14: Desperate Fall

13.1K 360 14
                                    


"A-anong sabi mo?"
Napakurap pa sya sa harap nito at palihim na kinurot ang sarili kung nananaginip lang ba sya. Pero napangiwi sya ng maramdaman nya ang sakit.

"P-paki-ulit nga.."

"I'm courting you.."

"Juice ko, Age! Mamamatay ako ng maaga sayo!"
Sabi nya habang nakahawak sa dibdib dahil sa lakas na pagkabog.

Natawa ang binata sa inasta nya at hinawakan sya sa baba.

"I overheard your conversation with Joyce last month. Narinig ko pa sa kanya na gusto mo ng lalaking haharanahin ka, ipagsibak ng kahoy at ipag-igib ka ng tubig."

"P-pero bakit ngayon mo lang sinimulan?"

Napakamot ito sa batok at saka sya inakbayan. Naglapat tuloy ang braso nya sa abs nito. Shet, sarap bhe.


"Kasi busy tayo sa thesis diba? Baka mawala ang focus mo sa pag-aaral dahil ako palagi ang nasa isip mo."

Ngumisi ito sa kanya

"Kapal ha!"

Pero alam nyang totoo naman. Dahil kung sakaling ginawa ni Age 'yun dati ay baka makalimutan nyang may thesis sila.

"Let's back to the topic, kitten. Now that I'm courting you, I don't want any guy come near you."

Kinurot nya ito sa gilid.

"Hmmp. Nililigawan mo pa nga ako, bawal na agad?"



"You're still my girlfriend, kitten, but at the same time I'm courting you."

Naramdaman nyang nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. Bakit ba ang sweet ni Age ngayon?

"Paano kapag hindi ako pumayag?"

Pinaningkitan sya nito ng mata at mas lalo syang inilapit dito. Mas lalo tuloy kinilig ang buto nya.


"I'm not asking if I could court you. I just said that I'm courting you, para wala ka ng choice kung hindi ang pumayag."

"Ay ganun? Paano kung ayaw ko pala?"

Mas lalong lumukot ang mukha ni Age. Natawa sya dito. Ang cute pala nitong asarin.


"At may plano ka talagang umayaw, ha?"

Natawa nalang sya at hinalikan ito sa labi.

He deserved a reward kaya sya na mismo ang humalik dito.


"Sige na. Pumapayag na ako."

Agad na ngumiti ng napakalawak ang binata at saka sya hinila at niyakap.

"You're driving me crazy.."
At naramdaman nyang hinalikan sya nito sa ulo.







"AGE, paano mo nakuha ang notebook ko sa library?"
Tanong nya dito.
Ang tinutukoy nya ay ang unang encounter nila ni Age.

"Nagtataka kasi ako dahil diba nagkasalubong pa nga tayo bago ako tumakbo papuntang library? So it means na ako ang nauna papuntang lib pero bakit na sayo ang notebook?"

"Ah, yun ba? Nung nasa library ka pa at timing na nandun ako. Umalis ka at naiwan mo ang notebook mo kaya kinuha ko. Pero dahil na curious ako ay binasa ko muna. At 'yung time na tumakbo ka ay agad kitang hinabol 'nun."

Gusto nyang tanungin kung bakit ginawa 'yun ng binata. 'Yung nag-offer sya sa kanya ng tulong. Pero nagpapasalamat sya dahil kung hindi dahil dun ay wala sila dito sa binata.

Desperate Erotic WriterWhere stories live. Discover now