Halos malukot na ang mukha ko habang nag titipa nang number ni Celine sa aking cellphone. Kahit kelan talaga itong babaeng to puro kalandian inpluwensya saken. Tatawagan ko ang baliw kong bestfriend! Aawayin ko. Nag installed ba naman ng Dating app sa aking cellphone.
Tsaka ano bang ginagawa sa app na ito? Wala akong idea sa mga ganto!
Calling...
Neneng Malandi
Yan po yung naka save na name niya sa phone ko. Tutal maharot naman siya.
Isang ring pa lang ay agad na nitong sinagot ang tawag.
"HOY BRUHA KA TALAGA! ANO NA NAMAN BA ITONG INISTALLED MO SA PHONE KO!"
halos lumabas na nga ang ngala-ngala ko sa kakasigaw sa kanya sa tawag at ang bruha tumawa pa halatang tuwang tuwa sa pinag gagawa niya. pasalamat siya at nasa cellphone ko lang siya makakausap pero humanda siya sa akin pag nagkita kami.
"Hahaha easy best! Isn't it obvious na Dating app yan?" Feeling ko nga umikot pa ang mga mata nito ng sabihin niya ito.
Aba namimilosopo pa siya ngayon huh? obvious na obvious nga!
Lagot talaga itong babaeng ito sa akin pag nakita ko ito sa personal kukurutin ko talaga siya sa singit. gulantang ang brain cells ko sa kanya.
"Ako nga tigil-tigilan mo sa kakapilosopo mo may atraso ka sa akin! bukas pag pasok humanda ka sa akin. "
pag babanta ko sa kanya pero hindi man lang natinag ang babaita. Sa halip tumawa ito ng malakas. Baliw talaga!
"Hahaha! Wag kana mahigh blood best baket hindi mo itry muna yan bago ka mag alboroto diyan. "
"Tsk Ano namang mapapala ko sa dating app na yan? Nakakain ba yan? Nakakayaman ba yan? "
"Jusme best! Wag kanang pakipot para din naman sa economiya yan e"
Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. Para sa economiya? Anung connect?! Kahit kelan talaga mema itong si Celine e.
"Pakiconnect nga kung paano naging para sa economiya yun aber? "
"Gaga! Syempre para mabawasan ang mga single sa lipunan duh! Nasa modern era na tayo kung saan nauuso ang mga in a relationship!"
Kahit kelan talaga ang talino nitong si Celine. Matalino sa kalokohan idadamay pa ako! Jusme hindi man lang nagiisip.
"Ewan ko sayo! As if namang uunlad ang economiya ng bansa pag nag lovelife ako. " i rolled my eyes upward as if makikita niya ako na ginawa yun.
"Anu ba naman yan best medyo bubu lang! Syempre uunlad ang economiya pag nagka lovelife ka! Isipin mo pag nilagawan ka bibili ng chocolates, flower, and stuff toy yung guy. Pag kayo naman na bibilhan ka niya ng pagkain, damit, jewelries, at kung anek-anek mo sa katawan, then kung mag si-sex kayo bibili siya ng condom, then syempre lahat ng binayad niyo sa mga yun may Tax kung saan makakadagdag sa Pondo ng bansa. Oh diba ang galing so Mag lovelife kana best! "
YOU ARE READING
Point of view ng mga Single [On-Going]
General FictionPara sa mga SINGLE : Lovelife? Sus panira lang yan ng buhay! Mag lalove life pa kayo mamamatay din naman, Mag mamahal ka pa kung sasaktan ka din naman, Liligawan ka pa kung iiwan ka din naman, Kalandian ng mga tao nga naman oh! WALANG FOREVER...
![Point of view ng mga Single [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/154368808-64-k854375.jpg)