064 | narration

125 12 5
                                    


At dahil sa kagustuhan ko magmall at magpalamig, ako nalang ang pumunta mag isa.

"Nakakainis naman, pinaka ayaw ko pa naman nagm-mall mag isa mukha akong nawawala." sabi ko sa sarili ko

Habang naglalakad ako hinahanap ko phone ko sa bag ko para makapagselfie naman dito. Ang kaso di ko makita, tuluy tuloy lang akong naglalakad hanggang sa may nakabangga ako. Bwiset naman 'to. Nahulog pa mga gamit ko. Agad agad akong yumuko para kunin mga gamit ko. Pag angat ko ng ulo ko, aba pagkakataon nga naman oh.

"Jen?" sabi ni Harvey nang pag angat ng tingin nya.

"Sorry sorry di ko sinasadya. Tulungan na kita." dagdag nya pa habang tinutulungan ako sa gamit ko. Nakuha ko na din yung phone ko.

"Hindi hindi okay lang! Di din ako nakatingin sa dinadaanan ko." sabi ko sakanya kasi parang alalang alala sya at nagsimula na kaming maglakad.

Tumango tango sya at ngumiti habang tumitingin sa likod ko.

"Wala kang kasama?" tanong nya

"Ah, wala eh di sila pwede" sabi ko habang nakanguso

"Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala eh, diba sabi ko nga sayo bago lang ako dito at di pa ko pamilyar sa lugar lugar dito kaya uunahin kong ifamiliarize itong mall" sabi nya

"Ow edi samahan nalang kita. Wala din naman akong kasama ngayon at ayoko magisa." sabi ko sakanya nang nakangiti

Lumiwanag naman lalo yung itsura nya.

"Talaga?" sabi nya at tumango ko

"Gusto mo mag milktea?" sabi ko

"Di ko alam lasa nun pero sige" sabi nya.

Ako na dapat oorder pero nag insist si Harvey na sya nalang. Wala akong nagawa.

"Jen, ito na order mo." abot nya sakin ng milktea ko.

"Thank you"

"Gusto mo arcade tayo? Masaya duun!" sabi ko sa kanya habang para akong bata na naeexcite tumawa sya at natawa na din ako

"Sige sige tara"

valentine ; jenyongWhere stories live. Discover now