Chapter 23

5.5K 139 1
                                    

"PATAY TAYO d'yan. Tinamaan nga ata talaga."

Sinamaan niya ng tingin si Martin nang magkasalubong sila sa hallway. Nagulat siya nang bigla siya nitong abutan ng mga bulaklak. Alam niyang kay Joseph Madrigal na naman iyon nanggaling. Mukhang tinotoo nga nito ang sinabi nitong babalik at manliligaw. Halos araw-arawin ng huli ang pagdalaw at pagbibigay ng kung anu-ano. Kung hindi nga lang niya kinausap si Martin na sabihin sa kaibigan ang pagbibigay ng kung anu-ano dahil nasa loob sila ng academy at wala siyang lugar na paglalagyan ng kung anu-anong regalo nito.

"Maganda kasi ako. Ikaw lang naman hindi naniniwala."

Nagpatuloy sila sa paglalakad habang nag-uusap. "Ngayon ko lang nakitang ganoon iyon kaseryoso sa panliligaw. Dati naman hindi madaling mahulog sa babae. Ni hindi nga n'on pinapansin ang mga babaeng nanliligaw sa kanya."

"Babae talaga nanliligaw?"

"Nagpaparamdam."

Tumango siya. Hindi rin naman niya maitatanggi. Guwapo ang kaibigan ni Martin. At kinikilig din naman siya sa mga pa-bulaklak ng lalaki. Nalaman niyang Business Ad ang course ng lalaki sa isang kilalang university sa Manila. Kung nagkataon siguro ay magkaparehas pa sila ng kurso pero hindi naman niya kinakalimutan kung bakit siya nandoon sa PNPA. Kailangan niyang makatapos.

Lumipas ang halos anim na buwan at nanliligaw pa rin si Joseph kay Julianne. Hindi na rin naman maitatanggi ng dalaga na gusto niya ang ginagawa ng binata. Hindi na riya maitatanggi ang nararamdaman para dito. Hindi rin naman mahirap mahalin ang lalaki. Pinaparamdam talaga nito na seryoso itong makuha ang matamis niyang 'oo'.

Dumating ang bakasyon at umuwi siya sa kanila. Nagulat na lang siya nang biglang sumulpot sa kanilang gate ang malaking bulto ni Joseph Madrigal. Nanlaki ang mga mata niya nang matapang na sinabi nito sa kanyang ama na nanliligaw ito sa kanya. Hindi naman niya kinakitaan ng pagtanggi ang ama bagkus ay ramdam niya ang pagkatuwa ng nito sa binata.

Hindi rin nagtagal ay sinagot na niya ang binata. Nagtagal ng dalawang taon ang relasyon nila. Nagtiis ito sa hindi naman long distance relationship dahil pumapasok siya sa PNPA. Bago ang huling taon niya sa PNPA ay naipakilala siya ng kasintahan sa mga magulang nito noong Christmas break. At laking gulat na lang niya nang mag-propose ito sa garden ng mga Madrigal at pagkatapos niyang sumagot ng 'yes' ay nagulat siya nang biglang lumabas ang lahat ng kamag-anak nila at mga kaibigan. Napag-usapan pa nilang si Martin ang magiging best man dahil saksi ito sa naging love story nila.

Isang taon na lang ay matatapos na ang pag-aaral nila ni Martin sa PNPA at magkakasama na sila ni Joseph sa labas ng academy. Marami silang plano ni Joseph kapag nakalabas na siya ng PNPA. Pero ang mas pinagtuunan nila ay ang plano nilang kasal kapag naka-graduate na sila pareho.

Punong-puno ng pagmamahal ang kanilang puso. Nangako sa isa't isang hinding-hindi maghihiwalay at magsasama magpakailanman. Bawat araw na lumipas ay mas lumalalim ang pagmamahalan ng dalawa para sa isa't isa.

-------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 1: Julianne, The Beautiful Cop [COMPLETED] Where stories live. Discover now