Chapter 1

5.9K 232 86
                                    

Bilang isang anghel, layunin ni Celine na maghatid ng kaluluwa ng mga mabubuting tao patungo sa langit, pero dati lang yun.

Ngayon kasi ay nahinto na lamang siya sa isang tao, matagal na dapat itong patay pero dahil nga sa pangyayari noong pitong taong gulang pa lamang ito ay aksidente niya itong nailigtas, bilang parusa sa pagbago niya sa itinakda ay hindi na siya nakakapaglibot-libot ngayon para maghatid ng mga kaluluwa.

Dahil naatasan sya na bantayan na lamang ang babae-- scratch that. Pasaway na babae.

Ilang beses ng napa-facepalm si Celine habang pinapanuod niya ang mortal na nakikipag-inuman at nakikipaglandian sa mga lalaki sa bar. Ilang beses na itong iniwanan ng mga nagiging boyfriend nito pero hindi pa rin siya nagsasawa.

Kung tao lang sana si Celine ay malamang sinabunutan na niya si Trinity, ang magandang babae na nasa edad na 22, ang pasaway na mortal na kaylangan niyang bantayan sa araw-araw nitong ginagawa.

Minsan napapaisip si Celine kung bakit kaylangan pa niyang bantayan si Trinity, patapon na ang buhay ng dalaga, ilang beses na nga nya itong muntik ng talikuran pero hindi niya kaya. May something kay Trinity na hindi kayang iwan ni Celine.

Siguro ay dahil alam niyang mabuti talaga itong tao, sinisira lang talaga niya ang buhay niya sa mga bagay-bagay na akala niya ay sagot para maka-ahon siya sa buhay at maging masaya siya. Pero alam ni Celine na hindi iyon ang sagot, hindi iyon ang tamang sagot, kahit kaylan hindi naging sagot ang mga makamundong bagay para maging masaya ka.

Napairap si Celine mula sa kanyang kinatatayuan, nakita kasi niya si Trinity na nakikipagsayawan ngayon sa isang lalaking naka-kindatan lang niya limang segundo ang kakalipas, ngayon ay halos idikit na ng lalaki ang kanyang kayamanan sa likuran ni Trinity.

Pero walang pakialam si Trinity dahil dumidikit rin siya sa lalaking mukhang may lahi, dahil sa kulay asul na mga mata nito at sa kakaibang features ng mukha pero hindi pa rin sapat na dahilan na gwapo ito para i-grind mo ang katawan mo dito.

"Gosh, Trinity. Ang sarap mong batukan." Sabi ni Celine habang naka-cross arms siya at pinapanuod niya ang babaeng mukhang lasing na lasing na.

"Hindi naman siguro kasalanan ang manapak ng babaeng pasaway 'no?" Inis na tanong na naman ni Celine sa sarili niya.

"Ano sa tingin mo?"

Natigilan si Celine ng may narinig siyang nagsalita mula sa likuran niya, halos sobrang lapit lang ng boses sa kanya kaya naman halos magtindihan ang kanyang balahibo.

Hindi naman siguro para sa akin yun di ba? Wala namang nakakakita sa akin--

"Hindi magandang nagsasalita mag-isa miss, baka kung anong isipin ng mga tao sa'yo." Natigilan si Celine ng makita niyang diretso sa kanyang mata ang tingin ng lalaking nagsasalita.

Halos mapanganga si Celine, may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung ano yun, nanatili siyang nakanganga at blangko ang utak.

"Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko palagi na lang tayong nagkakakita." Sabi ng lalaki.

Pasimpleng tumingin-tingin si Celine sa kanyang paligid para masigurado kung sa kanya ba talaga ito nakatingin at kung siya ba talaga ang kinakausap nito.

Bahagyang natawa ang lalaki sa reaksyon ng anghel, hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay sobrong inosente nitong tingnan. Sa hindi malamang dahilan ay gusto niyang makuha ang kainosentehan na iyon.

"Wag ka ng tumingin sa paligid, ikaw ang kinakausap mo." Aniya.

Napatingin ulit ang anghel sa lalaki, pasimple niyang tinuro ang sarili niya at gulat pa rin sa mga nangyayari, "Yeah, ikaw nga mismo." Sagot ng lalaki sa pasenyas na tanong ng anghel.

"P-Paanong..." Hindi mapakali si Celine.

Bukod sa matagal na niyang nakikita ang lalaking ito ay matagal na rin niya itong sinusundan ng tingin palagi, hindi siya guardian angel ng lalaking ito, wala silang kahit anong relasyon, talaga lang na madalas silang magkasalubong at magkakita kung saan-saan.

At matagal na rin niyang nararamdaman ang hindi maipaliwanag excitement at pamumula ng pisngi tuwing nakikita niya ang lalaking ito. Kaya naman hindi niya alam kung papaanong nangyari na nakikita siya nito ngayon.

"Miss, okay ka lang?" Tanong pa ulit nito.

Mas lalong namula si Celine, hindi niya alam kung papaano niya ito kakausapin, dati ay pinapangarap lang niya na kausapin ito pero ngayon ay eto na, nangyayari na, pero hindi siya handa.

May ilang pagkakataon na may mga mortal na nakakita sa kanya pero napakabihira ng mga gantong pagkakataon, sa mahigit isang libong taon niya na pagiging anghel ay mga nasa walong beses pa lamang itong nangyari at ang huling beses ay mga tatlong daang taon na ang nakakalipas.

Hindi pala, labing limang taon lang pala ang huling beses na may nakakita sa kanya.

"Miss..." Pagtawag ulit ng lalaki kaya muling bumalik sa huwisyo si Celine.

"I-Uhm, ha?" Nauutal na tanong ni Celine, hanggang ngayon ay hindi niya kontrolado ang pamumula ng kanyang mukha.

Bahagyang napangiti ang lalaki, "I think, medyo lasing ka na." Sabi nito.

"H-Ha?" Naguguluhang tanong ng anghel.

"Namumula na kasi ang mukha mo at parang wala ka na sa sarili mo, may kasama ka ba?" Tanong ng lalaki habang dahan-dahan siyang lumalapit sa inosenteng anghel.

"W-Wala..." Halos hangin nalang ang lumabas sa bibig ni Celine.

"Mukhang hindi ka bagay sa lugar na 'to." Sabi ng lalaki bago niya abutan ng alak si Celine, biglang nagpanic ang anghel dahil hindi niya alam kung papaano ang gagawin niya.

"Hindi ako umiinom." Mabilis na sagot ng anghel kaya napataas ang kilay ng lalaki.

"Oh, nasa bar ka at hindi ka iinom, wala ka rin kasama." Napapatango-tango ang lalaki habang sinasabi niya iyon, "May hinuhuli ka bang boyfriend dito na nambabae?" Pabirong tanong nito.

"Hindi, binabantayan ko lang yung..." Natigilan si Celine sa pagsasalita ng tiningnan niya sa dating pwesto si Trinity, "Teka, nasan yung babaeng yun?!" Kinakabahang tanong ni Celine ng hindi niya matanaw ang kanyang mortal na binabantayan.

"Hala, nasan yun?!"

Nagpapanic na ang anghel sa mga oras na 'to. Walang kahit anong bakas ni Trinity, natatakot siya na baka may mangyaring masama sa dalaga.

"May problema ba?" Tanong ng lalaki.

Tiningnan ni Celine ng mabuti ang lalaki, hindi niya alam kung ito na ba ang huling beses siyang makikita nito o hindi pero gusto niyang sulitin ang pagkakataon na 'to.

Pinagmasdan niyang mabuti ang bawat detalye ng mukha ng lalaki, ang napakaputing balat nito, ang mapulang labi nito, ang mga singkit na mata nito lalo na kapag ngumiti siya na nagiging tila isang kuting ang kanyang mala-tigreng mukha, lahat-lahat ay pinasadahan nya ng tingin.

Hindi niya alam na mangyayari ang bagay na 'to. Kahit saglit lang na pagkakataon na alam niyang hindi lang siya ang nakatingin sa lalaki, kundi tinitingnan rin siya nito.

"Pasensya na." Mabilis na sabi ni Celine ng bitawan na niya ang titig niya sa lalaki bago siya nagmamadaling nagtatakbo.

"Teka, saglit lang!" Sigaw ng lalaki.

Napatigil ang anghel at napatingin sa lalaki.

"Anong pangalan mo?" Hindi na pinalagpas ng lalaki ang pagkakataon niya para tanungin ito.

"Cel-- No, I mean Angel. Angel ang pangalan ko." Ngumiti si Celine, kahit alam niyang mali ang ginawa niyang pagsisinungaling pero pakiramdam niya ay ito ang mas nakakabuti.

Ilang saglit lang ay hindi na siya matanaw ng lalaki dahil natabunan na siya ng mga napakaraming tao na lasing na lasing at nagsasayawan mula sa malakas na tugtog na bumabalot sa buong lugar.

"Angel? Such a beautiful name, bagay na bagay sa'yo." Mahinang bulong ng lalaki kahit alam niyang siya lamang ang nakakarinig noon.

Pero dahan-dahan nawala ang ngiti sa labi ng lalaki.

"But sounds forbidden for me."

Fallen (Short Story)Where stories live. Discover now