085 | narration

148 12 15
                                    

[hi gusto ko lang sabihin na if gusto nyo lang pakinggan nyo yung perfect ng ikon habang binabasa to hihe]

-----------------------------------------------------------

Valentine's POV

Kahapon, halo halong emosyon ang naramdaman ko. Nung una sobrang saya ko kasi nageffort si Nick para mabilhan ako ng regalo, gustong gusto ko syang yakapin nung nalaman ko yun. Sobrang saya ko di ko nga matago yun eh. Pero gaya nga ng sabi nila kapalit ng saya ay lungkot at pighati, yun mismo ang nangyari nung panahong yun. Napuno ng galit at hiya yung utak ko kaya di ko na naisip yung mga nasabi ko at yun nga nasabihan ko si Nick ng masasakit na salita. Kinagabigan nun nung kumalma na ko. Nag flash back sakin lahat ng nasabi ko. Nagsisi ako. Nagflashback din sakin kung pano umiyak dahil sa mga nasabi ko. Habang chinachat ko si Jeff, naalala ko yung regalo ni Nick. Akala ko nasa bag ko pero mali ako. Naalala ko na nasa bench padin pala sa quadrangle yun. Dali dali akong nag ayos at bumalik sa school. Di ako nahirapang hanapin yun kasi kung san ko sya naitapon ay andun pa din iyon.

Pag ka kuha ko, agad kong binuksan yon. Napangiti ako. Alam nya talaga kung anong paborito ko. Sa ilalim ng cap na regalo nya, may isang note. Ito na siguro yung sinasabi ni Jeff.

"Hi Valentine! Happy Birthday! Finally nakapagbigay na ko ng regalo sayo. Alam mo bang mula 1st year kilala na kita, gulat ka no? HAHAHAHA! Pero seryoso kilala na kita nun, yung binubully ka tapos wala kang friends. Lalapitan dapat kita nun eh kaso epal si Jeff sya na yung lumapit. Naghesitate din ako nun kasi nga di pa naman tayo classmates nun. Nakatanaw lang ako sayo sa malayo hanggang sa nalaman kong kaklase kita ngayon. Lam mo bang muntin na ko magpaparty nun tanungin mo pa si Sof. Tapos yun nga hanggang sa chinat kita at yun sungit sungit ka pa alam ko naman na crush mo ko... jok HAHAHAHAH! hanggang sa naging close kita (?) pati si Jeffa at buong tropa nyo. Pumunta pa nga kayo sa bahay namin. Kapal nyo eh. Pero dun din sa araw na yun ko nalaman ang biggest revelation mo. At nung nalaman ko, wala ewan ko wala akong reaksyon. Masasabi kong tanggap ko. Naisip ko din na pag nagkagusto sa lalaki di na pwede magkagusto sa babae. Ang galing ko umarte noooo? Bilib ka na ba? Mas bibilib ka pag sinabi kong...mahal kitaaaaa! Hihe kaso baka di ka pa nakakamove on k lang kaya ko magantau hehe chareng. Mahaba na to masyado baka nga di mo to basahin tamad kang kumag ka e HAHHAHAAHHAAHAH Happy Birthday uli! Love lots! 💚💕

pinakamaganda sa lahat ng dyosa,
Nick"

Masaya sana kami ni Nick ngayon. Medyo napaluha ako habang binabasa yung note kahit puro kagaguhan ni Nick yun, napaluha ako kasi di nya deserve yung nagawa ko sakanya. Siguro kaya nga lumayo na si Nick kasi sumobra ako. Im sorry. I was wrong baby come back to me. Nick, gusto din kita. Sana hayaan mo kong masabi yun.

Tumingin ako sa relos ko, mag a-alas nwebe na wala padin sya. Pupunta kaya sya? Think positive.

Lumipas ang ilang minuto at kinukumbinsi ko padin sarili ko na darating sya hanggang sa lumipas ang 30 minutes at tumayo ako para maglakad lakad. Nakayuko lang ako habang paikot ikot dito sa lugar na to. Kung bakit ba kasi nasa highway tong convenience store na to. Ang ingayng mga dumadaang sasakyan. Pero tumigil ang mundo ko nung may narinig akong tumawag sakin.

"Valentine!" sigaw ng isang babae mula sa kabila ng highway.

Alam kong sya yun. Tama ako dumating sya! Isang malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Isang ngiti na dapat matagal ko ng ibinigay sa kanya.

Papatakbong tatawid na dapat sya ng nakita kong may isang humaharurot na truck ang paparating.

"Wag kang tatawid!" sigaw ko pero huli na.

Agad agad akong tumakbo at itinulak sya pabalik sa kinaroonan nya kanina.
Nasilaw ako sa ilaw ng humaharurot na truck. Lumingon ako kay Nick at ngumiti sabay sabing

"Mahal din kita."

"VALENTINE!"

-----------------------------------------------------------

[CHARAAAAN! HAHAHAHAHA ang corny!!!!!!!!!! ayoko na. bye. comment padin kayo HAHAHAHAH]

valentine ; jenyongWhere stories live. Discover now