"Alam mo ba ang address niya?" tanong niya kaya agad kong isinulat ito. Lahat ng impormasiyon na alam ko sa kanya, sinulat ko.

May purpose naman pala na naging ex ko siya noon.

"Aaksiyonan namin agad agad. Thanks for the information Miss Joson. Babalitaan nalang namin kayo." sabi niya at nagpasalamat kami at bumalik sa ospital.

There he was again.

Lumapit ulit ako sa kanya. Walang tao sa room besides sa aming dalawa.

Pati din siguro si Tita Sheila hindi kinaya. Kaya nandoon sila sa labas, trying to comfort her.

"Kasalanan ko to."

Yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Kung hindi dahil sa akin, hindi siya magagalit sa iyo."

"Kung hindi dahil sa akin, gising ka pa sana ngayon."

"Sana hindi nalang ako pumasok sa buhay mo."

"Dapat ako yung nandyan, hindi ikaw."

Hindi ko kayang nakikita siyang ganyan. May mga tubo na nakalagay sa iba't ibang parte ng katawan niya. Parang nahihirapan na siya.

"Please gumising kana." pagpapaalala ko ulit althen squeezed his hand.

"Magbabayad si Jerome McCoy. I promise." sabi ko at hinalikan ang kamay niya.

"Basta please. Gumising kana."

Bumukas ang pinto kaya lumingon ako kung sino ito.

"Miss Joson. I have some news." sabi ng doktor.

"After doing some test nung pumunta kayo sa pulis, he's recovering really fast. Nangyari lang ang aksidente a few hours ago, but mabilis makarecover ng katawan niya. Maybe in a few days, magigising na siya." pag-e-explain niya.

Nabuhayan naman ang loob ko. Naririnig niya ako. Kaya lumalaban siya.

I squeezed his hand tighter.

"Thanks for the good news doc." sabi ko at tumango lang siya at lumabas ng kwarto para ibalita kina Tita.

Tumingin ako pabalik sa kanya. Umupo ulit ako at pinagmasdan siya ng maigi. Nangiti ako sa sarili ko.

"Lumalaban ka." sabi ko.

"Pagpatuloy mo lang ah."

Hinalikan ko siya sa noo at umalis na muna.

Lumabas ako at sinalubong agad ng yakap ni Tita Sheila.

"Salamat."

Sabi niya habang umiiyak. Yinakap ko siya pabalik. Grabe siguro yung nararamdaman niya ngayon.

Anak niya yung nandun eh.

"Dahil sayo lumalaban siya." sabi niya at kumalas sa yakap. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Dahil sa ating lahat, lumalaban siya." I reassured. Ngumiti lang siya sa akin. Nabubuhayan nadin ng loob.

Hanggang gabi nandun lang ako. Hindi ako umalis. Binabalik balikan ko siya bawat minuto. Ayaw kong mamiss yung oras na maimulat niya yung mata niya. Gusto kong ako yung unang taong makikita niya paggising niya.

Gusto kong malaman niya na naghihintay ako. Kinakausap ko siya, hoping for him to hear me. Ayaw kong iparamdam sa kanya na kahit ganyan yung sitwasiyon niya, wala ng gustong makipag-usap sa kanya.

One week later

"Gising na kasiiiii." sabi ko for the hundred time today. Nababagot na ako sa one week na wala siya. Hindi na ako pumapasok sa trabaho dahil nandito ako 24/7 sa ospital.

One week na, di parin siya nagigising. .

Nung araw na yun, hindi nakita si Jerome. Wala siya sa bahay niya. At pinuntahan din lahat ng kugar na pwede niyang pagtaguan, pero waley. Mahirap hanapin ang ayaw magpahanap, pero ongoing parin yung paghahanap sa kanya.

Ang sarap batukan nung taong yun. May saltik na yata talaga. Walang magawa sa buhay. Ang galing pa sa tagu-taguan.

Kaya tuloy hindi ko makausap si McCoy.

Pero umaasa nalang ako sa sinabi ng doktor na in a few weeks magigising na siya. Mabilis daw kasi yung recovery niya. Mas mabuti na yun kaysa naman months or years na paghihintay.

Namimiss ko na sya. Yung ka chessy-han niya. Yung nga pagkaing binibili niya. Lahat. Miss ko na yung Mokya ko.

"Paggising mo, uupakan agad kita para malaman mo kung gaano kasakit maghintay. Tapos babatuhin kita ng pinggan para malaman mo din kung gaano ako katagal naghintay ng mga pagkaing binibili mo para sa akin. Tapos sisipain kita papuntang California para matauhan kana at hindi mo na ako pag-alalahanin pa ng ganito ulit." sabi ko at pinisil-pisil ang kamay niyang ang sarap durugin.

Gising na kasi.

Nakatanggap ako ng text matapos ko siyang kausapin. Parang kinakausap ko lang nga sarili ko.

From: Unknown number

Sinabihan na kita. Ayan tuloy, nawala Mokya mo.

Nawrong send?

Hindi eh, may Mokya na nakalagay. At ako lang ang taong tumatawag ng Mokya kay McCoy, kung meron mang iba, ewan ko lang. Incoming World War 3.

Sino naman kaya to?

Sandali..

Sino..

Yung..

Taong..

Binabantaan..

Ako..

Na..

Mawawala..

Ang...

Kasayahan ko...

Someday?

Jerome.

Langya tong taong to di ba talaga titigil? Yan na nga ba talaga ang ginagawa mo ngayon.

Agent in sira sira lablayp slash putol putol ng brake at patay patay ng tao?

To: Unknown number

Hoy lalaki! Kung nasaan ka man, pagpakita ka na dahil parehas naman nating alam na wala kang kalaban laban pag makita ka! Langya mo may pa text text ka pa close tayo? Pag makita kita Jerome, ewan ko lang. MABUTI NALANG AT NAKASURVIVE SI MCCOY!

And send.

Bwiset. Kala mo kung sino. Epal lang naman sa storya tong taong to.

From: Unkwon number

Aww. I miss you too. Wag kang mag alala makikita mo din ako ulit. Hintay ka lang. At sayang nga hindi pa natauhan si McCoy eh.

Makapal na fez? Grabe to! Hindi ako takot sayo!

To: Unknown number

Get your own life and stop ruining mine. I don't fvking care about your damn life. May buhay ka, may buhay ako. Patas lang tayo. At sumuko kana dahil uubusin ko pera mo at ibibili ng dalawampung dosena ng frappe sa Starbucks!

I'm serious. Pagmahuli si Jerome, sisiguraduhin kong hindi na siya makaklapit sa akin, ever.

Sana nga lang at tuloy tuloy na ang recovery ni McCoy.

At sana mahuli na si Jerome.

Because he sounds like he prepared another plan.

Help.






The Arranged Marriage | McLisseWhere stories live. Discover now