4: new world

4 1 0
                                    

ZERO 4

“Hon ingatan mo ang baby natin huh? Mahal na mahal ko kayong dalawa at lagi mong tandaan mo andito lang ako gagabay sa inyo,” wika ni Ena sa kanyang asawa.

Nakahiga sila sa isang silid na tanging sila lang ang tao. Ang naturang silid ay gawa sa salamin kung saan nakahiga sa magkabilaang higaan ang mag-asawa.

“Enaaa!!!”biglaang hiyaw ni Orez ng unti-unting nawawala sa kanyang paningin ang kanyang asawa. hanggang tuluyang nawala na ito kaya napabalikwas ito sa kanyang higaan. “Enaa huwag mo kaming ewan!!” bigla siyang napahiga dahil sa mga parapanilyang nakalagay sa kanyang katawan.

Sumugod naman ang mga taong nasa labas ng silid na kanina pa nagmamasid sa kanila. Nagwawala na kasi si Orez sa loob kaya pinagtulungan siyang pahigaan ng mga lalaking namamasid sa kanya kanina sa labas. Saka naman siya tinurukan ng isang babae na nakasalamin kadahilanang kumalma na ito.

“Nasaan ang anak ko??”nahihinang tanong ni Orez at pilit pa din itong kumalas.

“Kumalma ka muna Orez, kapag magaling kana saka namin sasagutin lahat ng mga tanong mo. Sa ngayon magpahinga ka na muna,”sagot naman ng naturang babae.

Tuluyan na ngang nakatulog si Orez at lumabas naman lahat ng tao sa loob ng naturang silid. Tumungo naman ang babaeng nakalabgown sa labas ng nursery room.

“Siya ang magiging susi natin para buwagin ang mga Numeros,”sabi ng babae sa isang lalaking lumapit sa kaniya habang tinitignan nito ang anak ni Orez na  mahimbing naman na natutulog.

“Everything went according to our plan,”sabi naman ng naturang lalaki. Nakasuot din ito ng labgown  at nasa 40’s na ang edad nito.

After three days…
Nagising na nga si Orez pagkatapos ng tatlong araw na pahinga niya. Napatingin  naman siya sa katabing higaan kung saan niya nakita ang kanyang asawa.

“It was your subconscious that plays you last time. Andito ka ngayon sa Memoir, ito ang silid kung saan nagiistore ng mga memory natin. It’s a capsule that sealed all your memory from the day you were born either from your conscious mind or subconscious,”pagpapaliwanag naman ng babaeng pumasok sa silid.

Napatingin naman si Orez sa kanya, “nasaan ang mag-ina ko? ano ginawa niyo sa kanila?”

“Wala kaming ginawa sa kanya, kanila, Orez. I’m sorry to say this Orez kayo na lang ng iyong anak ang nailigtas namin. Hindi  na namin naabutan na buhay ang iyong asawa,”sagot ng babae.

“Ang mga Numeros ang gumawa nito, kailangan kong maipaghiganti siya,”pinatatanggal ni Orez ang mga apparatus na nakalagay sa kanyang katawan at  pilit naman siyang pinipigilan ng babae. Kumalma naman si Orez at umiyak na ito.

“Pwede kitang samahan sa nursery room para makita mo ang iyong anak,”sabi ng babae kaya napatingin naman si Orez sa kanya. “But you must assure me na wala kang gagawing masama or else pagsisihan mo ang maaaring gawin namin. Hindi mo kami kalaban Orez, nandito kami para tulungan ka,”babala nito at umiwas na nga ng tingin si Orez.

Tumawag ang naturang babae ng mga kasama nito para tanggalin ang lahat ng mga apparatus na nakalagay sa katawan ni Orez. Tahimik lang si Orez at pagkatapos matanggal ang mga apparatus tinulungan na siyang tumayo ng babae. Tumungo na sila sa nursery room, nakatayo lang sila sa labas habang pinagmamasdan ni Orez ang kanyang anak. Muli namang napaiyak si Orez habang pinagmamasdan ang kanyang nakangiting anak.

“Ipaghihiganti natin ang mama mo Infini, pangako ko ‘yan sayo,”sabi ni Orez habang pinupunasan ang mga luha. “Bakit gusto niyo kaming tulungan? Sino ka? Ano kayo? Nasaan kami?” sunud-sunod na tanong ni Orez sa katabi nito.

“Ang aking ama na magpapaliwanag sayo,”sagot nito. “Let’s go,”nauna na itong umalis at sumunod naman si Orez.

Pumanhik sila sa ikaanim na palapag gamit ang wireless na elevator. Pagdating nila roon pumasok naman sila sa pinakadulong silid at pumasok sila ulit sa isa pang silid at doon bumungad kay Orez ang silid na gawa sa salamin mula kisame hanggang sa sahig nito. Makikita mo ang kalangitan at ang agos ng tubig sa ilalim.

“Welcome to Binary Mr.Orez Eno,”bati sa kanya ng isang lalaki na nakaupo sa isang malaking mesa habang nakatingin sa labas. Hinarap naman nito si Orez na nakatayo katabi ang babae. “I’m pretty sure my daughter Mina has given you a teaser about our plans.”

“Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito? Bakit tinulungan niyo ako?”sunud-sunod na tanong ni Orez sa mag-ama.

Napataas naman ng mga kamay niya ang ginoo para putulin sa pagtatanong si Orez. “Let me answer your questions one by one,”inilagay naman nito ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at humarap sa tanawin sa labas. “We call ourselves Binary, grupo ng mga Numeros na itinapon ng Integers. Tulad mo, nasa lower ranks din kaming lahat at nagnanais ng pantay-pantay na estado,”hinarap nito si Orez. “Kailangan mo kami at kailangan ka din namin para maisakatuparan natin ang iisang layunin na sirain ang mga hayop na integers na iyon.”

“Bakit ako? Ano naman ang maitutulong ko sa inyo?”tanong ulit ni Orez at papalit siya ng tingin sa dalawa.

“Dahil sa anak mo, she’s an infini. Ang pinakamataas na uri ng Numeros sa buong Pi,”sagot ni Mina.

“Ano?! Gagamitin niyo ang walang malay na bata para sa paghihiganti niyo?”napainsultong tawa naman si Orez at nagsmirk sa mag-ama.

“Alam ko na alam mo ang magiging katangian ng iyong anak sa paglaki niya. Alam kong alam mo din kung bakit hinahabol kayo ng mga Integers. Gusto nilang makuha ang iyong anak at gamitin ang kanyang talino. Nandito kami para tulungan ka na protektahan ang iyong anak,”seryosong pagkasabi naman ng ginoo.

“Kaya kong protektahan ang anak ko at hindi ko kailangan ng tulong niyo,”tigang na sabi naman ni Orez at tumalikod na ito.

Hindi pa nakalayo si Orez nang nagsalita ang ginoo. “Paano mo popoprotektahan ang anak mo eh hindi mo nga maprotektahan ang asawa mo? Kung kaya mo nga bakit namatay siya?”

Sa inis at galit ni Orez sa kanyang mga narinig bigla nitong sinugod ang ginoo pero hindi pa siya nakalapit rito ng biglang may hinagis si Mina sa kanya. Biglaan siyang napatumba habang nanginginig dahil sa pagkakuryente at may kung anong mga maliliit na mga samo’t-saring kulay bola ang nakakalat sa buong katawan nito.




Chiaki Note
Its been awhile since i updated this story
Hope you still enjoy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I AM A ZEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon