggang sa makaramdam ako na parang may mga matang nakatitig sa akin. Mula sa kinauupuan ko, dahan-dahan akong lumingon sa kaliwang bahagi ko kung saan napagtanto kong kitang-kita pala ako sa see-through glass wall ng conference room. From there, I clearly saw her eyes looking mine as if she was studying my wholeness. I wonder kung kanina pa niya ako tinitingnan. I could clearly read the sudden shock all over her face when she noticed I was already staring back at her glare.

"Ahm Ms. Elarco, how's the team expansion? Do we already have people to appoint on that tasks?" bahagya pa akong nagulat ng marining ko ang pangalan ko kaya agad kong ibinalik ang atensyon ko sa loob ng conference room.

"Ah yes. Actually, we're already done with that and hopefully by this week, we can be able to start already with the plans." mabilis kong sagot at pagkatapos ay pasimple ulit akong tumingin sa labas ng conference room ngunit wala na doon ang hinahanap ko.

Natapos ang meeting at isa-isa na kaming lumabas. Habang naglalakad sa hallway, hindi ko inaasahan na makakasalubong ko pala sila.

"Hello po, Ma'am Wilzen." bati sa akin ni Ms. Kim, kasama niya ang mga bagong empleyado ngunit sa isang partikular lang na mukha ako nakatingin.

There you are Callie Almonte.

Pigil ang mga ngiti ko habang pasimple ko siyang tinitingnan. Halata kasi na hindi siya mapakali sa pwesto niya. Nariyang makikipagtitigan siya sa akin tapos bigla ding magbabawi ng tingin. May pagkakataon din na titingin siya sa cellphone niya which is di ko alam kung dina'divert lang ba niya yung atensyon niya para makaiwas sa mga tingin ko.

Haha, mukhang nato'torture na ata siya.

"Where are you guys going?" tanong ko.

"Just got done with the facility tour Ma'am. I'm about to introduce them to the Department Heads pero nasa meeting po kayo kanina." paliwanag ni Ms. Kim.

"Ah ganun ba. Well, please accompany them to my office now. Susunod ako." sabi ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Lingid siguro sa kaalaman ni Callie, alam kong inihahatid niya ako ng tingin habang papalayo ako. Dumiretso muna ako sa cr para magretouch nang biglang tumunog ang cp ko.

"Hey, what's up?"

"Nothing. I just miss you. It's been two days since the last time I saw you." saglit akong natigilan ng marinig ko ang British accent sa kabilang linya.

God, I almost forgot about her.

"Ah yeah, how are you?" tanong ko.

"I'm just fine. And you? Bakit walang tawag, walang text?" taglish na tanong naman ni Gwenn.

"Sorry, too much work here in the office." nasabi ko na lang.

"I see. Hmm, okay will just call you again. Start na ng shoot." sabi niya. Bigla naman akong naguilty dahil biglang lumungkot ang tono ng boses niya.

"..I love you." sabi pa niya.

"I--I love you too." di ko alam kung bakit ang tagal bago lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun. Parang may iba, parang may nagbago. Tuluyan ng naputol ang pag-uusap namin ni Gwenn at ako naman eh lumabas na ng cr at naglakad na pabalik sa opisina ko. Nadatnan kong naghihintay doon ang limang bagong empleyado including Callie.

"Sorry, nainip na ata kayo." bati ko ng sa wakas eh makaupo na ako.

"So, today is your first day right? How is it so far?" tanong ko sa lima. Halos sabay-sabay naman silang sumagot and it seems na masaya naman sila sa unang araw ng trabaho nila. Sinikap kong huwag magtama ang mga mata namin ni Callie dahil sa tuwing mangyayari yun, bigla namang pumapasok sa isip ko si Gwenn at nagiguilty ako sa isiping may isang babaeng nagsisimulang umagaw ng atensyon ko na dapat sana eh kay Gwenn ko lang ibinibigay.

Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap ko sa kanila, biglang nag'ring ang telepono sa table ko.

"Please excuse me.." sabi ko bago ko inangat ang telepono.

"Yes, Hanna?" tanong ko sa kabilang linya.

"Tumawag po si Sir Greg. Pinapasunod po kayo sa production site." sagot ni Hanna.

"Ah okay, will be there in few minutes. Thank you Hanna." at pagkatapos eh ibinaba ko ng muli ang telepono.

"Well I guess, this is all for today and goodluck. You can go now to your designated area. See you around." paalam ko sa kanila at isa-isa na silang lumabas ng opisina ko. Akmang tatayo na din si Callie pero pinigilan ko.

"You, stay."

-----------------------------------------------------------
A/N:
Some scenes on this chapter are real. (insert monkey closing eyes emoticon) Nyaha! :p

Happy reading! :) :***

-Queen Jae

Fall BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon