2: Desperate Ryza

35.8K 692 71
                                    

Beware of Foul words..You have been warned.😈

She's been staring at her notebook for an hour.  She really don't know how to make a bed scene! She even tried having SOP (S*x-on-phone) on random strangers but hell lahat ng iyon nakalimutan niya tuwing magsusulat na siya.

Halos mapuno na nga ng mga lukot-lukot na mga papel ang trashbin niya dahil agad niyang nilulukot ang papel  kung napapangitan siya sa kanyang sinusulat. At sa kasamaang palad, lahat ng 'yon ay pangit.

"Aaarrghh!!Kelan ba kasi ako matututo?!" Inis na sinambunutan ang buhok bago niya tinawagan ang kaibigan.

"Hello?! Leche, alam mong natutulog na ako!"

Agad na bungad sa kanya ng kaibigan. Kahit na hindi siya nito makikita  ay hindi niya napigilang mapaikot ang mata.

"Joyce, sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng maisusulat."

"Seriously? Tumawag ka lang para diyan?  We both know na it's your dream pero simpleng B.S. lang hindi mo magawa. You need an experience, Ryz before you can accomplished your dream.Bye"

Wala na siyang nagawa kundi ang ibaba ang kanyang hawak na phone. Alam niyang hindi seryoso ang kaibigan sa sinabi nito pero talagang tinatamaan siya sa mga salitang binitawan nito.

No, she won't do that.

Hindi nya kailangan nang experience para lang maging isang erotic writer, at papatunayan niya 'yon sa kanyang kaibigan. Agad siyang bumalik sa pagsusulat at hindi ininda kung anong oras na.







"ATE Kyuut! Gising!"

Nanatili parin siyang nakapikit habang umaalog naman ang kanyang kama. Pakiramdam niya ay kakapikit niya palang saka naman umeksena ang chanak niyang kapatid.

"Ano ba, Lyza! Isa!" Pero nagpatuloy parin sa pag-uga ang kama ng biglang may pumasok na ideya sa kanyang isip.

Kama, umuuga...Hindi nya napigilang sambunutan ang sarili, ito naman kasi ang isip nya kunting bagay kung ano-ano ang pumapasok sa isip. Kaya nga doon niya natuklasan ang kanyang kagustuhan maging isang erotic writer pero sa tuwing susulat ay parang mawawalan siya ng gana kung babasahin niya ito, ang lame kasi ng pagkakasulat.

"Atee!!"

"Ito na! Ito na!"

Binigyan niya ng kurot sa tagiliran ang kapatid saka siya tumakbo papalabas ng kwarto, narinig pa niya ang sigaw nito pero tumawa nalang siya.

"Ikaw na bata ka! Inaaway mo parin ang kapatid mo, magtatapos ka na sa college pero isip bata ka pa rin," pangangaral sa kanya ng Papa niya pero tumabi nalang siya dito.

"Pa naman! Sabi kasing huwag na akong gisingin,eh!"

"At ano? Magrereklamo ka kasinalate ka? Ikaw talagang bata ka."

Hindi nalang siya sumagot at tahimik na lang na kumain. Baka humaba lang ang usapan nila ng Papa niya at malelate lang siya.





"Eyebags mo, 'te, ang laki," agad na puna sa kanya ni Joyce pagkadating niya lang sa room. Umupo lang siya sa tabi nito saka nilabas ang maliit na salamin.

"Gosh! Ang laki nga!"

Hindi kasi siya nakaharap sa salamin dahil sa pagmamadali, sa kotse na nga lang siya nakapagsukalay.

"Don't worry Ryz maganda ka pa naman," hirit ng kaklase niyang lalaki. Agad naman umingay ang classroom dahil tinutukso sila ng mga kaklase pero agad ding natahimik ng pumasok ang isa pa nilang kaklase.

Desperate Erotic WriterWhere stories live. Discover now