Kabanata 14

24.9K 1K 241
                                    

Feelings for my Bestfriend



"Why didn't you tell me?" may diin sa boses niya.


Napahinga ako ng malalim at pinipilit ang aking sistema na kumalma. "I was about to, pero gusto kong ayusin muna ang sitwasyon ko ngayon bago ko ipaliwanag sayo."


"What about your situation there? Where are you?"


I don't wanna keep secrets from her.


"Nasa Ramontes ako ngayon, sa bahay ng mama at papa ni Miss Monique. I'll explain to you as soon as I get back."


Natahimik siya ng ilang segundo bago sumagot. "You called your mom...by her first name?"


I knew she's going to say that.


"Hindi lang ako sanay Paige, please try to understand. Naninibago pa ako sa sitwasyon. Parang isang araw lang I was just with tita and then the next day she showed up right in front of me, I barely knew her and I'm still trying to."


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I'm sorry."


Napangiti ako. "It's okay... I missed you." Ayan na naman ang bunganga ko.


"I missed you too." Namula ang pisngi ko sa sagot niya.


"Babawi ako sayo Paige, promise." Nakatatak na 'yan sa utak ko.


"I'd love that, so I guess, I'll see you soon?" Nahalinhinan ko ang lungkot sa kanyang boses.


"Very soon." I assure her.


Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Paige ay pumasok sa silid si Miss Monique.


"They're on their way here." Aniya. "Magpahinga ka na muna at gigisingin nalang kita mamaya." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko 'tsaka dinampian ng halik.


"I can't wait to tell the world that you're my daughter."


I don't know if I should be happy about this. My father once told me that if I ever meet my mother, I should love her the same way as I did to him. Hindi naman mahirap mahalin si Miss Monique. Ako lang ang naglilimita sa sarili ko dahil ayaw kong mahalin siya katulad ng pagmamahal ko kay papa. I knew it's wrong to say this but for me, they shouldn't be equal.



Nagising nalang ako ng alas singko at naabutan ko pa ang katulong na abala sa pag-aayos ng dress na nakasabit sa may cabinet.


"Gising na ho pala kayo ma'am, saglit lang po at tatawagin ko ang mommy mo."


Hindi pa rin talaga ako sanay sa pagtawag niyang ma'am. Mas lalong hindi rin sanay ang tenga ko sa salitang mommy.


Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now