Chapter 15

1.4K 27 1
                                    

Heidi Pov:

"Dapat ba natin talaga iwanan sila ni Trina At Peter na sila lang dalawa?"tanong ko kay Jacob kahit naman di kami magkasundo ni Trina ay nag aalala parin ako pero para yon kay Peter baka kasi hindi nya matagalan ang ugali ng babaeng iyon

"Ayos lang yon Peter can handle Trina alam mo naman si Peter masyadong mabait sa animals"sabay halakhak nitong si Evo matapos sumingit sa usapan namin ni Jacob ito naman si Third halos di mapakali kung saan saan nagmamatyag hindi ba sya nahihilo

"Guys hindi nyo ba naririnig ang parang may kaluskos sa banda roon"turo ni Jacob sa Faculty Room na nasa tapat lamang namin nagkatinginan kami nila Evo At Third at sabay na itinaas ang mga balikat at umiling kay Jacob senyales na wala kaming narinig

Shhhh' Listen pakinggan nyong mabuti"pabulong na tono ng salita ng Jacob at agad naman namin itong sinunod dahan dahan kaming lumapit sa pintuan at idinikit rito ang aming mga tenga at nakinig kung ano ba ang nasa likod nitong pintuan

"Shittt .."bulalas ni Third na nanlaki ang mata sa narinig

"May tao nga sa loob malamang baka ayun na ang killer baka isa itong trap guys"natatakot na sabi ni Evo malamang baka nga ito ang killer at balak nya na mahulog kami sa bitag nya

"Wait guys baka naman ito na si Liezel kailangan natin tignan"hinawakan ni Jacob ang doornob ng pintuan at dahan dahan na pinihit upang mabuksan ito

"Hey liezel are you there ? listen where here to help you ako na humihingi ng sorry sa asal ni Trina kanina lumabas kana dyan"pakiusap ni Jacob mahina ang kanyang boses pero alam kong madidinig ito ng tao na nasa loob madilim ang buong kwarto at tanging ilaw lamang ng bwan ang nagsisilbing liwanag namin sa dilim

"Guys parang wala naman si Liezel dito ee baka daga lang yong nadinig natin kanina pwede ba umalis na tayo dito iba na ang kutob ko ee"halata sa boses ni Evo ang takot kahit pala medyo palabiro itong si Evo ay makikitaan mo padin ng takot sa katawan

"Guys wait parang may tao sa banda roon ayun oh nakaupo"sinundan namin lahat kung saan nakatingin si Third at hindi kami nagkamali nakakita kami ng tao na nakaupo sa isang silya ng Faculty Room at halata sa kanyang pustura ang hugis lalaking katawan

"Guys Is that the killer?? Shit katapusan ko na ayoko pang mamatay" sa sobrang takot ko ay hindi na mapigilan ng aking bunganga at nabigkas ko ang mga salitang iyon halos gusto ng mag collapse ng puso ko sa sobrang kaba

"Guys parang di sya nagsasalita?"lakas loob na nilapitan ni Jacob ang anino at kami nila Evo at Third ay sumusunod lamang sa kanya tanging malalalim na paghinga lamang ang nadidinig namin bawat hakbang

"Teka guys ! Si James to bakit duguan sya sino may gawa nito James . James . Ako to si Jacob sumagot ka James"tuloy lamang ang pagtapik ni Jacob kay James at ng magkamalay ito ay bakas rito ang labis na takot sa kanyang mga mata hindi nya napigilan at sya ay napaluha agad naman kinalagan ni Jacob ang pagkakatali at dali dali namin inakay si James papaalis ng kwarto

"James bakit ka nandito diba nagpaalam ka sakin na uuwi kana"tanong ni Jacob kay James habang naglalakad kami at naghahanap ng mapagtataguan medyo malayo na kasi kami sa clinic at baka masalubong namin ang killer

"Yea uuwi na sana ako kaso may naiwan akong report sa Faculty kaya dinaanan ko muna pero pagdating ko doon wala ng mga tao at patay na ang ilaw may isang computer ang bukas at nilapitan ko ito nagulat ako sa nakita ko si Marie nakabulagta sa sahig at hubot hubad naliligo sa sariling dugo tapos biglang naramdaman ko nalang may biglang braso na pumilipit sa leeg ko at pumalo sa ulo ko hanggang nawalan ako ng malay siguro katapusan ko na kung hindi kayo dumating ano ba ang nangyayari dito bakit may larawan na hubot hubad at si Marie iyon"tumigil sa paglalakad si James at tila nagaantay ng sagot sa kanyang katanungan

Descendant Of The Devil[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon