Chapter 56 - Friends? (November 15, 2018)

Start from the beginning
                                    

Maya-maya, bago matapos ang pelikula, kinuha ni Riley ang ballpen niya.

"Oh?"

"Uhm." Riley played with the pen. "Gusto ko lang sabihin na, sorry talaga. Miala."

Nagulat si Mia sa bigla nitong pagsasalita. Mahina lang ito para hindi marinig ng mga ibang estudyanteng nagkalat sa palagid pero dinig na dinig niya.

"Ano ka ba. Sorry din." Nahihiyang sagot ni Mia. Sa dami ng nasa utak niya, ayun lang din ang nasabi niya.

"'Di kasi ako dapat nagsalita ng ganun. Believe me. Nagtampo lang ako. Pero kung hindi man tayo bestfriend. Okay lang. Maybe the time will come that you'll be ready to trust me with everything. At habang hindi pa nangyayari 'yun, nandito lang ako. Kaya sana, magkaibigan pa rin tayo.

"Riley." Napayuko siya sa manggas nito dahil unti-unti na siyang naluluha. "I'm so sorry talaga."

"Shhh."

Pero nagkataon din na nagiiyakan na ang ibang mga estudyante dahil dumating na sa punto na kailangan ng patayin ni Travis, 'yung lalaking bida, ang alaga niyang si Old Yeller. Mabuti na rin ito para malayang makaiyak si Mia sa balikat ni Riley.

"I just don't want to show you my misery tendencies. Kasi, kapag nandiyan ka, I'm not the wasted person I've been."

"Hindi ka wasted Mia."

"I am, Ry. Sobrang basura ko kasi 'nun. Kaya nung nakilala kita, hindi naman sa itinatago ko sa'yo 'yun, pero tinuring mo kasi akong normal lang. Masaya lang. Hindi ko alam na hindi na pala ako nagiging totoo. Kaya sorry. But believe me, ikaw naman ang pinakamalapit sa'kin na kaibigan. Ikaw lang din naman. Kaya pasensya na kung may mga nangyayaring ganito."

"Ano ka ba. Okay lang din. Kung hindi pala tayo friends, at least pwede kitang taluhin. Pwede kitang ligawan." Tumatawa-tawa si Riley.

"Baliw ka talaga." Niyakap ni Miala ang braso nito. At napansin niyang nabasa na nga talaga ang manggas nito. "Hala sorry."

"Okay lang."

Saktong natapos na ang pelikula at sinagutan na lang ni Riley ang pinakahuling tanong sa exercise sheet nila about rabies, euthanasia, and the importance of killing Old Yeller, not just because of the prevention of rabies spread, but also to stop his sufferings.

Natapos ang klase at niyaya ni Riley si Mia na kumain, almost like they are back to their old buddy selves. Habang nakapila sila sa bilihan ng grilled cheese , napansin nila ang nagkukumpulang mga estudyante sa harap nila na hind pa umuurong.

"Excuse me, umandar na po 'yung pila." Sabi ni Miala sa mga ito pero hindi niya naiwasang makita ang pinapanood ng mga ito. Si Lenard at si Gracy.

Pagkatapos umurong ng mga nasa harap nila, nilabas din ni Miala ang phone niya para panoorin ito dahil mukhang pinagtatawanan ng mga nasa harap nila ang pinapanood. In a mocking way.

"Anong nangyayari?"

"Hindi mo pa ba alam?"

Tumingin si Mia kay Riley.

"Ano bang meron?"

"Nakipag-break kasi si Lenard kay Gracylove live. Sa fblive." Sagot ni Riley bago pa man magplay ang video na nahanap niya.

"Huh?" Ramdam niya ang pagva-viral ng video na ito dahil alam niya namang medyo sikat si Graciella sa online world. At para ma-breakan ang napaganda at napakaperpektong babang ito. Lalong lalo na live online. In her natural habitat.

Hindi niya alam but she also felt slightly responsible of it dahil isa rin naman siya sa mga nagsasabi kay Lenard para gawin ito.

"Hindi ko naman alam na gagawin niya ito sa interview. Na live pa." Mia facepalmed.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now