Chapter 31: Weird

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sab, huwag ka nang magpalusot. Siguro type mo ako – "

"Tama na nga! Ang ingay niyong dalawa! Pagbuhulin ko kaya kayo diyan?!" sigaw ni Zoe sa kanila at saka lumingon sa akin. "Ikaw, 'di ba sabi mo mauuna na kayo?"

Ah, oo nga pala.

Tumango ako at hinila na si Ayu palabas ng greenhouse. Oras na para magreview. Dahil sa History ang next class namin, pinayagan kaming magreview na lang muna sa library para mas makapagfocus.

"Magrereview talaga agad tayo? Hindi ba parang ang aga pa?"

Oo nga naman, Ken. Tsk. Ano, excited lang mag-aral? Nababaliw na ata ako. Kanina pa ako ganito.

"Kasi... para ano... para mas marami tayong mareview. Mas maganda 'yun 'di ba? Kaya tara na. Huwag ka nang magtanong d'yan."

"Ken." tawag sakin ni Ayu habang naglalakad kami papuntang library kaya napalingon naman ako sa kanya. "May girlfriend ka ba ngayon?"

Napahinto ako sa naging tanong niya. Ano raw? "Ha?"

"Sabi ko... may girlfriend ka ba ngayon? After nang nalaman k okay Ice, nacurious lang ako. Isa pa, marami ka ng alam sa akin kaya dapat alam ko rin ang nangyayari sa buhay mo. Partners pa man din tayo."

Ah. Ayun naman pala. Naglakad na ulit ako at sumabay naman sya. "Wala akong girlfriend."

"Pero may gusto ka?"

"Gusto? Hmm. Meron ata."



***

Ayu's Point of View

Napahinto ako sa naging sagot ni Ken. Hindi ko alam kung bakit.

Huminto rin naman siya nang mapansin na hindi na niya ako kasabay at saka ako tinanong kung bakit bigla na lang akong huminto.

"Akala ko may naapakan akong something," pagpapalusot ko sa kanya. "Tuloy mo na sinasabi mo. Bakit parang hindi ka sigurado?"

"Mali pala. Gusto ko siya kaya lang hindi ko alam kung sino siya," tuloy niya sa kwento.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang magulo. "Paano nangyari 'yun? Hindi mo kilala 'yung taong gusto mo?"

Tumango siya at ngumiti, "Her voice. Ayun lang ang pinanghahawakan ko. One time kasi nakarinig ako ng boses ng babaeng kumakanta. Since narinig ko ang boses niya lagi ko na siyang naiisip. Lagi ko na rin naririnig 'yung boses kahit wala naman talaga."

"Sinubukan mo bang hanapin kung sino man may ari ng boses na 'yun?"

"Hindi. Hindi ko alam kung paano, e. Saka naniniwala naman ako na gagawa ng paraan ang destiny para magkita kami."

"Ang swerte naman ng babaeng yun," bulong ko.

"Ha?"

"Ha? Wala. Sabi ko ang baduy mo. Destiny ka dyan," pagpapalusot ko saka siya tinawanan.

Sinamaan niya ako ng tingin sa naging sagot ko at saka ako kiniliti. Tinigil lang niya 'yun nang halos mahiga na ako para lang makatakas sa pangigiliti niya.

Pagkatapos nu'n ay tinuloy lang namin ang kwentuhan habang papunta sa library.

Hay. Ano na ba 'tong nararamdaman ko? Kanina lang nang nalaman at naamin ko sa sarili ko na may kaunting paghanga ako kay Ken. Crush lang naman 'yun, e. Kaya dapat wala akong pakialam kung may gusto siyang iba. Pero bakit parang may mali sa nararamdaman ko? Bakit parang...

Ah, ewan! Hindi ko na alam.



***

"Tara. Meryenda muna tayo," aya sa akin ni Ken. Break muna sa review.

Nagpunta ako sa may garden ng school habang bumibili si Ken ng makakain namin. Naisipan din namin na dito na lang ituloy ang pagrereview since may klase pa ang karamihan ng mga estudyante kaya hindi rin kami madidistract.

Nagbabasa ako habang hinihintay si Ken nang sa peripheral view ko ay napansin kong may papalapit. Si Ken na malamang 'to kaya tumayo agad ako at humarap sa kanya. "Ang tagal mo naman. Kanina pa ako nagugutom – " Oops. Hindi pala siya. "Sorry, I thought ikaw 'yung kaibigan ko."

Nginitian niya ako at lumapit sa akin. "Okay lang. Uhm, pwede bang magtanong?"

"Sure."

"Saan 'yung room ng 3A?" Ah. Ayun lang pala. Tinuro ko sa kanya kung paano makapunta sa 3A.

Napansin ko na may dala siyang bulaklak kaya umandar ang pagiging usisera ko. "Kuya, pwede magtanong?" Nang tumango siya ay sinamantala ko na. "Bakit niyo hinahanap ang 3A? May girlfriend ka du'n, ano?" tukso ko sa kanya at tinuro 'yung hawak niyang bulaklak. Ang feeling close ko.

Namula 'yung tenga ng lalaki at napahawak sa batok niya, "Oo." Yii! Dinadalaw pa niya 'yung girlfriend niya. Sinadya pa niya sa school puntahan. Ang sweet lang.

Tinutukso ko pa rin ang lalaki at ang nakakatuwa ay sumasabay naman siya sa panunukso ko. Nagkakatuwaan pa kami nang malingon ako sa likod niya at nakita ko si Ken na papalapit.

"Uy Ken – "

"Review na tayo," sabi niya at nilapag lang 'yung pagkain sa lamesa sabay upo at binuklat na 'yung libro.

Nagkatinginan lang kami ng lalaki nu'n. Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Sorry, kuya. Masungit talaga 'yan minsan. Sinungitan din ako niyan noong una kaming nagmeet." Natawa naman ng mahina ang lalaki dahil sa sinabi ko.

"Magbubulungan lang ba kayo d'yan?" tanong ni Ken.

"Sige na, kuya. Review na ulit ako. Babye!" kaway ko sa kanya.

"Bye! Thanks again," sabi ng lalaki at umalis na.

Umupo naman na ako sa tabi ni Ken at kinuha ang pagkain ko saka nagbuklat ng libro. Napansin ko naman na hindi niya pinapakialaman ang pagkain niya kaya inilapit ko 'yun sa kanya. Kaya lang ay hindi pa rin niya 'yun pinansin.

"Hindi ka kakain?" tanong ko pa. Kaya lang wala... hindi pa rin ako pinapansin. Anong trip nito?

Isang oras na kami dito pero hindi pa rin siya nagsasalita. Sobrang tutok pa rin sa binabasa niya. Ano kayang nangyari sa kanya? Ah, teka. Baka may nangyari kanina nu'ng bumibili siya?

Tatanungin ko na nga. Masyado ng nakakabingi katahimikan.

"Ken – Uy, kuya!" Hindi ko natuloy ang sasabihin k okay Ken kasi nakita ko 'yung lalaking nagtanong kanina.

"Hello!" sigaw ni kuya at kumaway. Medyo malayo kasi kami sa isa't isa.

Nakita ko naman na may kasama siyang babae kaya sumigaw ulit ako, "Siya ba 'yun?"

Nagthumbs up siya saka ngumiti, "Oo! Siya 'yung girlfriend ko!" Kumaway din ang babae sa akin at nagpaalam na aalis na sila.

Napalingon naman ako kay Ken para ituloy ang sinasabi ko kanina pero nang tingnan ko siya at nakatingin na siya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

Kumurap-kurap naman siya at umiling. "Huh? Wala. Ang ingay mo. Sigaw ka nang sigaw. Parang tatlong taon kang hindi nakapagsalita kung makasigaw ka."

"Psh. Parang ganu'n na nga. Ang tahimik mo kasi. Kaya feeling ko tatlong taon na akong hindi nakapagsalita. At buti naman nagsasalita ka na. Ano bang problema mo kanina?"

"Wala naman," kibit balikat niya. "Stress lang siguro sa pag-aaral. Sige. Kainin ko lang 'tong pagkain ko."

Weird din 'tong lalaking 'to e. Sala sa init, sala sa lamig. Kanina nagsusungit tapos biglang tatawa na lang ngayon.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon