Kasi sa aming lima ako lang ang hindi sinisilaw ng LOVE na yan!

Naku gigil ako sa LOVE na yan e.


Ewan ko ba kung baket ang daming may gusto dyan samantalang pag na broken hearted iiyak iyak tapos sisisihin yung LOVE


Duh! Anung kinalaman ni LOVE sayo diba? Ikaw lang naman ang naunang lumandi e.

Hindi naman ako against dyan sa LOVE LOVE na yan pero syempre dapat ilugar naman hindi yung PDA kung saan saan.

Jusme uso mag pasintabi sa mga single na tulad ko oh! Nakakahiya sainyo e

"Nandito na tayo " sabi niya at ipinarada sa parking lot ang kotse niya tsaka dali daling hinila ako papasok sa mall.


"Saan mo ba imi-meet yun ha" tanong ko sa kanya.

"Sa StarBucks best " kinikilig na sabi niya at Hinila nako papuntang Starbucks nang makarating na kami sa starbucks dun namin nakita yung isang lalaki na ubod ng gwapo.


May kasama itong isang lalake na naka reading glasses, mukhang gwapo din naman pero hindi lang marunong mag ayos.

Agad naman akong hinila ni Celine palapit dun.

"Excuse me, " pasintabi niya dito dahilan upang sa amin ni Celine mabaling ang atensyon ng mga ito.

"Ikaw ba si James Arellano? " nakangiting tanong ni Celine dun sa Gwapong lalake.


"Yeah, you must be Celine DelaCruz right? "

"Oh Yes, i'am" masayang sabi ni Celine dito.

"Have a seat" pinaghila pa nito ng upuan si Celine para maka upo siya.


Umupo na din naman ako.

Poker lang akong nakatingin sa dalawang to! Naka flirting mode na kasi sila at anytime ay parang susunggaban na nila ang isa't-isa.

Tinitigan ko ng maigi yung James nato at ang masasabi ko lang na playboy ito.

Di ko na muna sasabihin ngayon kay Celine baka mag amok to dito at awayin ako siguro mamayang pag uwi ko nalang siya babalaan.

You know medyo OA mag react tong babaeng ito.


"Babe? Ito nga pala ang isa mga bestfriends ko si Ivory, best meet James my boyfriend."

pag papakilala ni celine sa BOYFRIEND niya daw!

Gosh! Pwede na bang bunutin yung kilay niya isa-isa gamit ang chani?


Parang kanina pinipilit niya lang akong samahan siyang makipag meet dun tapos ngayon boyfriend na niya?


Iba din! Sarap tsinelasin ng sandugo. Pag ito talagang babae na ito niloko niyang James na yan babatukan ko pa yan para mas lalong masaktan.


Sadista ba? Ganun talaga para matauhan, minsan kasi hindi naman masamang mag pakipot muna kesa naman magpaka easy to get.


"Oh Hi, i'm James Arellano"

Nakangiting approach saken nung James nilahad pa nga niya ang kamay niya para mag shake hands kami pero syempre hindi ko tinanggap allergic kasi ako sa mga lalaking playboy.

"Babe? Baka naman gusto mong ipakilala samen yung kasama mo" Nakangiting sabi ni Celine dito.


Bumaling si james sa kasama niya ngayon na busy sa cellphone nito.

Point of view ng mga Single [On-Going] Where stories live. Discover now