Kabanata 20

30.5K 1.1K 221
                                    

Seesaw



Kusang gumagalaw ang aking kamay sa ibabaw ng blankong papel. I didn't use anything except for my charcoal pencil. Hindi naman ako madiin kapag gumuguhit. Kahit sa pag-sketch ng shadows wherein darker shades are needed, magaan pa rin ang kamay ko.


My left hand was thinking on its own. For the past three years I let it think for me. Gumagana lang ang utak ko kapag napapansin na nagiging dominante ang kaputian ng papel. I don't like that at all. I want it grayscale as always and with intense shades of black.


Today is the end of the semester. Ito rin ang huling artwork na pinagawa ng propesor. Nasa harap namin ang subject – isang Latina na nakaupo sa kama at ang tanging saplot lang ay ang puting kumot. The white sheets only covered her from waist down kaya hantad ang kanyang dibdib. Even if she's exposed, she was still smiling the entire time.


Noong unang taon ko sa unibersidad, hindi ko nagagawa ang ganitong visual activity. I felt totally uncomfortable. Hanggang sa nasanay nalang ang mga mata ko. Hanggang sa na-adapt ko ang lifestyle ng isang banyagang bansa.


I was done with all the details of her body kaya ginagawan ko nalang ng shadow para mas maging realistic. Like what I did before, I trust my left hand to do all the work.


"I like how you do your shading Miss Valenzuela, but I want it lighter this time. The subject looks happy. Yours looked like a girl in pain, it's almost as if she was sexually abused." Usal ng Briton kong propesor. He's in mid-thirties and very strict.


Hindi ko nalang siya kinibo. This is what I want my sketch would be. Panay ang ikot niya habang binubusisi ang gawa ng bawat estudyante. Dalawampu kami sa loob ng silid, iba-iba ang lahi at kulturang pinanggalingan. Karamihan sa kanila ay puti, iyong iba ay mga Latino at dalawa lang kami from Asian countries. We all have our different styles when it comes to sketching and I liked it that way.


At first I thought that college life will make things worse for me. Pero kaya ko naman pala, binuhos ko ang lahat sa pag-aaral. Pinili ko ang kursong Fine Arts dahil alam kong mas mae-express ko ang aking sarili sa pamamagitan ng sining.


Pagkatapos ng halos isang oras, we left our sketchpads inside the room. Our professor did a short message and he also congratulated us for passing another school year. Nagpalakpakan sila habang ako'y nanatiling nakapangalumbaba.


Bago umuwi ay kinuha ko muna ang mga gamit ko sa loob ng locker. Nagkukumpulan na ang iba at abala sa pagpa-plano ng kanilang bakasyon. Ako lang ata ang Pilipino dito. Wala akong makausap na marunong din mag-tagalog.


Mas mabuti na ang ganon. I don't like having friends around anyway. Hindi rin naman ako makabuo ng conversation sa kanila. I became a hermit at school wearing an ordinary face every day. Kung sa Pilipinas, malamang naging bulung-bulungan na ako ng mga tao. O kaya naman pagtatawanan ako. But here, they accepted my weirdness.


Pagkasara ko ng locker ay biglang sumulpot ang isa kong kaklase.

"Hi Elise!"

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now