Chapter 12

1.4K 30 1
                                    

Ian Pov

"Hey Ian please wait for me' im tired pwede bang magpahinga naman tayo"pagmamakaawa ni Trina pero alam kong nagiinarte lang naman itong babae na to

"Ok magpahinga muna kayo dyan ako ng bahalang pumunta sa mga dorm ng ibang estudyante"agad kong iniwan sila na nagpapahinga alam kong mahirap pero kailangan kong sumugal dali dalian akong umakyat sa dorm ng mga estudyanteng malapit sa pinangyarihan ng krimen ngunit may napansin akong parang may nakasunod saakin

"Sino yan ? Uupakan kita kapag hindi ka nagpakita saakin"mula sa malayo ay biglang lumabas ang isang bulto ng katawan alam kong lalaki ito dahil na din sa hugis

"Sino ka"

"Ako ang sundo mo haha"muka syang di nagbibiro dahil sa tono nya at bigla syang tumawa ng malakas na nakakakilabot

Biglang nabalot ng katahimikan ang paligid ang animoy huni ng mga kuliglig ay nawala humangin ng sobrang lakas na nagbigay lalo sakin ng kilabot unti unting lumalapit ang lalaki sakin at tumapat sa liwanag ngunit naka maskara ang kanyang muka may binunot syang isang bagay at ng matitigan ko ng maayos ay doon ko lang nalaman na ito palay kutsilyo bumilis ang tibok ng puso ko at agad na kumaripas ng takbo

"Hahaha ! Hindi ka makakatakas sakin"mukang katapusan kona sa bawat paninindak nya ay halos balutin ako ng takot sa katawan

"Ugh . Shit ."palahaw ko ng biglang may tumusok na matalim na bagay sa aking binti ngunit ininda ko ang sakit at agad na tumakbo kailangan kong humingi ng tulong

"Tullllooooonngggggg"halos mabasag na ang buong lalamunan ko ayun na ata ang pinakamalakas na sigaw ko sa buong buhay ko

"Hahaha !! Kahit humingi ka ng tulong walang makakarinig sayo nagsiuwian na ang mga estudyante dahil sa natatakot silang manatili pag gabi dito"tila binagsakan ako ng mabigat na bagay sa aking puso mula ng narinig ko iyon ibig sabihin katapusan ko na hindi hindi ito maari kailangan kong iligtas ang mga kaibigan ko di ako pwedeng mamatay dito

Booogggsshhh

Bigla akong bumulagta sa sahig at nagaagaw ang aking kamalayan ang buong paligid ko ay lumalabo at parang ano mang oras ay nais ko ng pumikit tila may humawak sakin at pilit akong kinakaladkad kong saan

Bogggsshhhh

"Bitawan mo sya"biglang tumigil ang paghila sa akin at isang imahe ang nakikita ko ngunit hindi ko maaninag doon na tuluyan akong nawalan ng malay at ipinikit ang aking mga mata

Nagising ako tila ba masakit ang muka at binti ko sinubukan kong ilibot ang paningin ko at matagumpay ko namang nakita ang paligid agad akong nagtaka dahil ang paligid na ito ay pamilyar sa akin tanging isang tao lamang ang may alam ng lugar na ito maliban saakin

"Oliver ? Hayop ka ikaw pala ang mamamatay tao" sigaw ko sa buong kwarto at kahit hindi ko pa kayang tumayo nanatili akong nakahiga

"Ano ba naman Ian sinugal ko ang buhay ko para iligtas ka pasensya na akala ko kasi makikita ko ang itsura ng killer kaya medyo pinatagal ko muna"paliwanag ni Oliver na umiinon ng kape

"Teka ! nandon ka non ? nasaksihan mo lahat?"takang tanong ko sa kanya

"Oo pinagmamasdan kita akala ko uupakan mo tapos bigla ka nalang tumakbo"alam kong nagpipigil syang tawanan ako pero ang nakakahiya ay yong ginawa ko at nakita pa nya

"Oo na tumakbo ako dahil natakot ako non"

"Haha umamin ka din na minsan di mo suot ang tapang mo?pasalamat ka nandoon ako"

"Teka bakit nandoon ka ? ano bang ginagawa mo don saka sabi mo busy ka ng tinawagan kita"

"Nandon ako dahil may hinanap akong isang ebidensya hindi ko pa napapatunayan pero alam kong sya talaga ang may gawa ng lahat"ngayon ko lang nakitang seryoso si Oliver ng ganito at minsan tingin lang ng ibang estudynte sa kanya at walang silbi at walang laman ang utak bukod kasi laging bagsak ang grado nya sa academics halos mga video games lang ang inaatupag kaso nagbabago talaga ang tao

"Ano na ? sino ba yan para magantihan ko ang ginawa nya"dapat lang gantihan kung sino man yun sa ginawa nya sa katawan ko

"Hindi sya sino? ano ba sya !"kumunot ang noo ko sa sinabi ni Oliver

"Ha? Pwede ba sabihin mo agad at ipaliwanag mo ng maayos para di naman ako maguluhan"sabi ko kay Oliver agad naman sya umupo sa malapit na upuan at may kinuhang isang libro

"Tungkol ito sa Ritual na ginawa nyo. Ian nagresearch ako at nilalaman nitong librong ito ang Ritual na ginawa nyo ang sumugod sayo kanina ay isang Demonyo na nagkatawan tao at naghahanap sya ngayon ng sisidlan"sabay pakita ng larawan na nasa libro hindi pa masyadong rumerehistro sa utak ko ang mga nalaman ko ngayon halos binalot ako ng sobrang kaba akala ko ligtas na kami

"Imposible paano ang mga kaibigan ko paano ko sila maliligtas?"pinigilan kong lumuha sa harap ni Oliver dahil sa sobrang pag aalala alam kong barumbado ako pero ayoko namang pabayaan lang mismo sila

"May paraan Ian . Ang demonyong ito ay naghahanap ng sisidlan nya ang sisidlan nyang yon ay ang umatake sayo kanina naghahanap sya ng magiging alay at pag nahanap nya ito maaring katapusan na natin kailangan hindi tayo mahuli"pinilit kong tumayo ngunit sadyang mahina pa ang aking tuhod dahil sa pinsalang natamo ko

"Magpahinga ka muna mas delikado sayo kung pipilitin mo. kung balak mo ang iligtas sila kailangan magpahinga ka"labag man sa kalooban ko ang mahiga ay wala akong nagawa parang sinusuway ng utak ko ang kagustuhan kong mangyare unti unting pumipikit ang aking mga mata hanggang sa nawalan na ako ng kamalayan

Descendant Of The Devil[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon