Dumating na ang dance number na pinag-ensayuhan nila kahapon at tuwang tuwa si Charity sa ginawa nila. Isa-isa nyang niyakap sila Nyx matapos ang sayaw.

"Ang daya naman Zai. Bakit di ka sumali?" pagrereklamo nila ng mapag-isa na kami sa isang table.

"Nah.. Kaya nyo na 'yon." Sambit ko at tsaka kumuha ng pagkain sa buffet. Nagugutom na ako. Ngubit sa pagtayo kong iyon ay nakaramdam ako ng mga matang nakatingin sa akin. Sinuri ko ang buong paligid ngunit mabilis itong nawala.

Makikilala din kita .. Sambit ko sa isip tsaka nagtuloy sa buffet table. Nakasalubong ko ang mga magulang ni Charity at nakipagkamay sila sa akin. Binati ko rin sila bilang respeto. "Madaming naikukwento ang anak namin tungkol sa iyo Zai." sambit ng eleganteng mommy ni Charity. Simple lang ngunit elegante sa kulay beige gown ang mommy nya. "At wag kang mag-alala lahat ng naikukwento nya sa amin ay magagandang katingian na meron ka. At totoo pa lang napakaganda mong bata." Nailang ako sa mga papuring sinasabi nila dahil ngayon lamang ako nakarinig ng purihin ang physical features ko ng may edad na mga tao. Dahil ultimo pamilya ko ay hindi nasabi sa akin ang mga sinasabi nila. "Salamat sa pagtatanggol sa anak namin. At sa pagiging ate sa kanya." Taos pusong wika daddy ni Charity.

"Walang anuman po." tugon ko.

"Sige, mauna na kami. Enjoy yourself." Paalam ng mommy ni Charity. Tumango na lamang ako bilang sagot.

Hope's POV

"Baklang Hope bakit parang wala sa mood si Zai?" tanong ni Nyx sa akin habang nakatitig kay Zai habang kausap nito sina tito at tita.

"Madaming dinadalang problema si Zai mga bakla. At ang mga problemang iyon ay hindi dapat kinakaharap ng isang 17 years old na kagaya nya."

"What do you mean?" Curious na tanong ni Mona. "I mean bakit sya ganoon Hope?"

"Sa murang edad nya noon ay madami na syang pinagdaanan. Nakidnap sya." pagtatapat ni Hope at wari'y emosyonal na binalikan ang nakaraan.Tahimik namang nakikinig ang apat sa kwento nya. "Sa pagkakakidnap sa kanya ay nagulo ang buhay ng mga Wang. Halos ikabaliw 'yon ng mommy nya. Hanggang sa nagkaroon ng anxiety disorder ang mommy nya na nag-trigger into a much more complex disease."

"Anong disease?" curious na tanong ni Anton.

"Schizophrenia." malungkot na tugon ko.

"Ano 'yon?" sabay sabay na tanong nung tatlo maliban kay Anton.

"Alam ko yan. Nabasa ko yan sa isang medical book." pahayag ni Anton.

"Oh ano nga yon bakla?" impatient na tanong ni Nyx.

"Pagkabaliw." At sa pagkakasabing iyon ni Anton ay napa-gasp ang tatlo. Malungkot naman akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Anton.

Lahat sila ay nalungkot ng malaman ang sitwasyon ng mommy ni Zai. Maging akong kaibigan ni Zai in past years ay nalulungkot pa rin sa sitwasyong meron si Zai ano pa kaya sila na bago pa lang nakikilala si Zai.

Zai's POV

Gabi ng ng araw na 'yon, nang makaalis ako sa mansyon nila Hope. Sakay kay Storm ay tinahak ko ang daan patungo sa YZ Gym. Di kalayuan ang lugar sa bago kong paaralan. Tinext ako ni Yue at pinapupunta na naman nya ako doon. Sa tapat ng YZ Gym ay nakita kong bukas na rin ang YZ Restaurant at kitang kita ang nagpapasukang mga costumers ng naturang Fast food. Dumadami na ang nagiging costumers ni Yue. Mahusay sya pagdating sa business.

Nang makapasok ako sa YZ Gym ay agad akong binati ni Mel ang nasa front desk. "Hi Miss Zai.." bati nya. At tumango ako sa kanya bilang sagot. Tinuro naman nya agad ang direksyon kung nasaan si Yue.

THE COLDEST (in major revision)Where stories live. Discover now