Ten]

1.5K 37 6
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013

Chapter Ten//

Ice's POV

Natatakot na ako sa dalawang lalaking nagbabantay sa akin. Bukod kasi sa nakatali ako sa isang silya sa gitna ng isang kwartong mabaho at madilim, na ang tanging ilaw lang na namamayagpag sa loob ay ang isang kandila na nasa tabi ng kidnaper na nakaupo sa upuan malapit sa pinto. Nakakatakot pa ang mga eto dahil may kanya-kanya silang hawak na isang shotgun.

Kinidnap ako ng mga taong eto dahil sa gagawin daw nila akong hostage para mabigyan sila ng ransom ng aking Dad. Ano bang atraso ng aking ama sa kanila, para gawin nila yun? Mas nag-aalala ako ngayon kay Mom at Dad dahil baka mamaya eh sumunod sila sa pinapagawa ng mga holdaper na eto. Kinuha din nila ang aking phone at malamang doon nila susubukang tumawag sa aking Dad.

May nakausap akong isang lalaki kanina gamit ang aking isip. Nagpakilala siya na kaibigan daw niya si Kuya at wag daw akong matatakot at ikalma ko lang daw ang aking sarili. Nagbibiro ba sya, eh kung sya kaya makidnap, kakalma kaya sya? Haaay. But I think he's right, kasi sooner or later, this fear will be killing me right now.

After 15 minutes, I'm really exhausted. Ang higpit din kasi ng pagkakatali sa akin sa lamesa kaya naman masakit sa katawan eto. Bukod sa pagod ako, sobrang nabobored na ako. Etong mga nagbabantay kaya sa akin, hindi kaya sila napapagod or nababagot man lang? Kausapin ko nalang kaya siguro sila.

"Kuya." Tawag ko sa isang kuyang nakatayo lang sa tabi ko.

Napatigil siya sa harap ko at sinigawan ako, "Tumahimik ka jan!"

 

Sungit naman neto, parang si kuya Flame lang.

"Kuya, pwedeng request. Pabukas naman ng ilaw oh, takot kasi ako sa dilim eh. Gusto ko naman makita yung mga kagwapuhan nyo."

 Pero syempre, biro lang yun :)))

"Talaga? Gusto mong makita ang aming kagwapuhan?" Sabat naman ng isang nakaupo sa pinto. Nakita ko ang kanyang anino na tumatayo na parang natutuwa sa sinabi ko.

"Oo naman, kaya buksan mo na yung ilaw. Please."

Nakita kong pinindot na ni kuya ang switch ng ilaw at bumukas na eto. Nakita ko na ulit ang mukha ng dalawang pangit na nagbabantay sa akin. Malalaki ang kanilang mga katawan kaya talagang matatakot ka talaga dito dahil sa pwede nilang baliin ang mga buto mo, kung gugustuhin mo.

"Kuya."

 

"Ano na naman?!" Sigaw sa akin nung kidnaper na nasa tabi ko. Siya na ata yung forever-masungit sa kanilang dalawa eh.

Yes! Baka gumana yung pacute ko sa kanya dahil sa nakikita na niya ako. Walang masama kung susubukan :))) "Nauuhaw ako, pwede mo ba akong bigyan ng tubig? *pouts*"

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGWhere stories live. Discover now