Kabanata 11: Message From The D'élégant

2.2K 34 2
                                    

"Aaaayyyy! Omg! You're serious right?!" tanong ni Mikko habang walang tigil ang pagtili sa kinauupuan niya. Sinabi ko na kasi sa kanya ang 'good news' na natanggap ko kani-kanina lang.

"Uhuh. You've heard it right." nakangiti kong sagot sa kanya. Kagaya ng napag-usapan naming 'deal' ni Mikko, ititreat ko siya once na mahired ako sa D'élégant and that's it!
Nagdilang anghel nga siya kaya andito kami ngayon sa isang fine dining restaurant para sa aming 'mini celebration".

"Oh baka naman di mo na ako pansinin niyan. Sasabunutan talaga kita." Sabi niya pa habang nagda'duck face.'

Hala, at nag-iinarte ang lola mo.

"Alam mo ang OA mo din minsan. Gusto mo ako unang sumabunot sayo ha? Arte-arte." muli kong sagot at pagkatapos eh nakita kong tumawa ng malakas si Mikko habang maarteng nakatakip ang isang kamay sa bibig niya.

"Haha easy mars, eto naman! Hmm, kidding aside, babalik ka pa ba sa office?"

Ininom ko muna yung inorder kong Aloha Pineapple bago ako muling nagsalita. "Nagpaalam na ako kay Mrs. Ramos, maybe next week na lang ako sasaglit sa office para kunin yung iba ko pang gamit. Di ko pa din kasi alam kung kelan ako magsisimula sa D'élégant, magsesend na lang daw sila sa email para sa orientation."

Sa gitna ng pagkain namin, napansin kong may tinitingnan si Mikko sa di kalayuan.

"Wait mars, si Jared ba yun?" napalingon ako sa direksyon tinutukoy ni Mikko. At oo nga, si Jared nga yun at may kasama itong babae sa table niya.

"Oo siya nga yun." tipid kong sagot na parang hindi man lang ako apektado sa nakita ko.

"Ano, sugudin ko na ba? " akmang tatayo na si Mikko sa kinauupuan niya pero pinigilan ko.

"Hayaan mo na wag mo ng lapitan. Umuwi na lang tayo." naramdaman ata ni Jared na may nakatingin sa kanya kaya bigla syang napalingon sa direksyon namin. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya na tila hindi malaman kung lalapit ba sa amin o magpapanggap na hindi niya kami nakita. Sa huli, muli nitong ibinalik ang paningin niya sa babaeng kasama niya. Bigla naman akong nakaramdam ng inis dahil sa ginawa niya lalo na nung makita kong tiningnan ako nung babaeng kasama niya. Hindi na ako nagdalawang isip at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Mabilis ang paghakbang na ginawa ko palabas ng restaurant habang si Mikko eh dali-dali ding sumunod sa akin.

"Callie wait!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko kung kaninong boses ang tumawag sa pangalan ko. Si Jared.

"Hey, I'm about to go to your table kanina bakit kayo umalis? Uhm..that woman, she's a .. she's my client." paliwanag niya sa akin kahit hindi ko naman tinatanong kung sino yung kasama niya kanina.

And I don't care.

"No worries, pauwi na din talaga kami. " sabay tingin ko kay Mikko na may pahiwatig na "Um-oO ka na lang Mars."

"Ah-eh oo, tama. Pauwi na kami. Ahm mars, mauna na ako sa'yo nagtext na si boyfie. Jared ikaw na bahala jan at Callie, goodluck ulit sa new job mo." sabay kindat niya sa akin at pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse. Samantala, bakas naman sa mukha ni Jared ang pagtataka dahil sa huling sinabi ni Mikko.

"New job?" tanong ni Jared.

"Sorry di ko na nasabi sayo. Kakaresigned ko lang last week." napansin kong nag iba ang ekspresyon ng mukha niya, yung tipong parang nainis.

O baka guni-guni ko lang yun?

"Well then, since tapos na din naman yung meeting ko sa client ko, sabay na tayo. Ipagdadrive na kita." akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse ko pero pinigilan ko siya.

"No. It's fine. Hassle pa kung babalikan mo pa mamaya yung kotse mo dito kung ihahatid mo ako. Sanay naman akong magdrive ng solo." Wala naman akong ibig sabihin sa huli kong sinabi pero mukhang natamaan ata siya kaya saglit na natahimik.

"Okay then, ingat sa pagdadrive. Medyo gabi na din." sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Sumakay na ako sa kotse habang si Jared eh naiwang nakatanaw sa akin.

Mahigit isang oras din akong na'stuck sa traffic kaya naman ng makarating ako sa unit ko, agad akong nahiga sa kama pagkatapos kong magbihis.

Haay..thank you po Lord! Another blessings na naman ang binigay mo sa'ken.

"Pero mas masaya siguro ako kung kasama ko si Mama at Papa ngayon.." sabi ko sa sarili ko. Naisip kong magbukas ng e-mail ko dahil naalala kong anytime soon nga pala eh magsesend ang D'élégant ng info regarding sa orientation. At di nga ako nagkamali, may unread message nga ako galing sa kumpanya.

Dear Ms. Almonte,

Good day! First of all I would like to congratulate you as one of our newest Marketing Executive here in D'élégant. In behalf of the company, I would like to inform you that the orientation and your first day of work will be on Monday, November 6, 2017. Please go to our HR Department at 6th floor to schedule your introductory seminar with the company as soon as possible. Thank you very much.

Sincerely,

Ms. Kim Mercedes
HR Manager

"This is it Callie." sabi ko sa sarili ko habang nakangiti. Muli kong ipinikit ang mga mata ko habang excited sa kung anong mangyayari sa pagsisimula ko sa D'élégant.

-----------------------------------------------------------
A/N:

Namiss kong mag-update! :O Babawi ako this 2018 haha. HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!! Lovelotssssss :***

-Queen Jae

Fall BackWhere stories live. Discover now