"Sige na. Magpahinga ka na." he then said.

Tumango ako kaya naman tumalikod na rin siya para pumunta sa kwarto niya.

Pipihitin ko na sana ang pintuan ko nang hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin ko.

I turned around and ran to Kairon before he can even touch the knob of his door. I hugged him. I hugged him tight at the back.

"Thank you." I said and cried secretly on his back. "Akala ko galit ka sa'kin. You shouted and called my name."

"I said, 'Stop it. Paige.' not 'Stop it, Paige.' There's a difference. I want the scene to be stopped and then I called you. I did not asked you to stop."

Hinawakan niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya at wala nang mas peperpekto pa sa mga oras na iyon.

Ngayong panibagong araw ay siya na ring huling araw ng School Fair.

Pinuntahan ko si Lia sa canteen dahil nagtext siya na kailangan niya raw ng kaibigan. She's being weird!

"Lia!" tawag ko at mabilis siyang pinuntahan.

Nakapangalumbaba siya sa lamesa at nakatulala.

"Huy!" I even shaked her shoulders.

"Ano ba..." reklamo niya.

"Ano ba kasing problema mo at para kang nagcecelebrate ng araw ng patay diyan?" tanong ko tapos ay naupo na sa tabi niya.

"Oo! Dahil kung sino man 'yong nagpalista ng pangalan ko roon sa Prison Booth na 'yon, paglalamayan siya!" ani Lia.

Halos mabilaukan ako sa narinig.

"Ah, eh... Hehe. Bakit ba? Ano bang nangyari?" halos mapakamot ako ng ulo.

Nagsapakan ba talaga sila ni Kuya Mac at ganito makapagreact itong si Lia? Ako ang kinakabahan, eh!

"Hindi ka ba nasayahan?" tanong ko pa.

Muntik ko nang masabunutan ang sarili. Ano ba namang tanong iyan, Paige? Nakakaloka ka!

Tinakpan ni Lia ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay niya. "Iyon na nga ang problema, Paige. Nasayahan ako!"

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano? Oh my go-"

Napigil ang sigaw ko nang takpan ni Lia ang bibig ko. "Sshh!"

Tumango ako para alisin niya ang kamay niya.

"Nabigla lang ako! Sino bang hindi? Ano ba kasing nangyari?" excited kong tanong.

Kung alam ko lang, nagpatayo na ako ng Prison Booth noon pa lang! Shocks!

"Hindi ko alam. Nahihibang na ata ako." aniya at sumabunot sa sariling buhok. "Bigla bigla na lang nagkaroon ng sparks! Hayop na sparks 'yan!"

Muntik na naman akong mapatili dahil sa kilig!

"OMG!" mahinang sigaw ko. "Lia, magkaka-love life ka na!"

"No way!" bawi naman niya.

Ngiting-ngiti ako habang binubuyo si Lia. "Ano ka ba? Si Kuya Mac... mabait, tahimik, responsable at guwapo pa! Saan ka pa, 'di ba?"

"Argh!" aniya sabay takip sa dalawang tainga.

"Ganyan talaga... Alam mo, hindi sa lahat ng tao mararamdaman mo ang sparks. Tanging sa espesyal na tao lang!" gatong ko pa.

"Hindi pwede 'to. Hindi. Hindi!" aniya habang umiiling pa.

Habang namomoblema ang kaibigan, ako naman ay sektretong natutuwa. My ship is freaking sailing!

Garnet Academy: School of ElitesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora