086 | narration pt.2

146 13 10
                                    

Jennicka's POV

Kasalukuyan akong papunta kila Sof kasi di ko talaga alam kung anong gagawin ko? Pupunta ba ako o hindi? Kailangan ko ng magaadvice kung anong gagawin ko.

Masakit padin sakin pag naalala ko yung mga oras na napagsabihan ako ni Valentine ng mga salitang yun. Pero di ko parin maalis na s'ya padin. Si Valentine padin laman ng puso ko.

"Uy bes. Anong meron at napunta ka dito?" bungad ni Sof sakin nang buksan nya ang gate ng bahay nila.

Niyakap ko agad sya.

"Di ko na alam gagawin ko."

"Saan?" sabay tapik nya sa likod ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap at diretso tumingin sa kanya.

"Nagtext si Valentine. Sabi nya magkita daw kami sa convenience store malapit sa bahay namin ngayon at mag aantay daw sya pumunta man ako o hindi. Di ko alam gagawin ko. Mamaya pag sumugal na naman ako, ako uli masaktan o di kaya pag di ako sumugal ngayon mawala naman ng tuluyan si Valentine sakin. Gulung-gulo na ko." sabi ko at yumuko.

"Tara pasok muna tayo sa loob."

Pagkapasok namin ay umupo kami sa sofa.

"Ang masasabi ko lang sayo badeng, kung ano sinasabi ng puso mo yun ang sundin mo ngayon. Pero wag puro puso. Pakinggan mo sya at kapag narinig mo na kung anong gusto nyang sabihin tsaka mo pagdesisyunan." sabi ni Sof at tama sya.

Pagkatapos nun ay niyakap ko uli sya at nagpasalamat. Gabi na at malamig na ang simoy ng hangin. Sana andun pa sya. Sana nagaantay pa sya. Sana.

Valentine, pupunta ako. Antayin mo ko.

--------------------------------------------------------------

Papatawid na ako papunta sa convenience store na nasa tapat ko na. May isang humaharurot na truck. Muntik ng mahagip yung naunang tumawid kaysa sakin, buti na lamang at nakatakbo sya. Nakatawid ako ng maayos at dali daling hinanap si Valentine.

Nang inikot ko ang paningin ko sa buong store, napangiti ako.

Ayun ang mokong, natutulog. Grabe naman ata pagod nito at pati dito inabutan ng antok. Umupo ako sa tabi nya at tinitigan lang sya.

Bakit ang amo ng mukha mo? Paranpag kinukulit kita, sinusungitan mo lang ako tapos bawat sasabihin mo ang tipid tapos puro tuldok sa dulo. Ngayon ang sarap lang sa feeling kasi nginingitian mo ko tapos nagjojoke ka na din kahit korni.

Napatigil ako sa pagtitig ng may tumulong luha sa kaliwang mata nya. Nanaginip ata to?

Kinilabit ko sya. Wa epek

Inalog alog. Wala pa din

Tinawag ng mahina kasi may ibang tao dito. Wa epek din.

Aba tibay naman nito.

"VALENTINE!" isang malakas na sigaw ang pinanggising ko sa kanya. Wala akong paki kung pag tignan mam kami.

Pero effective, nagising sya. Pag angat nya ng ulo nya, biglang bigla sya.

"Nick?" sa itsura nya parang di sya makapaniwala na nasa harap nya ako.
Tumango ako at bigla nyang tinapik yung mukha nya at buong katawan. Sinaniban ba to?

"Totoo ba to? Buhay pa ako?" sabi nya at naguluhan ako.

Tumayo sya at parang inexamine kung totoo nga ako.

Natutulog pa ata to ah. Binatukan ko ng malakas para magising diwa.

"Aray! Sht. Totoo nga! Hala gagi. Akala ko patay na ko! HAHAHAHAHA" Nagdidiwang na sabi ni Valentine. Patalon talon pa sya. Pinagtitingnan na sya ng mga tao dito.

"Abnormal malamang buhay ka pa. Ano bang nangyayari sayo?" sabi ko sakanya at umiling lang sya. Hinila ko nalang sya palabas.

"Nick." Tumigil ako sa paghila sa kanya at lumingon.

"Bakit?" sabi ko

Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin.

"Nagpunta ka. Akala ko maghihintay ako sa wala dito." Pabulong nyang sabi habang hinahaplos nya ang buhok ko.

Pinakinggan ko lang sya. Kumalas sya sa pagkakayakap sakin.

"At dahil nandito kana sasabihin ko na mga gusto kong sabihin sayo matagal na." seryosong nyang sabi at tinignan ako sa mata.

"I'm sorry. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Sa pagtataboy. Sa sakit na ibinigay ko sayo. Gusto ko din magsorry sa nasabi ko sayo.Nadala lang ako ng emosyon. Thank you din dahil kahit anong taboy ko at pagsusungit ko nagstay ka pa din. Salamat sa pagmamahal at ngayon di ko na hahayaang mawala ka pa. Di na one sided love story 'to." sabi nya pero naguluhan ako.

"Anong di na one sided love story?" takang tanong ko

Hinawakan nya magkabilang pisngi ko at tumingin ng diretso sa mata nya.

Nakakatunaw naman tumitig tong lalaking to.

"Nick, gusto kita ay hindi hindi mali." natawa pa ang mokong.

"Mahal kita, Nick." seryosong sabi nya at ngumiti.

Nakatitig pa din ako sa kanya. Totoo ba 'to?

Seryoso? Di ba to panaginip?

Sinampal ko sarili ko, yung malakas talaga at masakit.

"Hoy ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Tingnan mo, namumula na pisngi mo!" sabi nya at hinahaplos haplos yung pisngi ko.

Tumingin ako kay Valentine. Totoo nga to?

"Totoo ba to?" wala sa wisyo kong sabi.

Tumawa lang ng malakas si Valentine.

"Malamang Nick. HAHAHAHAHA iuuwi na nga kita baka hinahanap kana ni Mama." natatawang sabi nya at nagsimula na kaming lumakad. Hinawakan nya din ako sa bewang habang naglalakad kamim

"Mama ka dyan? Mama mo? Mama mo?" pagtataray ko

"Magiging mama ko din bakit?" sabi nya

Yumuko ako para di makitang kinilig ako. Bwiset ka Valentine.

"Huwag mo na itago yan. Nakakautot pag tinatago ang kilig."
tumatawa na sabi nya.

"Che!" nauna ng maglakad habang nangingiti.

Tama nga si Sof. Ang saya ko ngayon. Masaya pala talagang mahalin pabalik ng taong mahal mo. Di masamang sumugal pero wag sugal lang ng sugal. Pag nagmamahal ka di maiiwasan na masaktan ka. Kakambal ng pagmamahal ang sakit.

valentine ; jenyongWo Geschichten leben. Entdecke jetzt