Kabanata 02

28.3K 1.1K 444
                                    

Cake



My day had been one hell of a nightmare!

Hindi dahil sa hindi ko nasagutan ang math equation kanina o dahil hindi ako naka-recite kung ano ang pen name ni Rizal sa La Solidaridad, it wasn't really a big deal even to my teachers since I flunked almost all of my subjects anyway, but what really made my day dreadful was the fact that Paige had been bugging me all day!

"Elise kumalma ka nga!" Pagpipigil ni Myrtle sabay lapag ng tray sa lunch table namin.



"Pa'no ako kakalma? Sumusobra na ang babaeng yan!" Bulyaw ko habang nagsusuklay.

Pinitik ba naman ang bubble gum sa buhok ko!

Buti nalang may dalang baby oil itong kaibigan ko kung hindi baka magpa-gupit ako ng wala sa oras. Kakapa-trim ko lang last week tapos ano, papagupit na naman?


"Kumain ka nalang nga dyan, maayos naman na buhok mo eh tama na yang kakasuklay at napupunta na dito sa pagkain ko." Kinuha niya ang suklay sa kamay ko.


Napahinga muna ako ng malalim bago kunin ang dala kong baon.

"Sayo na to" I gave her the sandwich that was meant for someone. "Wait here I'll go and buy us drinks."

While walking towards the counter, nakita ko ulit si Via na naka-upo sa usual table nila. Kasama rin sa circle of friends niya sina Shawn, Trisha with her boyfriend Luke, Margaux, Stella, and of course ang nagre-reyna-reynahan sa campus.

They are making fun of something – I mean someone while eating their lunches. Nagbabatuhan din ng fries kapag napipikon ang isa. I wish I could rip off their mocking faces, well except for Via of course.


"Dalawang orange juice po." Sabi ko sa ginang. While waiting for my order napansin ko ang pagdating ng kapatid ni Paige na si Mostyn. Isang taon din ang age gap nila pero dahil pasaway ay naging kaklase niya ang bunsong kapatid na si Paige.


That's probably the reason why Paige acts like she's the superior to everyone, takot din kasi ang lahat sa kuya niya. Alam kong mabait naman si Mos despite of his feisty look, but when it comes to his spoiled brat sister, Mos is very protective.


Nang makuha ko na ang order ay bumalik agad ako sa table namin.

Napansin kong naka-upo na rin doon ang isa ko pang kaibigan na si Jonas. He's the smartest person I know, siya rin ang madalas ma-bully.

"Ba't late ka?" I asked him while peeling off the foil on my sandwich.


"May pina-install kasi si ma'am Barloza sa computer niya." Sagot nito.

I could say that I am luckier than him kasi isang grupo ang kumukutya sa kanya, whereas for me, there's only one person.

Speaking of the devil, she's walking towards our direction. Myrtle and Jonas instantly lowered their faces, I'm not gonna do that, hindi ako magpapatinag sa babaeng 'to.

"Hey there losers," she says, mala-dyosa pang umupo sa ibabaw ng table namin.


"Bakit ka nandito?" I asked with sarcasm, akala niya siya lang ang marunong, I could raise my eyebrow too.

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now