Arranged Marriage From Hell

265K 2.2K 162
                                    

PROLOGUE

Minsan nagtataka talaga ako kung apo ba talaga ang turing sa akin ni Lolo eh. Nilagay ba naman sa Last Will and Testament niya na kailangang ikasal ako sa isang OH SO HOT NA LALAKING SAKSAKAN NG KAYABANGAN AT KASAMAAN NA PWEDE NA NIYANG PALITAN SI SATANAS. 

"Anak, Bilisan mo. Mala-late tayo sa kasal mo" Sana nga Mommy. Sana ma-late nalang tayo para hindi matuloy yung kasal. Ayokong ikasal sa kanya! "Sabagay, hindi naman sila pwedeng magsimula ng wala ka. Take your time anak" Ang bi-polar mo mommy. -.-

Pinikit ko nalang ang mata ko habang inaayos nung bakla yung make-up ko. 

At Pagmulat ko, Nasa simbahan na ako at nagmamarcha na papunta sa altar. Si Mommy at Daddy ang naghatid sakin. Dapat si Daddy lang naman talaga kaso Daddy's girl ako at sabi ni Mommy na baka daw kung anung sabihin ko kay Daddy para hindi matuloy ang kasal. 

At sa Dulo ng Altar, nakatayo ang aking soon-to-be Asawa. Iniisip ko palang na titira kaming dalawa sa iisang bahay, kinikilabutan na ako. Inabot na ako ni Daddy sa aking demonyong future. "Sexy mo sa wedding gown ah. Gusto mo unahin na natin yung honeymoon tapos mamaya nalang yung ceremony?" Binatukan ko nga. 

"Maawa ka naman, nasa simbahan na tayo ang manyak mo parin. Tsk, ibang klase ka talaga. Bilisan na nga natin para matapos na to" Bulong ko sa kanya. Siguro nagtataka yung mga tao kung bakit ang tagal namin. 

"Excited ka sa honeymoon noh?" Naka-grin pa siya. Di ko nalang pinansin tapos hinila ko na siya sa altar. Ang bagal bagal kumilos. Excited na kaya akong makita yung abs ni--- Este yung handa sa reception mamaya. 

"I, Chiro Okuma, take you Ayumi Yano, to be my wedded wife. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part. And hereto I pledge you my faithfulness." 

"I, Ayumi Yano, take you Chiro Okuma, to be my wedded husband. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'till death do us part. And hereto I pledge you my faithfulness." 

Nasusuka ako sa pinagsasasabi ko. "You may now Kiss your bride" 

Nilapit niya sakin yung mukha niya at may binulong, "You may now kiss your single life goodbye" At pagkatapos niyang sabihin yun, hinalikan niya ako. Sige na, hindi lang siya gwapo, ang galing rin niya humalik. Sayang talaga siya, mala-demonyo kasi ang ugali.

"Bilis Love, excited na ako sa honeymoon natin" Nginitian niya ako ng nakakaloko sabay hila sakin papasok ng hotel room namin sa Paris. Fvck, ano ba itong napasukan ko? T.T

Bigla nalang niya akong tinulak sa kama at sinimulang hali--- Okay, Too much information! Mga bata, Alis muna kayo at Rated SPG itong part na ito. Joke. Syempre imagination ko lang yan. 

Di naman daw niya ako type eh kaya wag daw akong umasa na may honeymoon. Buti naman at talaga hindi ako umaasa. Pero pwedeng pasilip ng abs? *mental slap* Nasisiraan na ata ako.

Eh kasi naman, kung nakatayo lang siya sa isang pwesto at hindi magsasalita, mukha siyang bench model pero kapag nagsalita na... Ubod ng Kasamaan. Promise! Peksman. 

Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ko kasama ang aking Demonyong Asawa?

✄ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

2012 © PerfectDream28 / DJ

All rights reserved

P.S. Walang konek 'to sa Religion chuchu. Di ako Atheist noh. :) 

P.P.S Half Japanese yung mga characters kaya ganyan ang mga pangalan nila. 

P.P.P.S Slow update to. Kapag Trip ko lang tsaka ako magu-update. Joke. May Quota ako.

P.P.P.P.S Dedicated 'to kay 43% dahil trip ko. 


Quota:

150 Reads *O*

20 Votes

Tamad nga ako kaya may Quota dapat. Lol :D

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon