Kabanata 19: Loving The Tension

2.1K 51 14
                                    

Callie's P.O.V

"How are things going?"

Napalingon ako sa direksyong pinanggalingan ng boses na iyon.

"Fine, and you?" nakangiti kong sagot habang inaayos ang ilang papel na nakapatong sa table ko.

"Nothing much. Baka kasi may kelangan ka or something. Eh di ka kasi umaalis sa pwesto mo." sabi naman ni Jamie.

"Ipinafile ko kasi tong mga documents na nareceive ko kahapon. Mahirap na, baka mawala."

"And the most organized employee award goes to..." sabi pa niya habang ikinakawag pa ang mga kamay sa akin.

Mukhang natagpuan ko na ang girl version ni Miko. Lol. Sa isip-isip ko.

"Oh wait, regarding nga pala dun sa marketing campaign natapos mo ba yung draft?" tanong niya.

"Ah yes, okay na siya." nakangiti kong sagot.

"Hmm, bilis mo din ha." sabi niya habang patango-tango na para bang bumilib dahil natapos ko agad ang ipinagawa niya kahapon. Kung alam lang ni Jamie, ito kaya ang dahilan kung bakit nakapag-overtime ako kagabi and well..which ended up riding in my boss' car.

"Anyways, be prepared na din kasi any moment eh bababa dito si Ms. Wilzen para magmonitor. "

Bago pa lang babalik sa pwesto niya si Jamie ay heto na nga, nakita ko nang papasok si Ms.Wilzen sa opisina namin. May hawak itong folder na sa tingin ko eh monitoring sheet as what Jamie said nga kanina. And as stunning as ever, the young Elarco walks gracefully as she entered the room and I can't help but to follow her in every direction. She's wearing a black pencil cut dress that goes up right above her knee.

"I told you.." mahinang sabi ni Jamie sabay kindat sa akin at pagkatapos ay bumalik na siya sa pwesto niya. Umupo na din ako at inihanda ang mga papel na pwedeng hanapin sa akin mamaya ni Ms. Wilzen. Kasalukuyan siyang nakikipag usap sa isa sa mga staff ng advertising at ewan ko ba kung namalikmata lang ba ako dahil napansin kong parang may hinahanap siya at ng mapatuon ang mga mata niya sa direksyon ko eh bigla siyang nagbawi ng tingin. Matapos maikot ang kabilang department, agad siyang dumiretso sa cubicle ni Jamie. Medyo matagal din silang nag-usap at mayamaya lang eh nakita kong itinuro ni Jamie yung pwesto ko na sinundan naman ng tingin ni Ms. Wilzen.

Ayan na siya. Relax Callie.

Alam kong papalapit na siya sa akin kaya nagpatay malisya ako, kunwari eh busy ako pagtatype sa computer ko.

"Urrmm."

Nilingon ko siya at binati, "Good morning po Ms. Wilzen."

"Good morning." pormal niyang sabi. Akmang tatayo na sana ako para ipaghila siya ng upuan pero pinigilan niya ako.

"No, it's fine. Mabilis lang naman ako." sabi niya.

"..Sabi ni Jamie, nasa'yo yung draft para sa marketing campaign? Can I see it?" tanong pa niya.

"Ah yes po Ma'am." agad ko namang binuksan ang folder kung saan nakasave yung files ng marketing campaign sa computer ko.

"Eto po Ma'am." naramdaman kong lumapit siya sa may likuran ko at pagkatapos eh marahan siyang yumuko para makita yung files sa computer ko. Since we're just an inch apart, I can smell her sweet nutty fragrance which deliciously reminds me of springtime. I can feel the fineness of her dark silky hair which slightly touching the back of my shoulder. It fills my head.

God! She didn't know na tinotorture na naman niya ako. Water please!

"Magkakaroon lang tayo ng konting revision sa part na toh." sabi niya habang patuloy na nag-iscroll sa computer ko. Noon ko lang narealized na parang nakayakap na din siya sa akin dahil mula sa likuran ko, yung kanang kamay niya eh nakahawak naman sa mouse ng computer ko. Halos hindi ko na nga maintindihan yung ibang sinasabi niya dahil pakiramdam ko, mas malakas pa yung tunog na naririnig ko mula sa dibdib ko. Idagdag pa na halos isang dangkal lang ang agwat ng mga mukha namin.

Ano na namang nangyayari sa'yo Callie?

"So, after mong irevised yan, pakifinalized na din so we can move on to our next step." binitawan na niya ang mouse at bumalik na sa pagkakatayo.

"Okay po Ma'am." sabi ko nang lingunin ko siya.

"Thanks." sabi niya. Tumalikod na siya pagkatapos habang ako eh naiwang tensionado pa din.

Naisip ko na pumunta muna sa washroom bakasakaling marelax ako ng konti. Pagdating ko dun, hindi ko inaasahan kung sino ang madadatnan ko, si Ms. Wilzen.

Talaga nga naman oh, andito pa pala siya?

Lalabas na sana ako ngunit huli na. Nakita na niya ako mula sa salamin.Nakakahiya naman kung bigla akong aalis. Baka isipin pa na iniiwasan ko siya. Kaya ang ginawa ko, sinikap ko na lang na maging normal ang kilos ko habang papalapit sa salamin. Ngumiti ako sa kanya ng mapansin kong nakatingin pala siya sa akin at pagkatapos eh naghugas na ako ng kamay. Buti na lang malamig ang tubig atleast, narelieve ako kahit papaano.

"Mukha ba akong mataray?" medyo nagulat pa ako ng bigla siyang magsalita.

"H-hindi naman po Ma'am." sagot ko. This time eh diretso na siyang nakatitig sa mga mata ko.

"Really?" sabi pa niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin.

"Y-yes po. I mean hindi po kayo mukhang mataray." medyo nauutal ko pang sagot. Nasa may likuran ko na kasi siya at pakiramdam ko, naso'suffucate na naman ako. Fully airconditioned naman yung washroom pero mas nararamdaman ko pa din yung init na nagmumula sa katawan niya dahil sa pagkakalapit namin.

"Eh pag ganito kalapit?" tanong ulit niya. Hindi na ako nakasagot dahil para na akong na'hypnotized ng mga titig niya. Mula sa salamin, nakita ko namang bigla siyang napangiti.

"Okay. I'll go ahead now Ms. Almonte." at pagkasabi niya nun eh lumabas na siya. Samantalang ako, naiwan na naman na puro question mark ang nasa isip.

What did just happen?

-----------------------------------------------------------
A/N:
Helloooo :) Alam kong may mga readers talaga na naghihintay ng updates ko kaya sorry kung natagalan man at medyo maikli. Nagpapagaling pa ang author niyo. Tinamaan kasi ng virus lol.

Happy readings! :***

-Queen Jae

Fall BackWhere stories live. Discover now