Chapter 17

1.3K 24 6
                                    

Ian Pov:

Lahat kami ay di parin makapaniwala sa desisyon ng Principal pero kahit labag sa kalooban ko ay pumayag nalang ako sa di kalayuan nakita ko si Jacob na magkasalubong ang kilay kilala ko na si Jacob alam kong ayaw nyang naagawan sya ng atensyon at kitang kita ko ang reaksyon nya dahil sa pag aalala ni Heidi saakin na sya namang kinasaya ng aking kalooban alam kong mali pero sa nararamdaman kong ito ay parang may mga paru parung gustong kumawala sa aking tyan hindi rin umaalis ang aking paningin kay Heidi parang gustong gusto ko syang titigan mula sa malayuan

"Hoy Ian . Tama na ang pag day dream mo"sigaw ni Third mukang napansin nya atang kanina pa ako nakatitig kay Heidi

"Hayaan mo nga sya Third dapat lang syang mag day dream kasi umaga naman ngayon gusto mo mag day dream sya ng gabi?"taas noong tanong ni Evo kay Third

"Nice pare kumokorni kana . Sino kaya satin ang takot na takot kagabi at halos maihi na salawal nya"sabay ngiting aso naman nitong ni Third kay Evo na agad napaismid at umalis nalang na mukang talo sa pakikipagbangayan

"Hahaha umalis na din ang kalahating utak sa grupo ! Ohh Ian matanong nga kita pare san kaba galing kagabi alam mo bang ang daming nangyari halos ikaw lang wala ahhh tapos bigla kang susulpot baka ikaw ang killer"biglang sumeryoso ang muka ni Third pero iniiwasan nyang tumingin sa akin at sa mga kasamahan nalang namin nya tinuon ang kanyang tingin na nasa malayo at naghahanda sa mga bagahe nila

"Muka ba akong killer Third? Nasa tipo ko ba ang pagiging killer at kung ako man yon malamang uunahin na kita dahil baka maging sagabal kapa sa plano ko bukod sa malakas ka alam ko ang mga iniisip mo buddy"mula sa pagkakatitig kay Third ay tumitig nalang din ako sa mga kasamahan namin parehas lang namin silang tinititigan

"May point ka nga alam kong wala sa grupo natin ang pumapatay pero naisip mo bang baka isa sa atin ang nagpaplano nito kailangan nating gumawa ng paraan para hindi nya tayo maunahan"bakas sa boses ni Third ang takot nito

"Hahahaha Third ang pinaka number 1 sa listahan ko ng pinaka magulong studyante sa school gustong makipagtulungan saakin nasaan na ang buntot mo nabahag naba . Third ikaw ba yan ? Kelan kapa ba nagalala sa taong nakapaligid sayo !"itinaas ko ang dalawang kamay ko at humarap kay Third at tinapik lang ang kanyang balikat at umalis na

"Hoy Ian bumalik ka rito kausapin mo ako"nagulat nalang ako ng bigla na lamang akong binato ng plastic cup ni Third

"Peace pare ! Ang labo mo kasing kausap ee . Seryoso ako !"habang naka peace sign si Third sakin at nagkakamot ng ulo nya

"Ano naman mapapala ko kung makikipag tulungan ako sayo !"humakbang ako papalapit sa kanya at kinausap sya

"Alam ko may plano kayo ni Oliver pero kailangan nyo ako ngayon lalo na wala si Oliver sa tabi mo"tuloy tuloy at walang prenong pagkasabi sakin ni Third agad naman akong napaiwas ng tingin ibang klase rin talaga tong gunggong na to

"Bahala ka ikaw din maghihirap pag di ka nakipagtulungan sakin . Kahit sa ganitong bagay lang Ian pumayag kana wag ka ng mapride dyan"inakbayan nya ako na parang tropa lamang kami alam ko hindi ko masyadong gusto ang mga kilos ni Third dahil para lamang syang bata kung magisip at sa mga kilos nya

"Sige pero sa isang kundisyon? dapat di ka didikit dikit sakin naasar ako sayo sa pagiging isip bata mo . kumilos ka nga din ng nasa edad mo"at dalian ko naman inalis ang kamay nyang nakaakbay saakin

"Sure yun lang pala ee at take note Ian dapat pormahan mo na si Heidi alam ko namang gusto mo rin sya bahala ka baka maunahan ka ng iba dyan"ngumuso sya at agad naman akong nandiri sa itsura ni Third habang kinikibot kibot nya ang kanyang labi na agad naman pumasok sa isip ko sinubukan nyang sumenyas gamit ang kanyang nguso at nakita ko si Heidi at Jacob magkahawak ang dalawang kamay habang naguusap bigla na lamang may kumirot sa bandang dibdib ko at parang tinutusok tusok ang kaninang nararamdaman kong parang paru parong lumilipad sa aking tyan ay napalitan naman ng hapdi at kirot

Descendant Of The Devil[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon