Flame and Ice: The Twin of Chaos
Lhenzified©2014Chapter Forty (Part 1)//
Flame's POV
Sabado ng hapon at nakatayo ako ngayon sa harap ng sofa na nakakunot ang noo habang nakatingin sa limang damit na pinagpipilian kong suotin. Sa totoo niyan eh, 30 minutes na akong nakatayo dito at wala parin akong mapili na isusuot para sa dinner na pupuntahan ko kasama ang pamilya ni Frail.
Naisipan kong tawagan si Aira baka may masuggest siya. Kung naaalala nyo pa, si Aira ang president ng photography club at hindi ko din alam kung bakit siya ang naisipan kong tawagan sa limang contacts sa phone ko. Tama. Lima lang yung taong nasa contacts ko - Mom, Dad, Ice, Frail at si Aira.
Matapos ang ilang ring ay sinagot niya eto. "Flame!" Nilayo ko kaagad ang aking phone sa aking tenga dahil sumigaw siya na halos biyakin neto ang aking eardrum. Super-hearing ability flaw. "Bakit ka tumawag? Sobrang himala na tinawagan mo ako!" Hindi ko na nilapit ang aking phone sa aking tenga dahil kahit hindi na siya nakasigaw ay malakas parin ang kanyang boses. Mahirap ng masira ang aking eardrum.
"Ahh..... Kailangan ko sana ng tulong mo." Sabi ko na parang nag-aalangan na siya ang tinawagan ko.
"Anong tulong naman iyon at ako ang naisipan mong tawagan? Andyan naman si Frail ah. Uyyyy." Sabi ko na eh, aasarin lang ako netong si Ms. President eh.
"Eh kasi hindi pwede sa kanya."
"Bakit naman?" Tanong niya sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay nakalayo parin ang phone ko sa aking tenga pero naririnig ko parin siya ng maayos. Huh, super-hearing ability perk.
"Kasi..." Napatigil ako at inisip ko kung paano ko eto sasabihin sa kanya na hindi siya mang-aasar ulit.
"Kasi?" Paghintay niya ng sagot.
"May pupuntahan kasi akong family dinner. Anong magandang suotin?"
"Yun yung problem mo?" Bakas sa kanyang boses ang pagkagulat.
"Oo. Hindi naman kasi yung sa aming family dinner yung pupuntahan ko eh.", pagpapaliwanag ko.
"Ahhh. Let me guess, sa family ni Frailey nuh?" At sa tono ng kanyang boses ay bakas ang pang-aasar. Nanaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/5179762-288-k876356.jpg)
YOU ARE READING
Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENG
FantasyUPDATES : EVERY SUN "Flame and Ice are twins who lives an ordinary life until they discovered their true fate. The destiny that was written to them. Will they follow what is meant for them? Or choose the life they are used to? Change is everything a...