3:ending-beginning

6 1 0
                                    

ZERO 3: the end-beginning

“Ena!!! Infini!!” biglaang sigaw ni Orez at napabalikwas ito sabay sapo sa kanyang puso.

Napatingin siya sa kanyang paligid. Nasa loob siya ng isang silid na puno ng salamin. Tanging sarili lang niya ang kanyang nakikita. Ang sarili niyang nakahigasandal sa isang higaan, nakasuot siya ng kulay itim na damit at may mga apparatus na nakakabit sa iba’t-ibang kanyang katawan.
Sinubukan niyang tanggalin ang mga ito kahit nagdurugo na ang kanyang katawan at sobrang sakit ang kanyang nararamdaman. Dahan-dahan siyang tumayo at napaikot sa buong silid para hanapin ang pintuan na nakatago sa mga salamin.

“ENA!! INFINI!! NASAAN NA KAYO?!! HENO!”tawag niya sa kanyang pamilya pero walang sumasagot. Dahil nanghihina pa rin siya sa mga sugat na kanyang natamo kaya napagpasyahan niyang sumandal. Hanggang bumukas ang pintuan na nasa tabi niya lang.

“He’s awake,”dinig niyang sabi ng lalaking kakapasok lang.

Agad namang napatayo si Orez kahit sumasakit pa ang mga sugat niya. Napalapit na rin ang naturang lalaki sa kanya.

“Nasaan na ang mag-ina ko? Nasaan ako?! Sino ka?! Sagot!!!”nagagalaiting tanong ni Orez at sinunggaban pa nito ang lalaki sa kuwelyo ng damit nito.

“Welcome to Binary Mr.Orez,” bati sa kanya ng lalaki ng walang kaemosyon-emosyon.

“Binary? Asan si Ena?! Ang mag-ina ko?! ano ginawa niyo sa pamilya ko?!!”nagagalit na tanong ni Orez pero nanatiling walang reaksyon lang ang lalaki.

Hanggang napatingin si Orez sa leeg nito at may nakita siyang barcode na nakatatak. Akmang susuntukin na niya ito pero bigla na lang siya napabitiw sa paghawak sa lalaki. Unti-unting nandilim ang kanyang paningin.
Sa isang silid…

“He is fine now,”sabi ng kakapasok lang na lalaki. Umupo sa tabi ng kausap niyang babae. “Ano ba kailangan mo sa kanya? Sa kanila?”

“They will be our key,”simpleng sagot naman ng babae habang nakatingin sa holographic pad nito. “I knew him since he was young and he don’t deserve what the Integers does to him, to us.”

Kinagabihan…
Samantala sa loob ng silid ni Orez…

“Honey gising kana…Orez?? Orez??”unti-unting napadilat si Orez ng may tumatawag sa kanya at paggising niya.

“Ena!”bigla niyang niyakap ang asawang nakangiti sa kanyang harap. “Thanks God you’re still alive. Nasaan si Infini? Si Hino?”excited na tanong nito ng kumalas siya sa pagyakap.

“Okay lang sila,” tipid na sagot nito.

“Nasaan ba tayo?”tanong nito ulit.

“Ano man mangyari Orez, huwag na huwag kang bibitiw. Lagi mong tandaan, mahal na mahal ko kayo ni Infini,”she give him a kiss.

“Saan ka pupunta? Ena?? Ena?”tawag nito sa asawang tumayo at unti-unting nawawala. “Anong nangyayari?Ena!!” napatingin ito sa damit ng asawa. “Ena, bakit…bakit…hindi! Ena sino bumaril sayo!!”sigaw nito at pilit tinatanggal ang napakanipis na handcuff na nakatali sa mga kamay nito.

“Kumalma ka lang Mr.Orez, everything will be fine!”sabi naman ng isang babaeng nakalabgown. Pilit nitong pinahihiga si Orez katulong ang tatlo pang mga kasama nito.

“Pakawalan niyo ako rito! Nasaan ang mag-ina ko?! anong nangyari sa kanila?!”pilit pa rin nanlaban si Orez.

“Sasagutin namin lahat ng mga tanong mo kapag kumalma ka Mr.Orez! Hindi nakakabuti sa kalagayan mo ang ginagawa mo!!”pananaway naman ng lalaking kausap kanina ni Orez.

Hindi pa rin nakinig si Orez, patuloy pa din ito sa pagkalas sa handcuff na nakatali sa kanyang mga kamay hanggang.

“Ahh!!”napasigaw ang isang lalaki nang biglang hinablot ni Orez ang syringe sa kanya at isinaksak ito ng matanggal nito ang tali.

Hinila niya ang naturang lalaki at biglang hinostage ito sabay tutok ng surgical knife na nakalapag sa mesa. Napataas naman ng dalawang kamay nila ang mga kasama nito.

“Sagutin niyo ang mga tanong ko o papatayin ko ang lalaking ito!!” sigaw ni Orez sa kanila. “Nasaan ang mga kasamahan ko?!”

“We’re here to help you Mr.Orez,”kalmadong sagot naman ng lalaking poker-face ang mukha at may maliit na bagay itong hinagis kay Orez.

Napahiyaw naman si Orez ng bigla siyang nakadama ng kirot sa kanyang balikat kung saan nakabaon ang maliit na sinulid. Bigla naman niyang sinaksak sa leeg ang lalaking ginawa niyang hostage at binatawan niya itong wala nang buhay. Sinugod naman siya ng babae na may hawak-hawak na syringe. Napahawak naman siya sa kamay ng babae at  biglang inikot ito papalapit sa kanyang saka inagaw ang syringe  para isaksak sa naturang babae. Saka naman niya binunot ang sinulid at sumugod sa lalaking poker-face. Sinuntok niya pero nakailag naman ito at sumugod pa si Orez, tadyak, suntok, at sipa pero nakailag pa din ito ng walang kaeffort-effort.

“Fuck! What are you? Who the hell are you?!”singhal ni Orez sa kalaban.

“You have to stop this,”sagot naman ng lalaki habang patuloy pa din sa pag-ilag sa mga saksak ni Orez.

“Got you, nakakapagod diba?”napasmirk si Orez sa kanya.

“Shi-shiiit…”napasapo ito sa kanyang dibdib at napasandal sa pader dahil nanghihina na ito.

Nakahandusay na ang naturang lalaki sa sahig, hinahabol ang kanyang hininga at may mga sinulid na nakabaon sa katawan nito. Paano ito nangyari? Nakuha iyon ni Orez sa bulsa ng damit ng babae kanina. Hindi napanisn ng lalaki na unti-unti na pa lang binabaon ni Orez ang mga sinulid sa katawan nito.

“Fuck you! Why can’t you just answer my questions?!”hiyaw nito sa lalaki.

Habang busy si Orez sa pakikipaglaban sa loob ng white room na iyon. Sa loob naman ng isang black room.

“AP Calculusa we should stop him,”sabi ng lalaking nakabluesuit na katabi ng isang babaeng nakablacksuit naman.

Nakatutok ang atensyon nila sa napakanipis na monitor na nakabalot naman sa buong pader. Pinapanood nila ang pagwawala ni Orez sa loob ng white room.

“I’m still enjoying the show AP Stati but okay, let’s stop him. Since its getting bored,”sagot naman ng naturang babae at tumayo ito.

Bumaba na nga sila sa ikatatlong palapag kung saan si nakalock-up naman si Orez. May mga kasama silang mga nakasuit. Napatigil na lang sila ng makasalubong nila si Orez sa hallway.

“Calm your fucking self or she will die?”bungad ng babae kay Orez kaya napatigil.

Nanlaki ang kanyang mga mata at umakyat ang lahat ng galit niya ng makita niya ang anak na hinahawakan ni AP Calculus ng pabaliktad. Ang mga paa nito ang hinahawakan ng babae habang ang ulo niya ay nasa baba.

“Hayaan mo ang anak ko!”bulyaw ni Orez sa kanya.

“Should I?”and she give him a smirk.

CHAPTER  END…

I AM A ZEROWhere stories live. Discover now