"Oh siya't mauuna na ako sa inyong dalawa. I still have some important matters to attend to," paalam niya bago itinuon muli ang buong atensyon sa akin. "If ever you need something don't hesitate to ask my staffs, Iarra. Ibibilin din kita sa kanila bago ako umalis."

"No need, Tita! We're fine," agap ko.

"Okay, then..." she smiled at me before nodding at Silver. "It's nice meeting you again."

Tita Cora gracefully walked out of the hotel with a bodyguard following her. Some of the hotel staffs even stopped whatever they're doing just to greet her and she just nodded at them with a smile.

Ibinalik ko kay Silver ang aking tingin na nakatitig sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.

"Uh... She is Gio's auntie. And if you know Orion, she is his mom," I elaborated. "We're acquainted with each other because Gio often brings me to their family events."

"I know..." he nodded and licked his lower lip. "Siya ang may-ari nitong resort at hotel, 'di ba?"

"Well... their family owns The Valley," I told him.

Muli naman siyang tumango bago ngumiti sa akin. "Halika na at kailangan na nating umalis para hindi tayo maabutan ng mainit na pagsikat ng araw."

Sumang-ayon ako at nagmadali na kami sa paglabas ng hotel. Hinubad ko rin ang aking sandals bago ako tumapak sa puti at pinong buhangin.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa paglubog ng aking mga paa sa buhangin bawat pagyapak. The fine grains of white sand were very ticklish and satisfying. Nanunuot pa ito sa pagitan ng aking mga daliri kaya ramdam na ramdam ko ito. Mabuti na rin na hindi pa kumakapit sa aking balat ang buhangin dahil hindi pa naman ako nagbabasa.

Napaisip tuloy ako na medyo matagal-tagal na rin pala mula noong huling punta namin ni Gio rito upang maligo sa dagat dahil wala kaming magawa. I never thought that I was missing the beach this much. I just realized it now that I'm back here.

Nag-angat ako ng tingin sa dagat at sa 'di kalayuan ay may iilang motorboats na naglalayag doon. They must be fishing, snorkeling or diving. Naiinggit tuloy ako sa kanila. I know how to swim and stay afloat but I'm not confident enough to swim deep and explore under the sea.

Tumigil kami ni Silver sa paglalakad nang makalapit kami sa isang puting motorboat. Iginala ko ang aking tingin upang hanapin kung sino ang magmamaneho nito ngunit kami na lang dalawa ang tao sa parte na 'to ng dalampasigan. Ang mga turista ay hindi nagagawi rito sa daungan ng mga bangka.

"Nasaan ang bangkero?" inosente kong tanong kay Silver na inaalis na sa pagkakatali ang bangka mula sa nakatusok na kawayan.

Ngumisi siya sa akin. "Ako."

My eyes slightly widened. "Are you sure?" I can't help but to feel nervous.

Bahagya siyang humalakhak. "Marunong akong magpatakbo ng bangka," sabi niya at saka inilahad ang kanyang kamay sa akin. "Do you trust me?"

My eyes travelled from his hand to his face. The way he smiled and his eyes looked at me were screaming that I could trust him my life. The ray of the rising sun shined on his figure made him so hard to look at but I didn't blinking my eyes just to keep on looking at him. His smile got brighter than the sun's rays when I placed my hand on top of his.

Maingat niya akong inalalayan at inangat upang makasakay sa bangka. Pinaupo niya ako sa kawayan na silbing upuan dito sa loob.

Ang akala ko'y aakyat na rin siya ngunit inangat niya ang mangas ng kanyang t-shirt pataas sa kanyang balikat at saka sinimulan ang pagtulak sa bangka na aking sinasakyan. Napalunok ako habang tinitingnan ang nagagalit niyang braso habang buong pwersa niyang tinutulak ang bangka.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now