18: Desperate Drive

13K 381 15
                                    


Its been one week simula ng magtrabaho sya sa binata. Tuluyan ng umalis si Mary at sya ay naiwang mag-isa.

Sa loob ng isang linggo ay palaging sinisita ni Age ang trabaho nya minsan nga inuutusan pa sya na pumunta sa ibang department para ihatid ang walang kwentang papeles. Alam nyang kahit hindi sabihin nito ay alam nyang pinapahirapan sya ng binata.

"Ms. Jimenez, give this paper to Miss Whitley."

May binagsak itong makapal na papeles sa kanyang mesa. Alisto naman nyang kinuha ito at tumayo.

"And also buy me a coffee at Red's Coffee Shop."

Kung hindi lang ito si Age ay kanina pa nya sinampal ang patong patong na papeles sa mukha nito.

"Be back at 15 minutes."

"An----"

Agad na tumalikod ito sa kanya at pumasok sa opisina. Muntik na syang mapatili sa inis. Agad nyang tinakbo ang papeles kay Miss Qhitley na nasa lobby at sa kasamaang palad ay nasa pinakataas sila na floor, which is 25th floor.

Habang nasa elevator sya ay gusto na nya itong hilahin pababa. 15 minutes?! Ano sya si wonder woman? Napakalayo pa naman ng Red's Coffee Shop.

"Hi, Miss. I'm Lyndon and you are?"

"Ryza Kate."
Ngumiti sya pabalik dito.

"Ikaw pala ang temporary secretary ni Age. So the rumors are true, maganda ka nga."

Pinamulahan sya ng pisngi sa complement nito. Gwapo eh tapos pinuri pa sya.

"You want some help? Wala naman akong ginagawa."

"Ah..huwag na, nakakahiya eh."

"No it's okay. What is it?"

Ngumiti pa ito sa kanya.

"Pwedeng makidala ito kay Miss Whitley? Kailangan ko kasing bumili ng kape ni Sir eh."

Kinuha naman ng binata ang papel.

"Yeah, sure. And besides gusto ko ring bisitahin ang girlfriend ko."

Nanlaki ang mata nya sa gulat.

"Girlfriend mo si Miss Whitley?"

Tumango ito. Nakita nya sa mata nito kung gaano nito kamahal ang nobya. Hindi nya maiwasang mainggit. Ganyan rin kaya si Age tuwing nababanggit sya sa ibang tao? Maybe no.

Bumukas ang elevator at sabay silang lumabas. They bid a goodbye before they parted their ways.







"HEY!"
Napatigil sya sa akmang pagpasok ng elevator ng makita nyang tumakbo papalapit si Lyndon sa kanya. Ngumiti sya dito at sabay silang pumasok sa elevator.

"Pupunta rin ako kay Age. Sasabihin ko sa kanyang itanggal sa trabaho si Grace."

Mukhang ito ang pangalan ni Miss Whitley.

"Bakit naman?"

"I want her to work in my company. I don't want her out of my sight."

Napatili sya sa kilig at hinampas ito sa balikat.

"Ang sweet mong boyfriend!"

Nahihiyang kinamot nito ang batok at hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang pamumula nito.

"Do you think hindi sya magagalit?"

"Bakit naman? Ang sweet mo kaya----"

"How long would the both of you standing while chitchatting inside the elevator?"

Desperate Erotic WriterWhere stories live. Discover now