Chapter 19

5.5K 164 0
                                    

HINGAL AT habol ang hininga nang takbuhin niya ang emergency room ng St. Peter's Medical Center. Halos isahing hakbangin niya si Martin na nakaupo sa isang hilera ng mga upuan sa labas ng emergency room. Lalapitan sana siya ng dalawang pulis na kasama nito na nakatayo sa labas pero mabilis niyang nahigit ang kwelyo ni Martin na ikinagulat nito.

"Nasan si Julianne?!" napatayo si Martin sa pagkakahigit niya sa kwelyo nito. "Anong nangyari?!"

"Joseph," tawag nito sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang pag-iyak. "S-Sorry."

Hindi siya magawang salubungin ng tingin ng kaibigan. "Anong sorry?! Anong nangyari?!"

Gusto siyang pakalmahin ng ibang pulis na kasama nito pero hindi niya binibitawan si Martin.

"A-Ang bilis kasi ng pangyayari. H-Hindi ko alam na n-natamaan na pala siya ng bala," ngarag pang paliwanag ng lalaki.

Halos buhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. Hindi siya lubos makapaniwala sa sinabi nito kanina sa tawag.

"Sinugod namin si Julianne sa ospital."

"Ginawa ko ang lahat para maisugod siya ng mabilis dito sa ospital," nakita niyang bumagsak na ang mga luha ng kaibigan. "Ginawa ko ang lahat, Joseph. Maniwala ka."

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha habang unti-unting naluluhod sa harap ng kaibigan. "M-Martin," ngarag na tawag niya sa kaibigan. "H-Hindi ko kakayanin kapag tuluyang mawala sa akin si Julianne!"

"Kakayanin ni Julianne ang operasyon," lumuhod na rin ito sa harap niya at hinawakan ang kanyang balikat. "Magagaling ang mga doktor dito."

"A-Ano bang nangyari?!" sigaw niya rito. Pati na rin sa mga pulis na kasama nito. "Bakit siya tinamaan ng bala, e, nasa himpilan lang siya, 'di ba?!"

Nakita niyang tumungo si Martin. Hindi nito masalubong ang mga mata niya. Hinawakan niya ito sa balikat at inalog-alog, pinipilit ang kaibigan na magsabi ng totoo.

Tumayo siya at tinungo ang dalawang pulis. Dinuro-duro niya ang mga ito. "Anong nangyari?! Bakit siya tinamaan ng bala! Bakit may nagpaputok ng baril sa himpilan niyo! Akala ko ba inaalagaan niyo ang mga kasamahan ninyong babae!"

Hinawakan siya si Martin sa balikat at pilit pinapababa ang kamay niyang nakaduro sa mga kasamahan nito.

"Sir," tawag ng isang pulis sa kanya. "Hindi namin ginusto ang nangyari."

"E, ano ngang nangyari?!"

"May isa kasing nahuling most wanted na nang-agaw ng baril," paunang paliwanag ng isang pulis.

"Hinayaan niyong maagawan kayo ng baril?!" bulyaw niya sa mga ito.

"Joseph," awat ni Martin sa kanya.

"Nirerecord kasi ni Ms. Ramirez ang kaso nang mang-agaw ang suspek."

"Bakit nasa harap kayo ng fiancè ko!" Hindi niya pa rin lubos maisip ang sinapit ng kasintahan. Para siyang unti-unting pinapatay habang hindi pa rin nalabas ang doktor na nag-oopera sa kanyang fiancè. Hindi niya lubos maisip na nangyari na naman ito sa kanya. Parang nasa bingit na naman ang buhay ng babaeng mahal niya at sa pagkakataong ito ay wala siyang magawa.

Niyakap siya ni Martin at pilit na nilalayo sa dalawang pulis na halos sigaw-sigawan na niya.

"Kailangan kasing kuhanan ng record ang suspek," naluluhang paliwanag ni Martin. "Nasa tabi niya ako, Joseph. Sorry, pero hindi ko man lang nasangga 'yong bala. Patawarin mo ako."

Napasandal na lang siya sa pader at nasalampak sa sahig. Kahit ano pang sigaw at galit ang gawin niya, hindi pa rin nito maiibsan ang sakit na nararamdaman ng kanyang kasintahan sa mga oras na iyon. Kahit gusto niyang magalit kay Martin ay hindi niya magawa. Alam niya kung paano binantayan ng huli ang kasintahan niya para sa kanya sa nakalipas na isang taon. Masakit lang para sa kanya na dapat siya na ang nagbabantay dito.

Dapat pinatigil ko na siya sa trabaho niya!

Halos sabunutan na niya ang sarili sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Kung puwede lang na siya ang pumalit sa puwesto ng kasintahan ay gagawin na niya.

"Kakayanin ni Julianne 'to. Nakaya niya nga noong una, kakayanin niya ulit ito," pang-aalo sa kanya ng kaibigan. "Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi tayo iiwan ni Julianne. Hindi ka iiwan ni Julianne."

Napatango na lang siya kahit na halos hindi na tumigil ang pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Joseph!"

Bigla ay napatayo siya nang marinig ang boses ng ama ng kasintahan. Mabilis na niyakap niya ito at naramdaman niyang inalo nito ang kanyang likod.

"She will be okay. Matapang ang fiancè mo. Lumalaban," ani ng matandang lalaki.

"She will be okay," humiwalay siya sa pagkakayakap dito at ngumiti pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"Magiging okay din si ate," si Janelle na nasa likod pala ng matandang lalaki.

Tumango-tango siya sa mga ito.

Halos isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin lumalabas ang doktor na nag-oopera sa kasintahan. Mas tumatagal mas lalong napupuno ng kaba ang dibdib niya. Hindi siya tumigil sa pagdarasal para sa ikatatagumpay ng operasyon. Hindi siya umalis sa waiting area. Inalok siyang magpahinga muna ni Mr. Ramirez pero ayaw niyang umalis doon hanggat hindi niya nasisigurado na maayos na ang lagay ni Julianne.

Umalis na rin ang dalawang pulis na kasama ni Martin pero nagpaiwan na rin ito. Ramdam niya ang konsensya ng huli dahil sa nangyari. Pero hindi naman niya ito sinisisi. Alam niya kung paano nito binantayan at inalaagan ang kanyang fiancè. Ito ang pinagkatiwalaan niya para tingnan si Julianne habang wala siya. Alam niyang ginawa talaga nito ang lahat para madala ng mabilis ang huli sa ospital.

Halos sabay-sabay silang tumayo nang lumabas na ang doktor na nag-opera kay Julianna.

"Are you the patient's family?" tanong ng doktor sa kanila.

"Yes," sagot niya. "I'm her fiancè."

"She's my daughter," anang naman ni Mr. Ramirez.

Tumango-tango ang doktor. "I am Dr. Isaac Panganiban. She is actually my regular patient. Julianne is positively respond to the operation. Lumalaban ang pasyente. Pero hindi ko rin naman maitatanggi na naging delikado ang operasyon dahil tumama ang bala sa kanang bahagi ng baga niya."

Halos pagsakluban siya ng langit at lupa sa narinig. Nakita niyang halos maiyak na rin Janelle sa narinig na kondisyon ng kapatid at napayakap ito sa ama.

"Makaka-recover naman siya, dok, 'di ba?" si Martin na ang nagtanong ng gusto niyang tanungin kaso nawalan siya ng lakas ng loob dahil sa sobrang takot at pag-aalala.

Tumango-tango ang doktor. "Thanks, God. The operation is successful. We just need to wait for her to wake up. Kailangan niyang mag-stay sa ospital hanggang sa tuluyang gumaling ang mga sugat niya, lalong-lalo na sa dibdib dahil kailangan naming tahiin para matigil ang pagdurugo. Salamat na lang din dahil mabilis siyang naisugod sa ospital. Kung hindi, maraming dugo ang mawawala sa kanya."

Bigla ay nakaluwag siya ng paghinga sa ibinalita ng doktor.

"Maraming salamat, dok," ani ng ama ni Julianne. "Malaki ang utang na loob ko sa inyo."

"Wala iyon. Trabaho ko po iyon," ani ng doktor. "Mauna na po ako. Inaayos na ng mga nurse ang magiging room ni Julianne. Wait na lang po sa tawag ng nurse kung puwede na siyang bisitahin."

Bigla ay nayakap niya si Martin nang makaalis na ang doktor.

"Thanks, pare," bulong niya rito.

----------------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 1: Julianne, The Beautiful Cop [COMPLETED] Where stories live. Discover now