Chapter 56 - Friends? (November 15, 2018)

Start from the beginning
                                    

"Basahin niyo muna 'yung mga tanong tapos kapag okay na, sumunod kayo sa'kin."

Nang simulan nila Miala at Riley, halos magkauntugan sila as they look at the questionnaire.

"Aw." Sinapo ni Miala ang ulo.

"Sorry."

"Hindi. Sorry."

"No, Mia. Sorry talaga ah."

Dahil dito they inevitably looked at each other. At parang biglang napasok.

"U-uhm." Namula ang mukha ni Miala.

Natawa naman si Riley. At least this breaks the ice for them.

Nagtawag naman ang prof for all of them to follow her kaya hindi na ulit nakapagpalitan ng salita si Mia at Riley.

Paglabas nila, the class are all surprised to see na dinala sila sa little amphitheater ng university kung saan may nagpe-play na projection. Malinaw ang projection kahit na maliwanag. They finally realized na my papanoorin sila together with the other classes of animal science majors and vet med students.

"We'll watch Old Yeller. Siguro napanood niyo na lahat ng dog movies pero ito talaga 'yung pinaka-classic sa lahat. 1957 pa 'to, based sa Newberry Honor-winning book tungkol sa isang batang lalaki at isang stray dog situated in post-Civil War in Texas." Sabi ng professor nila Mia as they stopped near the entrance. "Pwedeng hindi niyo muna sagutan ang activity, pero may tanong sa pinakadulo binigay ko sa inyo na ang sagot ay mapapanood niyo sa pelikula. Kaya make sure to discuss it with your partners. You can submit your works on our next class."

"Ay, 'di ko alam na art class na pala 'tong VPAR 131." Sabi ng isa sa klase na 'di makapaniwalang may pa-film review si prof.

Pero may mga iba naman na natuwa. At least they're not dealing with parasites this time. Makakapagrelax-relax sila sa subject na ito, at hindi na puro laboratory at pagkakabisa. Pero iba kay Miala.

"Ano ba 'yan." Miala whispered as she pouted. Hindi niya pa napanood ito, pero in general, ayaw niya kasi ng nanonood ng mga animal movies dahil alam niyang paiiyakin lang siya nito.

Alam din ito Riley kaya niyaya niya na lang ito na maupo sa medyo malayo.

"Huwag ka na lang masyado manood. Lalo na 'yung sa dulo." Riley suggested. "Ako na lang 'yung manonood, kung ano man 'yung tanong."

"Napanood mo na 'yang Old Yeller?"

"'Di pa rin." Natatawang sagot ni Riley at napakamot.

"Nye."

"Nabasa ko lang kanina sa wiki. Makakagat daw ng rabid wolf si Old Yeller— 'yun 'yung pangalan 'nung aso hence the title— eh since 1950s pa 'to wala pa yatang anti-rabies noon. So inobserbahan lang nila 'yung aso. Until he succumbed to rabies. So they had to put them down. By shooting."

Hinampas ni Miala si Riley sa braso.

"Bakit? Papanoorin mo ba?"

"Hindi. Pero kasi. Ayoko naman din maspoil. Ayoko talaga malaman."

"'Di naman totoo 'yung film. 'Di naman namatay 'yung aso."

"Kahit na."

"Magsagot ka na lang diyan, habang ako 'yung nanonood para sa last question. Okay?"

"O-okay."

Umupo sila sa gilid ng amphi at nilabas binuksan ulit ni Miala ang libro niya habang naghahanap ng sagot. Nagsimula ang filmshowing at ayaw talaga tumingin ni Mia sa projection sa harap nila.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now