1: start off

63 2 1
                                    

ZERO-1

"Takbo! Ingatan mo si Nathan!" hiyaw ng lalaking nakatuxedo sa babaeng may karga-kargang sanggol habang nakatago sa likuran ng isang sofa.

"Paano kana?" tanong ng naturang babae.

"Susunod na ako sa inyo. Doon na tayo magkita sa ilalim ng tulay, naghihintay na roon si Jin," sagot naman ng lalaki at bigla itong tumayo para sumugod sa bumabaril sa kanila.


Tumakbo si Orez sa mga bumabaril sa kanila para protektahan ang kaniyang mag-ina na kasalukuyang tumatakas naman. Pinagbabaril niya ang grupo ng mga lalaking nakablack-tuxedo. May biglang sumulpot galing pintuan ng kusina kaya binaril niya ito sa noo. May biglang namang sumulpot sa likuran niya at binaril siya sa balikat.


"Ahh!" napatumba si Orez pero agad naman siyang nakabawi sa bumaril sa kanya ng natamaan niya ito sa dalawang paa at sa noo.


Bumangon agad si Orez at tumakbo palabas ng bahay. Paglabas niya, agad siyang pumasok sa Asetto Corsa niyang kotse. Pinahirit niya ito agad paalis matapos siyang pagbabaril ng mga padating pa niyang mga kalaban.

Samantala humihirit naman si Ena papalayo sa bahay nila matapos siyang patakasin ng kanyang asawa. Patungo siya ngayon sa sinasabing lugar ni Orez sa kanya. Pasulyap-sulyap naman siya sa rear mirror para siguraduhing walang sumusunod sa kanila.


"Shhh...tahan na baby, malapit na tayo," patatahan niya sa anak na umiiyak sa likod ng sasakyan ng hindi inaalis ang pagfocus sa pagdrive.


Matapos ang ilang minuto nakarating na rin ang mag-ina sa ilalim ng tulay kung saan may naghihintay sa kanila na isang kulay asul na Ford GT. Hindi pa siya agad bumaba, pinag-aralan niya muna ang naturang kotse at kung may taong bababa.


"Shit,sumagot ka Orez..." mura nito sa sarili habang binababa ang tawag sa asawa dahil hindi ito sumasagot. Nilingon naman niya ang anak na mahimbing na natutulog. Nagulat naman siya ng may biglang kumakatok sa bintana ng kotse niya. "Dad?!" bigla niyang binuksan ang pintuan at paglabas niya niyakap niya agad ang ama.

"Salamat sa Diyos at ligtasa kayo. Nasaan si Infini?" usisa ng ama niya sa kanya.

"Nasa loob ng kotse," bumalik naman siya agad sa kotse para kunin ang anak.

"Umalis na tayo rito anak bago pa tayo maabutfn," inalalayan naman niya ang anak patungo sa kotse niya.

"Pero dad si Orez hindi pa nakadating. Baka ano na nangyari sa kanya dad..." hindi na niya napigilan ang pag-iyak at pinatatahan naman siya ng ama.

"Ena!" napalingon naman ang dalawa sa pagtawag ni Orez sa kanila.

"Orez!" napahinga naman ng malalim si Ena nang makita ang asawa.


Tumakbo si Orez papalapit sa kanila at niyakap ang mag-ina niya. Nagkaiyakan sila at matapos ang moment na iyon pumasok na sila sa kotse ng kanilang ama. Umalis na din sila agad sa naturang lugar.


"Saan naman tayo magtatago pa," tanong ni Ena sa ama.

"At your uncle Owt rest house," tipid na sagot nito.

"Dad malayo roon sa sibilasyon," paghihimutok naman ni Ena habang pinatutulog ang anak.

"En, mas safe tayo roon," ani Orez.

I AM A ZEROWhere stories live. Discover now