Kabanata 04

26.3K 1.1K 303
                                    

Page 51



"Elise, sabi ni ma'am Dolores pati daw 'yong sa lightings tayo ang mag-aayos." May himig-reklamong usal ni Myrtle habang nag-gugupit ng hugis-bituin sa kulay dilaw na cartolina. Kasama niya ang dalawang grade 9 students na sina Skye at Emme.


May sariling silid ang art department at doon kami gumagawa ng props na gagamitin para sa stage play. Ilang araw na rin namin 'tong inaasikaso at medyo behind the schedule na kami.


"Ha? Eh diba dapat sila na no'n? Ang dami pa nitong tatapusin kasi ise-setup na 'to sa stage mamaya" Untag ko naman habang nakatayo sa platform ladder at pini-pinturahan ang balkonahe ng Capulets para sa play na Romeo and Juliet.


Hindi pa namin mailipat ang mga ito sa school auditorium dahil mayroong event kahapon.


"Part pa daw kasi ng art 'yon, pangit daw ang play kapag walang maayos na lighting effects." Sagot ni Myrtle na binubudburan ng glitters ang natapos gupitan.


Napansin ko naman ang presensya ni Jonas sa hamba ng pintuan na kararating lang.


"Pwede na nating ilipat sa auditorium, do'n nalang daw tayo magkalat." Aniya na may hawak na cellphone.


Minadali na ng tatlo ang pag-gupit sa mga natitira pang dekorasyon habang hinihintay pa naming matuyo ang pintura. Limang miyembro lang naman kami sa art club kaya kami na mismo ang nagtulung-tulong na mailipat ang mga ito.


Hindi pa rin humuhupa ang pang-aasar ng mga tao sa pagiging homosexual ko kaya habang naglalakad kami sa hallway ay sa akin pa rin sila nakatingin. Hindi ko nalang sila pinapansin dahil alam kong lilipas din ito.


"I don't get it El," sabi ni Myrtle, "They don't even have any evidence about your preference, ni-hindi ka pa nga nagkakaroon ng girlfriend so bakit mainit ka pa rin sa tao?"


"Kung sino man ang nagkalat ng news, whoever that person was, he or she must be very influential." Dagdag naman ni Jonas.


Nai-kwento ko sa kanila ang pagsasagutan namin ni Paige. They were also hesitant sa sinabi nito na hindi siya ang may gawa no'n.



Pagdating sa auditorium ay sakto namang nagpa-praktis para sa play. Inilatag muna namin ang props sa may gilid para hindi ma-abala ang pag-e-ensayo.


Romeo and Juliet wasn't unusual dahil halos lahat ng mga nag-daang estudyante ay dumaan din sa play na ito, pero hindi pa rin biro ang mga linya na kailangang sauladuhin.



"Give me my Romeo.

And when I shall die,

Take him and cut him out in little stars,

And he will make the face of heaven so fine

That all the world will be in love with night."

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now