Kabanata 05

24.1K 1K 186
                                    

Be Strong



It took me two hours para lang matapos pag-aralan ang iilang pages ng dalawang libro. Isang himala ito. Usually hindi nakakatagal ang utak ko sa isang oras palang kaya ngayon ay sumasakit na ang ulo ko. Damn, I feel so dumb!


Buti nalang at pinayagan ako ni ma'am Barloza na dalhin ang mga natitirang aklat para sa bahay ko nalang pag-aralan. Na-summarized ko naman sa notes ko ang dalawa kaya madali nalang ang pag-review.


Saktong alas sais na kaya dumiretso na ako sa auditorium para puntahan ang mga kaibigan ko. Kailangan ko ring humingi kay Myrtle ng gamot para sa sakit ng ulo.


Bago ko pa man mabuksan ang isa sa pinto ng double door ay iniluwa na nito ang mga kaklase ko pati na rin sina Lance, Shawn, Stella, Trisha, Luke, at Paige. Huling lumabas si ma'am Dolores at siya na ang nag-lock ng pinto.


Nakatingin sina Stella sa akin habang nakangisi. Alam kong ako lagi ang punterya ng grupo niya kaya nasanay na ako. Dumiretso nalang ako kay ma'am Dolores.


"Umuwi na po ba sina Myrtle?"


"Oo hindi ba nag-paalam sayo? Meron daw emergency sa bahay nila kaya nauna na ang dalawa." Paliwanag nito.


Napahawak ako sa batok. They were right, I really need a phone.

"Uh hindi po."


"Pa'no ka? Sinong kasama mo?" Nag-aalalang tanong ni ma'am.

Nagsi-uwian na rin ang mga kaklase ko. Sino nga ba'ng kasama ko?


"Babalikan po ako ni Jonas." I'm not sure if he will, I'm just hoping.


"O sige mauna na ako sayo, mag-iingat ka. Bukas huwag ka na munang pumunta sa practice, sinabihan na ako ni ma'am Barloza about sa exam mo." Bilin pa nito bago tuluyang umalis.


Great, mas lalo akong na-pressure. Wala na ngang tulugan 'to.


Naglakad na ako papalabas ng campus. Nadaanan ko pa sina Shawn na papasakay ng kotse kasama sina Stella, Luke at Trisha. Binosenahan pa ako ng mga gago just to make fun of me bago tuluyang umalis. I even heard them laugh at my reaction.


Hindi na ako nagsalita. Dumiretso nalang ako sa waiting shed at doon naghintay, nagbabaka-sakaling balikan ako ni Jonas.


"Why are you here?"


Napamura ako dala ng gulat! I'm not alone, nandito rin pala ang leader ng grupo. Sa sobrang inis ko kanina ay hindi ko siya napansin.


Bago pa man ako makasagot ay may kotse nang pumarada sa harap namin.

"Paige, get in." Sabi ni kuya Mos. "O Elise, it's getting late, may sundo ka ba?"

Pumasok na sa may front seat si Paige at abala na ito sa cellphone niya.


"Uh, hindi ko po alam kong dadating eh pero maghihintay pa rin ako." Sagot ko.

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now