2: The End

20 1 0
                                    

ZERO 2: the end

Bigla niyang iniliko pabalik ang kanyang kotse kaya biglang namang napapreno ang kotseng sumusunod sa kanya.

“You will just waste your fucking time,”ani nito at inistart ang kotse.

Kumiripas na ito ng takbo at sumunod naman ang kotseng humahabol sa kanya. Pagdaan niya ng intersection bigla naman siyang lumiko sa kaliwa at tumigil. Hinintay nito ang sasakyan at pagkakita niya napangiti naman siya sa driver.

“A bunch of idiots,”nakacrook smile niyang sabi kasabay sa pagsabog ng kotse pagkaapak nito sa mga spike na itinapon niya.

Inistart naman niya ulit ang kanyang sasakyan at tinawagan ang kapatid. Pero hindi naman ito sumasagot kaya sinubukan naman niya ulit Tawagan.

“Hino help!! Natunton kami ng mga numerous!! Infini!!” nagulantang naman si Hino sa mga narinig niya sa kabilang linya kaya bigla niyang niloko ang kotse pabalik.

“Ate?! Ate?! Ena?!” paninigaw nito sa kausap pero bigla na lang nawala ang koneksyon niya. “The fuck!”

Mas binilisan na ni Hino ang pagdadrive habang tinatawagan naman ang kanilang ama para tumulong na rin.
Tulad ng sinumbong ni Ena, sinugod nga sila ng mga numerous sa kanilang hide-out at kasalukuyang nakikipaglaban si Orez habang siya naman ay pilit na tumatakas kasama ang anak na natutulog pa din.

“Ahhh!”hiyaw ni Ena at napasapo siya sa kanyang tagiliran pero hindi niya pa rin binibitawan ang kanyang anak. Kahit ganun na ang kanyang sitwasyon nagawa niya pa rin na barilin ang kalaban nito.

“Ena!!”sigaw ni Orez nang makita niya ang asawa na napapaluhod habang hawak-hawak ang kanilang anak at sinasapo nito ang kanyang tagiliran. “AHHH!” pinagsasaksak at binaril na nito ang mga kalaban kahit hindi na niya natatamaan ang iba. “

Agad siyang napasugod sa kanyang asawa, at nagulat  siya ng makita niya ang dumudugong tagiliran nito. Kinuha niya si Infini at kinarga sabay alalay sa asawa na tumayo. Inalalayan na din niya itong lumakad habang patuloy na pinagbabaril ang kanilang mga kalaban na papalapit naman sa kanila. Binuksan niya ang pintuan ng storage nila at doon sila pumasok.

“Si Infini, hon?”nanhihinang tanong ni Ena sa kanya.

“Shhh, huwag kanang magsalita hon, okay lang si Infini. Tumahan na siya sa pag-iyak,”papakampanti naman Orez sa asawa.

Binuksan na nga niya ang isa pang pintuan. Hindi lang ito isang pintuan dahil sa una ay aakalaain mong isang cabinet lang ito pero ito pala ay isang pintuan patungo sa basement. Pagdating nila ng basement agad naman niyang ipinahiga ang asawa sa couch pagkatapos inilapag naman niya ang anak sa katabing upuan. Mabuti naman at tumahan na din ito.
Samantala, kakarating lang ni Heno sa bahay ng kanyang ate at natanaw niya ang mga sasakyan na nakapark sa labas ng bahay. Agad naman niyang binunot ang baril na nakatago sa ilalim ng  upuan ng sasakyan at dahan-dahan na lumabas. Sa likurang bakod na siya umakyat papasok at inaral niya ang paligid hanggang napansin niya ang tatlong numerous na nakahandusay sa kusinang parti ng bahay.

“Hanapin niyo sila! Malamang hindi pa sila nakakalayo!”dinig niyang hiyaw ng isang boses lalaki.

Napatago naman siya sa gilid ng pintuan ng may napansin siyang numerous na dumaan sa loob. Hinablot naman niya ang isang maliit na detector pad sa kanyang bulsa at binuksan ito. Ito ang gadget na ginagamit nila para malaman ang galaw ng mga numerous sa loob ng isang building. Nakita nga niya na may tatlong apat na tao pa sa loob ng bahay pero hindi niya madetect kung nasaan o nandito pa ba ang kanyang kapatid at ang mag-ama nito.
Nagulantang naman si Hino nang bigla siyang nakadinig ng putok ng mga baril kaya napasilip siya at nakita nga niya ang grupo ng kanyang ama na pinatay ang mga kalaban kaya napapasok na rin siya.

“Nasaan ang ate mo?” usisa ng ama nila.

“Hindi sila madetect ng D-pad ko pa,”sagot naman nito. Napatingin naman siya sa isang numerous na may tatak na number 5 sa harapang leeg. Iniscan niya ito gamit ang kanyang D-pad.

Habang abala sila sa pag-determine ng mga suspek abala naman si Orez sa pag-asikaso kanyang mag-ina. Nililinis nito ang sugat ng kanyang asawa habang himbing namang natutulog ang kanilang anak.

“Mukhang tahimik na sa itaas, tignan na natin Orez baka andun na sina papa,”nanhihinang sabi ni Ena sa asawa.

“Shhh,magpahinga kana rito ako na aakyat. Hindi nila tayo makikita rito dahil walang ano mang teknolohiya na makakalocate sa atin dito. I’ll be back,” hinalikan niya ang asawa sa noo at kinuha ang baril niya sa coffee table saka nireload. Kasunod naman niyang hinalikan ang anak bago umalis.

Dahan-dahan na umakyat si Orez patungo sa pintuan ng basement na patungong banyo ng unang palapag. Iyon ang nagsisilbing secret door ng dalawang palapag.

“Taena naman Orez!!”parehong nagulat ang dalawa nang makita nila ang isa’t-isa. Dali-dali namang napasira si Heno ng kanyang patalon. “Nasa labas na sina papa, sina ate?”

“Nasa basement, dali tulungan mo ako nasaksak ang ate mo kanina,”sumbong naman ni Orez at nauna na itong lumabas ng pintuan patungong basement.

“Pa nasa basement sila, sumunod na kayo roon. May tama si ate, kasama ko si Orez,”sumbong naman ni Heno sa kanyang ama nang tinawagan niya ito. Pagkatapos niyang kausapin ang ama sumunod naman siya agad kay Orez.

Pagdating ng dalawa sa basement mahimbing na natutulog si Ena at naglalaro naman si Infini. Dahan-dahan naman na ginising ni Orez ang asawa at binuhat ito saktong pagdating ng ama nito. Si Heno naman ang kumarga kay Infini.

Pagkalipas ng isang linggo…
Hindi pa rin makumpirme sa iisang lugar ang pamilya ni Orez dahil patuloy pa din sila hinahabol ng mga Integers. Ngayon sa bahay naman sila ng matalik na kaibigan ni Heno nakikituloy. Tulad ng nauna nilang tinirhan malayo rin iyo sa Binary at nilimitahan nila ang mga techie na gamit para hindi sila matunton ng mga kalaban.

“Hindi ito ang pinapangarap kong buhay para kay Infini,”sabi ni Ena kay Orez habang tinitignan nila ang anak na mahimbing na nagtutulog.

“I’m sorry Ena, dahil sa akin kaya hindi matahimik ang buhay niyo. Kasalanan ko ito lahat,”hindi na nga napigil ni Orez ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata.

Nakadama naman ng awa si Ena sa asawa kaya niyakap niya ito ng mahigpit. “Shhh, don’t blame yourself Orez. All the things that happen to us have reasons. Kung may sisihin man tayo, iyon ang mga numerous na nagpapabilog sa mga Integers,” sabi nito habang niyayakap ang asawa.

Gumanti rin ng yakap si Orez sa asawa at masaya pa silang nag-uusap hanggang hapo-hapong pumasok si Heno sa silid nila.

“You should pack your things. We have to leave this place, natunton nila tayo. Paparating na sina papa para banggaan sila,”mabilis na sabi ni Heno.

Taranta namang nag-ayos ng mga gamit nila ang mag-asawa. Pinasok ni Ena ang anak sa capsule carrier (isang uri ng carrier na idenisenyo para sa mga bata. Bulletproof ito at soundproof kaya hindi basta-basta magigising ang mga sanggol. Kulay puti ang base habang gawa naman sa makapal na glass ang cover nito at may sariling hangin ito na pinuproduce sa loob kaya hindi sila masusuffocate. Pwede mo siyang masuot na backpack at masuot sa harap o hand-carry lang.) at si Orez naman ay nireload ang lahat ng mga baril nila at binigay ang isang baril sa asawa.

“Bilis!!”hiyaw ni Heno at binitbit na nila ang mga gamit at lumabas ng silid.

“Sandali lang, may naiwan ako…” sabi ni Ena sabay bigay ng capsule carrier sa asawa nito.
“Ingatan mo si Infini,”ngumiti ito sa asawa at dali-daling bumalik sa silid.

“Bilisan mo!”pahabol naman ni Orez.

“Nakuha ko na…”ikinaway nito ang 3mm thick na frame nila kung saan nakalagay ang family picture nilang tatlo.

“ATE!!”

“ENA!!”

“Orez…”

I AM A ZEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon