013 // nick's

199 20 22
                                    

Kagigil naman. Nagdilang anghel ata ako dun sa sinabi ko kay Jeffrey. Nagkatotoo ngang may biglang pinagawa sakin tong panot kong teacher hehe syempre joke lang.

Dami daming paperworks na pinapalipat nya mula sa building namin hanggang sa building ng faculty nila. E halos maikot ko na yung buong school nun e. Di ko alam kung may galit o sadyang trip ako nitong teacher namin. Pwede naman nya sa boys ipagawa. BAT SAKIN PA?!

Ang bigat bigat naman nito. Sarap ihagis. Nangangawit na braso ko.

"Nick, tulungan na kita." biglang sulpot naman in Jeffrey. Ano ba namang tao to? hays

"Ay hindi na kaya ko naman" pagtanggi ko

"Nope. I insist" pagpupumilit nya.

Hay kulit naman ng lelang nito. Nakaramdam ako ng may nakatingin sakin kaya napatingin ako sa paligid at nakita ko nga si Valentine nakatingin sa direksyon namin ni Jeff.

"Wag na talaga Jeffrey. I can manage" nauna na ko maglakad. Di ko talaga maintindihan si Valentine nakakaasar na.

"Nick you know, I live in America fo four years. That's why I'm here" sabi nya with his fluent english accent pero huh? nakashabu ba 'to?

"No. I'm just kidding. Please let me help you." sabi nya uli with his fluent english. Lakas maka pogi ng accent nya.

Wala na kong nagawa hinayaan ko na syang tulungan ako. Ibinigay ko sakanya yung kalahati nung bitbit ko.

"Bakit kalahati lang? Ibigay mo na lahat. Ayoko ng kalahati gusto ko buo" sabi nya.

"Di pwede Jeff. Pag nakita ako nung teacher baka magalit yun." sabi ko nalang at inaayos yung mga papel na nasa akin. Kasi pag hawak mo ingatan mo pag nabitawan mo kasi yan tsaka ka manghihinayang na sana hinawakan mo ng maigi charot langs.

"Ang sama naman nya. Pinagdadala nya ng ganto kabigat yung magandang gaya mo." seryosong sabi nya na ikinalingon ko.

"Bolero!" nakangiti kong sabi.

"Di ah totoo yun" napatingin nalang ako sa kanya na ngayon ay nakangiti kasama mata.

Hay Jeff sana ikaw nalang no? Sana ikaw nalang.

"Tara na nga! Papagalitan pa ko e" sabi ko sakanya at nauna ng maglakad. Mabilis akong nakalayonsa kanya ng bahagya dahil magaan nalang naman bitbit ko.

"Hoy. Di mo sinabi na racing pala nais mo." sabi nya at mabilis na humabol pupunta sa pwesto ko.

valentine ; jenyongWhere stories live. Discover now