"Pagkagising mo Liezel magsasama na kayo ni James"tanging narinig ko na kataga bago tuluyang pumikit ang aking mga mata

Third Pov:

Dali daling binuhat ni Peter ang katawan ni Liezel at dinala ito sa banyo at idinaan sa isang maliit na bintana doon nya ito ibinato palabas at muling bumalik ngunit nakita nya ang kanyang repleksyon sa harap ng salamin at doon sya ngumiti

"Ang dumi muna Peter sabi ko naman sayo ako na ang gagawa ng  trabaho hindi ba binayaran mo ako para patayin silang lahat nalilimutan muna yata"sabi ng isang imahe na nasa kanyang isip inalog nya ang kanyang ulo at muling humarap sa salamin

"Masyado kang mabagal kumilos kaya ako na ang gumawa ng dapat tapusin saka isa pa wag mo akong tuturuan kung anong gagawin ko"naiiritang sagot ni Peter sa kanyang sarili tila sya baliw na kinakausap ang sarili sa salamin at nakikipagtalo pa

"Dadalhin ko si Liezel sa tagong lugar at doon ko ipapaalam sa kanya ang lahat"bigla nalang din umakyat si Peter sa bintana ng C.R at doon ay inakay nya ulit si Liezel
 
                                ***
Heidi Pov:

"Wala nga kaming alam dyan officer, kami lamang ang nakakita ng bangkay"sigaw ng naiinis na si Jacob kanina pa kami paulit ulit na tinatanong ng mga pulis dahil sa nakita naming krimen nandito kami ngayon sa opisina ng Head ng Assylum na ito

"Ikaw Heidi may alam kaba o nakita noong pumasok kayo"kinabahan ako sa tanong ng isang pulis dito na may medyo katangkaran at matipunong pangangatawan diretso syang nakatingin sa akin

"Tama na muna iyan mga officer kung may kailangan kayo sa imbestigasyon pwedeng ipagpalipas nalang bukas masyado ng pagod itong mga bata at kailangan nila ng pahinga"agad kaming napatingin kay Mr.Mercado mula sa kanyang pagkakatayo at pilit pinalalabas ang mga pulis na nagiimbestiga sa kaso

"Oh mga bata umakyat na kayo sa kwarto nyo at bukas na kayo magbigay ng salaysay alam ko namang pagod na kayo kailangan nyo na ng pahinga"binigyan kami ng isang ngiti ni Mr.Mercado at saka din sya umalis sa silid naiwan na lamang kaming tatlo ni Ian Jacob at ako

"Werdo ung matandang yon ahh tauhan nya ang namatay pero parang wala lang sa kanya"napakamot ng ulo si Ian at tumayo sa pagkakaupo at naghikab habang naguunat ng kanyang katawan

"Pagod kana ba Heidi? baka gusto mong ihatid na kita sa kwarto mo kailangan mong magpahinga nadin wag mong isipin ang mga nangyari kanina"nagaalalang sabi ni Jacob saakin sabay kaming tumayo at sinundan si Ian na naunang naglakad sa amin at hindi kumikibo alam kong balak na naman nyang resolbahin ang problemang ito kaya ganyan ang kinikilos nya hindi na lamang din ako nagpahalata kay Jacob

"Salamat sa paghatid Jacob magpahinga kana lang din"binigyan ko ng isang ngiti si Jacob bilang pasasalamat nya sa paghatid nya saakin sa kwarto

"Walang anuman magpahinga kana kung di ka makatulog sabihan mo lang ako para bantayan kita dyan sa kwarto mo"agad naman natawa sa sinabi ni Jacob sa akin

"Ano kaba nandito si Trina sa kwarto ko malamang ikaw lang din ang babantayan non"natawa na lamang kaming dalawa matapos magpaalam sa isat isa ay dumiretso na ako sa loob ng aking kwarto nagulat ako sa aking nakita nagkalat ang mga gamit sa loob pati narin ang mga damit namin ni Trina

"What happen bitch who did this"maliban sa akin ay nagulat rin si Trina sa kanyang nakita pagkapasok sa loob ng aming kwarto

"Ewan ko pagkapasok ko ganito na kakalat ang lugar"paliwanag ko na lamang kay Trina

"Iniwan mo bang bukas ang kwarto naten"natahimik ako sa sinabi ni Trina at dahn dahan ko na lamang na itinango ang aking ulo kasabay non ay ang pagpadyak nya ng paa at saka umalis alam kong nainis sya sakin kaya isa isa ko nalang pinulot ang mga gamit na nagkalat at binalik sa tamang pwesto maya maya nakarinig na lamang ako ng kumakalabog sa may bintana tila may bumabato rito at sinilip ko ito ng dahan nagulat pa ako sa kanilang dalawa na kumakaway sa akin parang hindi ako makapaniwala at isa itong panaginip sumenyas sa akin si Oliver kaya agad ko naman na itinaas ang bintana

Bakit kayo nandito Oliver? Alam ba ito ng principal?baka hanapin kayo sa school?"sunod sunod kong tanong sa kanilang dalawa ngunit hindi sila umiimik nagulat siguro sila sa nakita nila sa paligid

"Heidi,sino ang may gawa nito sinaktan kaba nya ha may ginawa ba syang masama sayo?"nagaalalang tanong saakin ni Claire

"Sino ba ang tinutukoy nyo? alam nyo ba kung anong nangyayari? pagkarating ko pa lamang dito nadatnan ko nalang na nakakalat ang mga gamit tinanong ko si Trina kung sya ba ang may gawa nito ngunit sabi nya lamang saakin kung iniwan ko bang bukas ang pintuan sabay umalis na sya na tila galit"alam kong galit sa akin si Trina pero mabuti na lamang at nandito ang kaibigan ko na si Claire para damayan ako

"Kailangan makahanap tayo ng pagtataguan nyong dalawa hindi kayo pwedeng makita rito baka anong isipin nila"pagiiba ko ng usapan agad naman nagtinginan sila Claire at Oliver at parehas na tumango sa isat isa

"Wag kang mag alala saamin Heidi,kaya nga kami pumunta dito para matulungan namin kayo iba kasi ang pakiramdam namin dito at isa pa bakit isang Assylum ang pagdadalhan sa inyo hindi naman kayo mga baliw alam kong may mga mali ditong nangyayari kaya ngayon magmamasid lang kami ni Claire wag mong ipahalata sa iba ang plano maski kay Ian dapat tayong tatlo lang nakakaalam para malaya kaming makakilos naiintindihan mo ba"tumango na lamang ako sa mga sinabi saakin ni Oliver agad nilang tinungo pabalik sa bintana upang bumaba iniwan naman nya sakin ang isang cellphone na tanging number nya lang ang nakasave pindutin ko lang daw ang dial key pag kailangan ko ng tulong yumakap muna ako kay Claire alam kong mali ang ginawang pagpunta nilang dalawa rito ngunit handa nilang ibuwis ang buhay nila para saakin pagkawala nila sa aking paningin ay agad akong bumalik sa pagliligpit ng mga kalat na nakalagay sa sahig gulong gulo ang paligid at talagang walang patawad ang gumawa nito maya maya pay may nakita akong sulat na natabunan ng isang kurtina agad ko itong pinulot at luminga linga sa paligid ng makumpirma ko na walang tao kinutuban na lamang ako hindi kaya sulat ito na nagpapahiwatig na ako na ang susunod na biktima dahan dahan ko itong binuksan at tinignan ang mga nakasulat

Pumunta ka sa likod ng gusaling ito makikita mo ang gusto mong malaman at kasagutan sa matagal mo ng tanong bago sumapit ang tanghalian dapat naroon kana
                                                                -P-

Napaisip ako kung anong mga pangalan ang malapit sa salitang P ngunit sadyang wala akong maisip siguro dala na rin ng pagod bigla naman bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Trina agad nya akong pinandilatan ng mata dahil napansin nya atang nakatutok ako sa kanya sa kanyang pagpasok tinago ko agad ang papel na hawak ko sa aking bulsa hindi nya maaring malaman kung ano ang nakasulat sa liham ba iyon humilata naman sya agad sa kama at mukang hindi nya napansin ang ginagawa ko dahan na rin naman akong humiga sa isa pang kama upang magpahinga ngunit hindi ko makuhang dalawin ng antok dahil ba siguro sa sulat na natanggap ko kanila lang sino ba ang may initial na P maya maya ay napabangon ako sa kama at nagtatalon sa tuwa

"Tumahimik ka nga baliw kaba talagang babae ka kita mo na may natutulog rito"agad naman akong napabalik ng higa rinig na rinig kong naghihimutok sa galit si Trina nadala lamang ako ng emosyon alam kong si Peter ang nagpadala ng sulat sa akin masaya naman ako dahil sya nga iyon alam kong kahit ganun ang ugali nya ay alam kong may maganda rin syang balita sa akin doon ay sinubukan ko ng ipikit ang aking mga mata maya maya na lamang ay dinalaw na ako ng antok kaya unti unti ng dumilim ang paligid

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Descendant Of The Devil[On Going]Where stories live. Discover now