Flame and Ice: The Twin of Chaos
©Lhenzified 2013
Chapter Nineteen//
Flame’s POV
"Hahahahahaha." Sabay na tawa ni Frail at Ice sa joke ni Toffee. Anong nakakatawa sa joke niya?!
"Last na yan Toffee ha." Sabi ko.
"Hahahaha. Bakit hindi ka ba natatawa sa jokes ko?" Sabi niya habang pinupunasan ang kanyang mata dahil sa luhang nadulot ng kanyang pagtawa.
Hindi ko lang siya inimik at sumubo nalang ulit ng aking agahan.
"Eto naman.” Aish! Kelan ba siya titigil!
“Anong pinagkaiba ng lalaking nahulog sa 2nd floor sa lalaking nahulog sa 20th floor?"
Ano nga ba? Aish! Wag ka ngang sumali sa kakornihan nila Flame.
"Ano?" Sabay na sabi ni Frail at Ice. Ahhh! Seriously, wag nyo na nga siyang iprovoke na magjoke! Hay naku.
"Yung lalaking nahulog sa 2nd floor *Bugsh! Aaaaaaaaaahhh!* yung lalaki namang nahulog sa 20th floor *Aaaaaaaaaahhhh! Bugsh!*"
"Ahahahahahahaha."
Anong nakakatawa dun?! Ang korni ngah eh. Yuck!
"Dude, tingnan mo yung isa sa kanila."
May narinig akong nagbubulungan. Kung hindi ako nagkakamali, sa akin nila yun sinasabi. Kaya ko na rin kasing makontrol yung hearing ability ko. Yung hindi na lahat ng bulungan naririnig ko at kapag finocus ko lang yung pandinig ko ay doon lang siya gagana o kaya naman kapag kailangan ko talagang marinig ang isang ingay, tulad neto.
BINABASA MO ANG
Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENG
FantasyUPDATES : EVERY SUN "Flame and Ice are twins who lives an ordinary life until they discovered their true fate. The destiny that was written to them. Will they follow what is meant for them? Or choose the life they are used to? Change is everything a...