Chapter 11

1.5K 29 0
                                    

Heidi Pov:

"Jacob mukang may problema nagkakagulo ang mga estudyante ee"sambit ko kay Jacob at bahagya syang tumigil medyo namamanhid na din ang paa ko ewan ko dito sa skwelahan na to masyadong malaki

"Ano naman kayang problema nakakapagtaka . Dyan ka muna Heidi magtatanong lang ako sa mga estudyante"agad nagtanong si Jacob sa isang nasalubong na estudyante halatang takot ito kay Jacob dahil hindi makatingin sa kanyang mga mata at isa pa nakayuko ganyan ba nila respetuhin ang presidente

"May problema daw sa isa sa CR may natagpuang patay na estudyante halika puntahan natin"sabay higit sa mga kamay ko ni Jacob kinakabahan man ay hinayaan ko nalang na hilain ako ni Jacob papunta sa lugar na tinukoy ng estudyante

"Paraanin nyo kami"sigaw ni Jacob sa mga nagkumpulang studyante sa may tapat ng pintuan ng CR agad bumuluga saamin ang di kaaya ayang itsura ng lugar puno ito ng dugo hindi kinayanan ng sikmura ni Jacob at msumuka sya at ako naman ay nagunahang tumulo ang aking luha

"Sinong may gawa ng ganyan ka brutal na pagpatay ? tao ba talaga ang may gawa nyan"narinig kong bulungan ng mga estudyante sa likod namen

Lahat kami ng SG oficer ay nagtulong tulong palayuin ang mga estudyante sa pagpapaalis dahil paparating na ang mga pulis at baka masira pa nila ang ibedensya na naiwan ng suspek

Sa di bandang kalayuan may nakita akong isang lalaki na naka jacket at nakahood natatandaan ko ang postura nya sya ang lalaking nasa bintana kamakailan lamang bago namatay ang isang estudyante na nakita din namen hindi ako pwedeng magkamali takip ang kanyang muka at tanging mga mata lamang ang nakikita halata sa mata nito ang pagkagalit

"Heidi may problema kaba ?"

"Ahh wala Ian pagod lang siguro ito"pagbalik ko ng tingin ay sya namang pagkawala ng lalaki kahit kailan inuunahan ako ng takot

Napansin kong unti unti narin nawawala ang mga estudyante at tanging kami nalang ng mga officer ang naiwan sa crime scene

"You know guys this will be a biggest issue in our school dapat matigil na agad to"wow hindi ako makapaniwala na iniisip ito ni Trina na may pakialam rin sya sa skwelahang ito

"So ano ang gusto mong iparating Trina ? dapat itago itong pangyayare ganon ? paparating na ang mga pulis"tanong ni Jacob habang nakahawak sa kanyang ulo halatang problemado rin sya sa pangyayaring ito

"Guys ayokong ganito ang mangyare sa darating na Foundation Week alam nyo naman yon diba bilang seniors gusto kong makagraduate ng masaya naman hindi ganito"tugon naman ni Peter

"Akong bahala malulutas naten ito"swestyon naman ni Ian

"Ian di mo ba alam na may nakabinbin pa na kaso at pangalawa na ito mawawalan tayo ng kapangyarihan sa eskwelahang ito kapag hindi naten ito malutas"

"Anong sinasabi mo Jacob wala kang tiwala saakin ? Hindi lang naman ikaw ang Officer dito at isa pa nakita mo naman ang sitwasyon naten tayo ang naiipit dito at ikaw parang wala lang pinapalala mo pa nga ee" galit na galit na lumapit si Ian kay Jacob agad akong pumagitna sa dalawa

"Stop you 2 . lahat tayo may kasalanan kailangan natin ngayon na hanapin ang may gawa nito malamang may nakakita or nakapansin sa pangyayareng ito bakit hindi tayo muna magtanong sa mga estudyanteng malapit lamang dito" sigaw ko sa kanilang lahat maski ako hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil hindi ko na rin ata kayang manahimik pa

"Nice suggestion ms.secretary" sambit ni James na tila nabuhayan muli ng loob

"Ok sige mag grupo tayo sa dalawa simula ngayon hindi lang dapat itong Jacob na to ang masusunod sinong gustong sumama sa akin"biglang nagbago ng timpla ang mga muka ng officer lahat ay parang nagulat sa sinabi ni Ian halatang pursigido syang malutas ang krimen na ito

"Haha ! Pinapatawa mo ba ako Ian sino naman ang sasama sayo bukod sa wala ka ng utak puro hangin lang naman ang dala mo"napatapik nalang ako ng noo eto na naman ang dalawang ito at magsisimula na naman ng away

"Ako sasama ako kay Ian . Ano pare san tayo maguumpisa?"biglang tapik sa balikat ni Peter kay Ian

"Yah mee too i will join the group"sabay yakap ni Trina kay Ian hindi ko akalain na type din pala ni Trina ang mukang badboy look

"Ikaw Heidi sasama kaba saakin?"tanong agad ni Ian saakin ngunit di ko sya pinansin tumingin ako sa itsura ni Trina at dinilaan ano sya ngayon sino ngayon sa ating dalawa ang mas maganda

"Hindi na Ian ayokong makaistorbo sainyo ni Ms.Queenbee"taas noo kong sagot

"Tara na pare palamig ka muna ng ulo ok ba yon? Heidi tara na"sumunod na ako agad kay James na pilit pinapakalma si Jacob bakit kaya ganyan silang dalawa ni Ian laging nagbabangayan 

Umupo kami sa nakita naming upuan dito sa Garden at si James na lamang ang nagdiscuss saamin kung anong hakbang lamang ang aming gagawin tanging mga representative ng bawat year level lamang ang sumama saamin sila Julie,Third at Evo at ang Escort ni Trina na kabaliktaran naman ang ugali dahil sa sobrang mahiyain na si Jake sa grupo naman ni Ian ay nandun si Peter,Trina,Liezel at Marie at alam ko hindi mawawala si Oliver kahit papano pampadami nila para hindi sila mabigatan sa gagawin nilang lahat halos nagtatalo na ang liwanag at dilim sa langit ngunit kami patuloy parin sa paghahanap ng ebidensya para malaman kung sino ang sangkot sa pagpatay na ito tinawagan na rin ni James ang mga pulis at hindi na pinatuloy marami din kasing kakilala ang pamilya ni James sa mga pulis kaya wala ng nagtanong ang mga teacher at principal ay pinakiusapan namen at humingi ng tatlong araw para malutas namen ang kaso at handa naming kaharapin ang parusang igagawad nila saamin na sya namang sinangayunan ng lahat

Descendant Of The Devil[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon