Four]

1.9K 39 3
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013 

Chapter Four//


Ice's POV

"Kuya! Gising na!"

Eto na naman kami sa gisingan. Kahit kelan talaga eh tamad bumangon etong pangit na'to. Haaay.

Pero kahit anong yugyog ko ay hindi siya gumagalaw?! OMG!

"Uwaaaaa! Kuyaaaaa! Ajujujuju. Kuyaaaaaa!"

 

"Ano ba! Ang ingay mo! Natutulog yung tao eh." Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang nagising. Kinabahan ako dun ah.

"Akala ko kasi patay ka na kasi di ka na gumagalaw >.< "

 

"Ewan ko sa'yo." Sabay higa niya ulit at nagtalukbong na sya ng kumot.

"Kuya, may pasok pa tayo eh."

 

"Ayoko pumasok."

 

"Eh? Bakit naman kuya?"

Hindi lang siya umimik.

"Kuya!!!" Sabay yugyog sa kanya, pero ngayon, mas malakas na.

"Ano ba! Bumaba ka na nga dun. Ayoko pumasok."

 

"Eh, anong sasabihin ko kay Dad kung bakit ka hindi papasok?"

 

"Bahala ka na. Sabihin mo masakit ulo ko. Magimbento ka. Magaling ka naman pagdating dun eh."

Biglang may kumatok sa pinto at binuksan kaagad. Hindi kasi kami naglalock ng kwarto eh.

"Dad?"

Biglang napatayo si kuya sa narinig niya. Lumapit si Dad sa amin.

"Ahm, una ka na Ice. Kausapin ko lang etong kapatid mo." sabi ni Dad sa akin.

"Ah o sige Dad."

Lumabas na ako at sinarado na ang pinto pero syempre dahil sa may lahi akong chismoso, makikinig ako sa usapan nila. Kumuha ako ng baso tapos itinapat ang bunganga neto sa pintuan at itinapat ko ang tenga ko sa pwet ng baso.

"Narinig kong nahuli ka daw na natutulog sa klase anak. Anong problema?"

 

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon