Chapter 25

5.8K 147 2
                                    

ISANG LINGGO na simula nang magising si Julianne sa ospital. Nasa garden siya ng bahay ng mga magulang. Isang tasang kape ang inuubos niya kakaisip sa mga susunod niyang gagawin. Naalala na niya kung bakit siya pumasok ng Philippine Military Academy. At ito na siguro ang panahon na ibinigay sa kanya para tuparin ang mga plano niya.

Naikuyom niya ang mga kamao nang maalala ang nangyari dalawang taon na ang nakakalipas. Naalala na niya ang mga nangyari habang nasusunog ang dormitoryo. At sisiguraduhin niyang magbabayad ang salarin kung bakit siya nawalan ng alaala. Sisiguraduhin niyang magsisisi ito sa ginawa nito sa kanya.

Takip ang bibig ng sariling palad nang pilit niyang tumatayo at sinisiguradong hindi makalanghap ng usok. Laking pasalamat niya nang marating niya ang pinto ng k'warto. Lakas-loob niyang binuksan iyon at hindi niya alam ang dapat maramdaman nang makita ang mga tao sa likod ng pinto. Lumabas siya pero laking gulat niya nang itulak siya ng babae papasok ulit ng kanyang k'warto. Tumayo siya pero isinara nito ang pinto ng kanyang k'warto. Buong lakas niyang hinihila ang doorknob pero mukhang ni-lock na iyon sa labas. Malakas ang mga katok niya pero hindi na siya pinagbuksan.

"Alam kong may bumabagabag sa isip mo simula nang magising ka."

Napalingon siya sa kanyang ama nang magsalita ito. Nginitian niya ito pero hindi umabot sa kanyang mga mata.

"Puwede mong sabihin sa akin ang gumugulo sa'yo, anak."

Ramdam niya ang pag-aalala ng ama. "I want to file a case."

Nakita niya ang gulat sa mga mata nito.

"Against Tiya Andi. Attempted murder."

Nanlaki ang mga mata ng kanyang ama sa kanyang sinabi. "Ang Tiya Andi mo?! Paanong nangyari?!"

"Nakita ko siya sa labas ng k'warto ko. Nakalabas ako pero tinulak niya ako pabalik. Alam kong silang mag-asawa ang nag-lock ng k'warto ko. Hanggang sa nawalan na ako ng malay."

Naikuyom ng kanyang ama ang mga kamao sa galit. "Talagang dinamay kayo ng Tiya Andi niyo para lang makuha niya ang gusto niya!"

"Naalala ko na kung bakit ako nag-pulis."

Napatingin sa kanya ang ama. "Ha?"

"I heard you and Tiya Andi talking about the company. She wants the Ramirez Empire."

"Talagang dinamay ka niya sa sobrang kasakiman niya," kita ang galit sa mukha ng ama niya. "Hindi aksidente ang pagkasunog ng dormitoryo. Hinala ng mga pulis na sinadya ang sunog. May mga natagpuang gallon ng langis 'di kalayuan sa dormitoryo pero walang nakuhang ebidensya kung sino ang gumawa. Dahil hindi lang naman ikaw ang naging biktima ay hindi ko naisip na ikaw talaga ang pupuntiryahin ng suspek."

"Siya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng alaala. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang mga kasalanan niya. Ako mismo ang maglalagay ng posas sa mga kamay ni Tiya Andi."

KINABUKASAN AY pumasok sa himpilan si Julianne at nagsampa ng kaso laban sa kanyang Tiya Andi. Mabilis na kinasa ang arrest warrant laban sa huli. Dahil halos dalawang taon nang hindi nagpaparamdam ang Tiya Andi niya ay wala siyang alam kung saan puwede itong magtago. Kaya pala hindi na nagpaparamdam ito sa kanila ay may ginawa na pala ito. Kung nakaalala lang siya agad ay hindi na nagtagal pa itong malaya sa mga oras na iyon.

Desidido siyang sampahan ng kaso ang Tiya Andi niya. Hindi lang siya ang ginawan nito ng masama. Maging tinakot din nito ang kanyang ama na idadamay silang magkapatid kapag hindi nito nakuha ang Ramirez Empire. Iyon pala ang dahilan kung bakit nagawa niyang i-record ang usapan nito at ng kanyang ama. Buti na lang ay itinago niya ang kanyang cellphone. Nang magising siya ay kasabay niyon ang alaala kung saan niya tinago ang recording ng pag-uusap. Ginawa niyang ebidensya iyon laban sa kanyang Tiya Andi.

Matapos ang masusing imbestigasyon ay may nakapagtimbre sa himpilan kung saan nagtitigil ang mag-asawang Andi Ramirez at Ronald Gonzales, ang mga tumulak sa kanya sa nasusunog na dormitoryo. Sa tulong na rin ni Martin ay mabilis na natunton ng grupo nila ang pinagtataguan ng mga ito sa Pampanga. Hindi siya nagpapigil na sumama sa mga pulis na aaresto sa mag-asawa. Gusto niyang siya ang magpoposas sa mga ito.

Walang kaalam-alam ang mag-asawa nang buksan ng Tiya Andi niya ang pinto ng apartment na tinutuluyan ng mga ito. Kita niya ang gulat nang magtama ang mga mata nila at tingnan nito ang ibang pulis na kasama niya sa kanyang likuran.

"Julianne? A-Anong ginagawa mo dito?" himig ng takot ang boses ng kanyang Tiya Andi. "At may kasama kang mga pulis?"

"Nice to see you again, Tiya Andi," bati niya sa matandang babae. "Inaaresto kita sa salang pagbabanta sa aking ama at pagtangkang pagpatay sa akin dalawang taon na ang nakakalipas."

Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito sa sinabi niya pero wala na itong nagawa ng lagyan niya ng posas ang mga kamay nito. Si Martin naman ay ang asawa nito ang hinuli.

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. You can't afford an attorney, one will be provided for you."

Humingi ng tawad ang kanyang Tiya Andi niya na agad naman niyang pinatawad pero kailangan pa rin nitong pagbayaran ang mga nagawang kasalanan lalong lalo na ang pagsunog sa dormitoryo na kinadamay rin ng ibang estudyante noon.

----------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 1: Julianne, The Beautiful Cop [COMPLETED] Where stories live. Discover now